CHAPTER 28;

42 6 0
                                    

KAISLER JHON P.O.V

Malayo pa lang narinig na namin ang bulungan ng mga students sanay na kami sa araw araw na ganito.

"Oyy gurl  andyan na sila Kaisler ohh. Ang gwapo talaga niya."

"Oo nga. Pero sakin mas  cute si Chester."

"Ang astig talaga ni Jeorge at Victor." Nilampasan lang namin sila.
"Dre! Sa cafeteria tayo?" Tanong ni Victor.
"Yeah... Nagugutom ako." Sagot ko.
"Libre mo ako dre." Ani ni Chester.
"Psh.. Ang yaman mong tao pero umaasa sa libre lang." seryuso Kong saad. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Jeorge nung lingunin ko siya pormal lang itong naglalakad. Nang makapasok kami medyo kaunti pa lang ang nandito dahil hindi pa naman break time. Minsan napupuno tong cafeteria kapag dito pumupunta ang mga college students.

"Oyy dre! Sino kaya yun napaka sosyal niyang tingnan." Nilingon ko si Chester at itinuro niya sakin ang isang lalaking palabas na ng cafeteria. Pinagmasdan ko ang paglabas niya makikita sa kanya ang pagiging sosyal dahil sa pormal at ayus ng kanyang damit.

Tuluyan na itong naka labas kaya naglakad na rin kami pero sa kasamaang palad may nakabangga sakin at natapon lahat ng laman ng tray sakin. Nagkalat lahat ito sa damit ko at ang iba ay sa sahig.

"What the hell?" Bulalas ko sa babaeng naka bangga sakin.

"Kaisler?" Bakas sa kanyang tinig ang takot at kaba.

"Sorry Hindi ko sinasadya,sorry talaga." Paghingi niya ng despensa. Akmang pupunasan niya ang damit ko pero tinabig ko ang kamay niya sabay tulak sa kanya.

Kaisler tama na babae yan." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Jeorge.

Dahil sa lakas ng pagkakatulak ko sa babaeng ito tumama ang likod niya na nasa table na malapit sa amin. Napaupo ito sa sahig habang Nakatungo. Pagsisihan niya ito.

ELI P.O.V

Tapos na akong uminom at pabalik na ako sa cafeteria dahil nandito malapit sa may kitchen ng cafeteria nakalagay ang water Despenser since walang tubig sa loob wala akong choice kundi pumunta dito para uminom.

Nakita ko ang nagkukumpulang tao sa gitna ng cafeteria. Nagtaka ako kung ano ang nangyayari at kung ano ang pinapanuod nila. Di kaya may nag away dito sa loob.

"My gosh ang lakas ng pagkakatulak ni Kaisler dun sa babae."

"Oo nga nakaka awa naman si ate girl." Narinig Kong nag uusap ang dalawang students na nakasalubong ko.

THE BRIDGE OF LOVE (MOONSTONE TRILOGY)Where stories live. Discover now