CHAPTER 29;

42 6 0
                                    


ELI P.O.V

"Nikka ano ba talaga ang nangyari?" Mahinahon kung tanong sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa court. Gusto kong klaruhin sa kanya ang totoong nangyari kanina.

"Kasi nung ipinadala mo sakin yung tray. Nakita ko naman silang pumasok ng cafeteria dun sila dadaan sa dadaanan ko rin. Iiwasan ko na sana sila pero may pumatid sakin kaya natapon lahat ng dala ko Kay Kaisler. Hindi ko naman talaga sinasadya nag sorry ako sa kanya pero itinulak niya ako." Hindi ako makapaniwalang ganun siya ka brutal sa mga babae. Napabuntong hininga na lang ako sa inis sa lalaking yun.

Nang makarating kami ng court ay naglalaro pa ang ibang team.

"Ohh ba't ang tagal nyo? Baka naman inubos nyo na lahat ng tubig sa cafeteria?" Biro ni Irene. Tumawa na lang kami.

"Ubos na nga talaga yung tubig sa cafe." Natatawang Biro ni Nikka kaya tumawa lang sila.

"Ohh!" Inabutan ko silang tatlo ng drinks na binili namin ni Nikka.

"Whoah! Thank you." Tuwang tuwang tinaggap ni Irene yung drinks.

"Thank you Eli." Nginitian ko na lang si Liza.

"Thanks Eli." Si Hanily.

"Marami pa ba ang maglalaro?" Tumingin ako sa score board ng mga naglalaro kaunti lang ang lamang kabilang team.

"Hmm..last na yan." Narinig Kong sagot sakin ni Hanily.

"Kanina yung team ni Baby Jane at Team ni Cyril ay tie." Anang ni Irene.

"Ok class tapos na ang laro maaari na kayong bumalik sa inyong classroom." Umalis na si Miss kaya kami kami na lang ang nandoon. Inayos na namin ang mga gamit namin pagkatapos ay dederetso kami sa locker para kunin ang uniform namin para magpalit.

"Oyy lunch muna tayo bago tayo magpalit nagugutom na kasi ako." Ani ni Irene. Ako nga rin ehhh Hindi kami nakakain kanina ni Nikka dahil sa tensyon namin ni Kaisler nawalan na ako ng ganang kumain.

THE BRIDGE OF LOVE (MOONSTONE TRILOGY)Where stories live. Discover now