CHAPTER 15;

52 5 0
                                    

ELI P.O.V

Nasa kalagitnaan na ng pagsusulat ko ay bigla naman akong tinawag ni Miss. Scot.
"Eli." Pagtawag niya sa akin.
"Yes Miss. Scot ano po yun?" Magalang na tanong ko.
"Pwede ba kitang utosan paki dala nito kay Mr. De vera dun sa faculty." Ipinakita niya Sa akin ang dalawang white folder.
"Sige po." Pagpayag ko sa inuutos niya. Ibinigay niya sa akin ang yung white folder kaya umalis na ako at tinahak ang daan patungo sa faculty malapit lang naman ito sa may field kaya hindi na ako mahihirapan derederetso lang akong naglakad patungo sa faculty at nung nasa tapat na ako ay kumatok muna ako.
"Pasok." Tinig ng isang baritonong boses lalaki,kaya pumasok na lang ako. Pagkapasok ko may nakita akong lalaki na nakaupo sa swivel chair at busy ito sa ginagawa niya sa kanyang loptop.
"Ahh.. Sir pwede po bang magtanong sino po si Mr. De vera?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya nag angat naman siya ng titig sa akin kaya ngumuti ako sa kanya. Pero wala akong natanggap na ngiti mula sa kanya. Gwapo ka pa naman kaso suplado..cheee..
"Ako yun bakit ano kailangan mo?" Kaswal na sagot niya sakin nakatitig lang siya sa akin.
"Pinapabigay po kasi to sa inyo ni Miss. Scot." Ipinakita ko sa kanya yung dala kong folder. Inabot ko to sa kanya.
"Thanks." Pagpapasalamat niya nginitian ko lang siya. Nakita kong ngumiti din siya..ohh my dimple si sir. Tatalikod na sana ako ng biglang nagsalita ulit siya.
"By the way may ibibigay din ako kay Miss. Scot pwedeng paki hintay na lang nito..list ito ng class niyo hinihingi niya na sa akin nandito ka naman ay dalhin mo na...and please seat down." Mahabang saad niya.
"Ahh sige po." Umupo naman ako sa upuan na katabi ng table niya. Humarap naman si Mr. De vera sa loptop at sinaksak niya ito sa printer.
"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong niya sa akin na ang paningin ay hindi inaalis sa kanyang laptop.
"Shaira Eli Aguas po sir." Sagot ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at saka ngumiti, ngumiti rin ako sa kanya bilang sukli.
"Nice to meet you Shaira." Saad ni sir.
"Hehehe Eli na lang po hindi kasi ako sanay na tinatawag na Shaira." Nahihiyang sagot ko sa kanya.
"Ok sige Eli.. And by the way my name is Jaydon De vera." Pagpapakilala niya. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Nice to meet you too Mr. De vera." Saad ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Napaka pormal naman ata nun..call me sir jaydon." Natatawang tugon niya. Ngiti lang ang isinusukli ko. Mabait pala tong si sir jaydon sa una parang suplado pero hindi pala sa tingin ko nga ay nasa 25 pababa ang kanyang edad dahil sa baby face niyang mukha.
Ahh sige po sir jaydon." Nahihiyang sambit ko.
Naghintay na lang ako kaya inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan nitong faculty malaki ito at halos lahat ng teachers ay nandito.
"Done." Sambit niya nung paglingon ko sa kanya ay inaayos niya na yung ilang papers at inilagay niya na ito sa white folder inabot niya na ito sa akin kaya tinanggap ko na.

KAIALER JHON P.O.V

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata pero may nakaagaw ng atensyon ko natanaw  ko yung babaeng naglalakad sa hallway. Siya nanaman. Hindi ako pwedeng magkamali siya yun yung babaeng newbies. Sinundan ko lang siya ng tingin may dala iyong white folder at pumasok sa faculty room. Lagot ka sakin paglabas mo. Hinihintay ko siyang lumabas kaya hindi ko inaalis ang aking paningin sa pintong pinasukan niya.
Bigla namang may humablot ng headphone ko pagtingin ko ay hawak ito ni Chester Kim sinamaan ko na lang siya ng tingin at ibinalik na lang ang atensiyon sa binabantayan ko.
"Hoyy.. Pre sino tinitingnan mo diyan?" Tanong ni Chester. Hindi ko siya sinagot.
"Baka chiks nanaman yan..share mo naman sakin." Pangungulit ni Chester.
"Manahimik ka nga baka gusto mo makatikim." Galit na saad ko. Tumawa lang silang dalawa ni Victor. Hindi ko na lang sila pinansin dahil baka malusutan nanaman ako nung babaeng yun.
"Hmm.. Ikaw Victor ano gusto mo matikman sa kanya." Natatawang tanong ni Chester kay Victor.
"Gogo." Sagot nito.
"Ako kasi gusto kong matikman ng buo ang isang kaisler Jhon Rutherford." Nakakaloko itong humalakhak si Chester kay binatukan ko ito.
"Gago...sabing manahimik ka." Gigil na sagot ko sa kanya. Himashimas niya naman ang kanyang ulo dahil binatukan ko tumatawa lang ito.
"Oo na mananahimik na nga po." Tumatawang sambit niya. Hindi ko na lang pinansin ang kalokohan nitong si Chester. Bakit ang tagal niyang labas. Ilang sandali pa akong naghintay pero nabigo ako dahil hindi pa siya lumalabas at nag bell na rin.
"Oyy.. Pre time na tara na baka malate nanaman tayo at baka palabasin ulit tayo." Pagaaya sakin ni Victor. Tumayo na lang ako at sumunod sa kanila.

GERLYN ROSE P.O.V

Hi..I'm Gerlyn Rose Opanzol..kaisler's girlfriend.

Habang naglalakad ako patungo sa faculty nakita kong papalapit din sa akin sina Chester kim at Victor nasa likuran nila si Kaisler. Nung malapit na sila sa gawi ko ay saka palang nila ako napansin.
"Ohh..san kayo galing?" Tanong ko sa kanila.
"Ahh..ehh...na late kasi kami kanina sa first subject namin ayon pinalabas kami ni Miss. Lim." Kakamot kamot sa batok na sagot ni Chester.
"Bakit?" Tanong ko ulit.
"Si kaisler na tanongin mo." Nahihiyang saad ni Victor. Tumingin naman ako kay kaisler umiwas siya sa titig ko sa kanyan.
"Kaisler bakit ka na late?" Tanong ko kay kaisler.
"Ahh..ehh..hehehe natrapic kasi ako kanina." Natatawang sagot niya kaya tumango na lang ako sa kanya.
"O sige maypupuntahan pa ako ." pagpapaalam ko sa kanila.
"Saan ka pupunta?" Tanong sakin ni kaisler .
"Sa faculty lang may kukunin ako." Sagot ko sa kanya.
"Pwedeng sumama?" Nagbabakasakaling tanong  niya.
"Hindi..dahil baka malate ka nanaman." Sagot ko ngumuso naman siya kaya natawa ako.
"Sige..bumalik na kayo sa room nyo." Tumalikod na ako aa kanila at naglakad papunta sa faculty nung nasa harap na ako ay kakatok na sana ako ng bigla namang bumukas at iniluwa amg isang babaeng matangkad, nakalugay ang buhok niyang straight  hanggang baywang,maputi at hindi maipagkakaila ang natatangi niyang ganda dahil kahit ata babae ay magkakagusto sa kanya. Nakita kong nagulat din sya sa presensya ko pero agad din siyang ngumiti kaya sinuklian ko din ng ngiti. Tumabi naman ako sa dadaanan niya at nung makalabas siya ay saka naman ako pumasok sa loob ng faculty.

THE BRIDGE OF LOVE (MOONSTONE TRILOGY)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora