PROLOGUE

259 63 31
                                    

AN: Hello! I apologized for the grammatical errors. I know this first chapter is way too boring and predictable. This is my first ever book and again sorry for my mistakes. I will accept a constructive critism and suggestion for my improvement. But I swear, this will not take long because in the upcoming chapter will be a blast.

©All rights reserved. LazyWp

————

PROLOGUE

"NIKA! ANO ba hindi ka pa babangon dyan?!" narinig kong sabi ng maingay na taong nakilala ko sa buong buhay ko.

Nagising ako dahil sa ingay ng kapatid kong pinaglihi yata sa alarm clock. Grabe! Walang pinagkaiba sa kambing na malapit ng katayin.

"Nika kung hindi ka pa babangon, bubuhusan na talaga kita ng mainit na tubig!" sabi ng kapatid kong pinaglihi sa alarm clock. Hays!

Ang aga-aga pa kaya tapos itong kapatid ko nag-iingay ng maaga. Matanong nga 'to mamaya kung pinaglihi ba yon sa alarm clock, ang ingay kasi eh nakakairita na.

Hindi ko pa nga naririnig na tumitilaok ang manok tapos may nag-iingay at gigisingin pa ako ng maaga.

Putchang buhay!

Ang tagal ko natulog kagabi dahil sa kapapanuod ng latest anime, may bago kasing update kaya ito ako ngayon nagmumukhang pandang hindi nasilayan ng sinag ng araw.

Nagulat nalang ako na may bumuhos na malamig na tubig sa akin kaya napabangon na talaga ako sa kama.

"Hoy nika ang tagal bumangon, pafeeling sleeping beauty 'to." naiiritang sambit ni kuya.

"Babangon na nga eh. Chill bro!"

Tinaasan ako ng kilay ng kapatid kong pinaglihi sa alarm clock. "Bakit bumalik ka ng pagkakahiga dyan? Bangon na uy,"

"Oo na, oo na. Sino ba kasing hindi babangon kapag ang kapatid mo ay kapatid pala ni donkey sa shrek na nagmistulang alarm clock sa umaga." natatawang sabi ko kay kuya.

Nakita ko naman ang magkasalubong na kilay ni kuya. Mukhang susuntukin ako ng mokong na 'to.

"Chill kalang kuya wag kang mastress alalahanin ang high blood pressure." tumatawang sabi ko kay kuya.

Hindi ko alam kong matatawa ba ako sa mukha ni kuya, lalo kasing nagusot ang kanyang frog face.

"Bangon na nga dyan. Maligo ka na, may klase ka pa diba?" galit na sabi ni kuya sa akin.

"Oh shoot! 7:20 na!" natatarantang ani ko. Hindi ko manlang namalayan ang oras 8:00 pa naman ang klase namin.

"Ayan kasi palaging nanunod ng anime kaya ang tagal bumangon." sumbat sakin ni kuya. Kasalanan ko bang nahilig ako sa anime, ito talagang kapatid ko, hindi ko magets minsan.

Or should I say,  ako lang ang matino sa pamamahay na 'to.

"Maligo ka na mukha ka nang panda." tumatawang sabi ni kuya bago siya umalis sa kwarto ko.

Mabilis akong naligo at nagsout ako ng oversized black t-shirt at ripped jeans. Nagsuot na din ako ng white snickers.

Hindi ako mahilig magsuot ng mga pangbabaeng damit siguro nakasanayan ko na 'to since lumaki akong close sa dalawa kong kuya.

Nang pababa na ako sa hagdan ay dinig na dinig ng maganda kong tenga ang tawanan ng mga unggoy kong kapatid.

"Mynisha Kathlene Saldave, ayan ka na pala kumain ka muna dito." sabi ni kuya Jaycee sa'kin.

Just WishWhere stories live. Discover now