CHAPTER 17

86 10 55
                                    

CHAPTER 17

Copyright © LazyWp

NAKATINGIN LANG sila sa amin na parang hindi naniniwala sa sinabi ni ace. Palipat lipat sila ng tingin na para bang sinusuri kaming dalawa kung totoong magjowa ba kami. I rolled my eyes at I took a deep breath.

"Cut that annoying face! Ngayon lang ba kayo nakakita ng magjowa?! Duh!" pati ako nagsinungaling sa harap ng mga gagong 'to. Gusto kong makisakay sa sinabi ni ace, titingnan ko kung ano ang reaksyon ng mga 'to.

Tiningnan nila ako ng ilang segundo at pagkatapos ay tumawa sila ng pagkalakas-lakas. Tumaas ang isa kong kilay sa reaksyon ng mga gago. Anong nakakatawa?

"HAHAHA! Dude! Is it april fools day?" tawang tawang tanong ni stan na may kasama pang iling.

"Nah, it's not. As far as I remember, it's october" rust said while crossing his hand. Isa pa 'to, ang sarap iumpog sa manubela.

"Quit it man, I didn't know you're now a joker! HAHAHA!" natatawang sabi ni dustin sabay turo kay ace.

Tiningnan ko si ace at blanko ang kanyang mukha. Hindi manlang siya na supresa sa reaksyon ng mga gago niyang kaibigan. Bakit ba kasi niya sinabi? Ayan tuloy, wasted. Wala talaga akong balak sabihin sa mga gagong 'to ang deal namin ni ace but I realized, we're making this deal to know the people around me that I was capable to have a boyfriend. So, it's not bad afterall.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa harap ng mga gagong 'to at sabay bumuntong hininga. Mahirap mapaniwala ang mga gagong 'to since sila ang may mas alam sa ugali ni ace. I guess, alam na alam na talaga nila ang characteristic nito.

"Dude! Is it a prank or not?" tanong naman ni chase habang nakairap. Hindi manlang naniwala. Isa pa 'to, ang sarap ibitay patiwarik sa poste.

Lumapit sa akin si jayver at hinawakan ang aking balikat. Nagusot ang mukha ko dahil sa pinaggagawa ng lalaking 'to. Dahan dahan kong tiningnan ang nakahawak na kamay ni jayver sa balikat ko at ibinaling nanaman sa kanya ang aking nakakamatay na tingin. Agad naman niyang inalis ang kamay niya sa balikat ko.

Tsk! May pahawak hawak pang nalalaman ang lalaking 'to. Hindi ko alam kung naniniwala sila o hindi. Sa tingin ko kasi, parang alam na alam na nila ang mga maaaring sasabihin ni ace.

Or it is just my guess. I don't really know them afterall.

"Congratulations miss nika, you made it funny. HA-HA-HA" sarcastic pa ang tawa ng gago. I just glared at him but he just keep laughing like an idiot.

Nagkatinginan ang mga gago at sabay silang tumango. Lumapit silang lima na parang may ginagawang meeting, actually it's like a group hug. May binubulong pa si stan sa apat. Ano nanaman ba ang iniisip ng limang 'to?

Bumuga lang ako ng malakas na hangin at tiningnan si ace. Lumapit ako sa kanya at tinap ang balikat niya. Agad siyang tumingin sa akin.

"What's wrong?"

"Napakaweird ng mga kaibigan mo sa totoo lang, kaya hindi na 'ko nasupresa na nakuha mo ang sakanila ang pagiging gago mo" hindi ko mapigilang tumawa sa sinabi ko. Syempre hininaan ko ang boses ko para hindi madinig ng five morons.

Kumunot ang noo niya. "What?"

Ngumisi lang ako sakanya. "Ah muntik ko ng makalimutan, alam mo ba ang pinagagawa ng kaibigan mo?" syempre gago din 'tong si ace kaya feel ko alam na alam niya ang pinagagawa ng mga 'to.

Tumingin siya akin saglit at ibinaling niya ang kanyang tingin sa lima. "Probably, they're planning something stupid"

Hinawakan ko ang ulo ko at sabay iling. Jusko, ano nanaman ba ang pinaplano ng mga 'to?

Just WishWhere stories live. Discover now