CHAPTER 5

115 22 20
                                    

CHAPTER 5

Copyright © LazyWp


BORED NA bored na ako dito sa bahay plus kasama ko pa dito ang gagong lalaking yon. Dalawang oras na ang lumipas nung nakipagsunduan ako sa bunging lalaking yon.

Excited na akong makita ang reaksyon ng mga taong hindi naniniwala sa akin na nagkaroon na ako boyfriend.

Though, my ideal boyfriend is really opposite to that asshole guy but I had no choice since I will introduce him to my friends and to my idiot brothers.

Nandito ako sa kwarto ko ngayon nanonood ng anime. Hindi ko alam ko nasan ang lalaking yun pero sigurado akong nakaupo at natutulog yun sa couch. Walang ibang ginawa yun kundi pumikit o walang balak magsalita.

Pinaglihi yata yun sa bato at ice. Kanina nung natapos akong maligo nakita ko siyang nakaupo at nakapikit. Walang pinagbago ang kanyang position nung naligo hanggang sa natapos ako. Nagmukha syang koala o owl sa paningin ko.

Napakaweird nyang tao sa totoo lang.

I look at the time and it's 12:15 pm. Nararamdaman ko na din ang gutom kaya napagpasyahan kong bumaba at magluto ng almusal.

Nang makababa na ako sa sala nakita ko siyang nakaupo at nakapikit. Parang tulog yata ang gago. Ginawa pakong maid sa loob ng pamamahay ko.

Napaka walang hiya nya, ayos lang naman na mag-approach sya sa akin na magsabi ng salamat sa tulong na ginawa ko sakanya pero wala eh! Kabaliktaran ng inexpect ko ang mangyayari. Totoo pala ang sinabi ng iba na don't expect too much dahil nakakamatay.

Pumasok na ako sa kusina para magluto ng lunch ko I mean lunch pala NAMIN.

Bwiset na bwiset na ako sa walang kwentang mukha ng gagong yun. Kanina pa ako naiirita sa kanya, gusto ko syang saktan pero hindi pwede dahil patas akong lumaban.

Binuksan ko ang ref namin kaso ang ang tanging laman ay itlog. Ano ba naman yan? Walang kwentang ref nakisabay pato sa pagkabwiset ko. Oras na yatang bumili ako ng pangstock sa ref.

Since wala akong choice kinuha ko ang itlog. Mas lalo akong nabwiset dahil small size ang itlog. Pano ko'to pagkakasyahin. Bwiset na buhay!

Dalawang maliit na itlog? Anong gagawin ko nito? Piste!

I will be cooking an egg but not just an ordinary egg because this is special dahil napagpasyahan kong magluto ng omurice. Combination ng itlog at kanin.

Napakatalino ko talaga nagawan ko ng paraan ang dalawang maliit na itlog.

Nang natapos akong magluto ay inihanda ko ang mga kailangan para kumain.

Tiningnan ko ang bwiset na lalaking yon at nakita ko syang nakaupo at nakatingin na sa akin. Kanina pa ba siya gising? Hindi man lang ako tinulungan ng gago.

Napakaweird nyang tao, ang hilig nyang makipag eye contact.

Tumikhim ako. "Kumain ka na dito, pinamukha mo talaga akong yaya!" inis na sabi ko sakanya. Tiningnan naman nya ako at tumango.

Wala bang ibang gesture ang lalaking to puro kasi tango o pikit ang ginawa nya buong mag-araw. Kainis!

Kahit bwiset siya papakainin ko naman siya dahil baka pumayat siya. Baka sabihin ng mga kaibigan at kuya ko sa kanya na nagkaroon ako ng boyfriend na walis.

Ayokong mangyari yun, masisira ang reputation ko bilang tao. Mataas ang standard ko sa isang lalaki kaso wala akong magawa dahil yun talaga ang ibinigay ng tadhana sakin.

Bwiset na buhay!

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Bahala siya sa buhay nya kung hindi siya kakain. Ayaw ko siyang yayain baka magmukha akong yaya dito.

Just WishWhere stories live. Discover now