FILLER CHAPTER: A Journey to a New Home

96 10 43
                                    

A/N: Akala nyo Chapter 19 noh? Sorry, hindi ito ang usual na update ko ngayon hehe. I know, lots of you is curious, what is a filler chapter? Filler chapter ay walang kinalaman sa takbo ng kwento, takbo ng mga pangyayari. I wrote it because I want to entertain you and wrote something different. And it's a way kung gaano ko talaga kakilala ang mga karakter sa kwento. Since, wala pang chapter 19 ay ito muna ang filler chapter ang ipopost ko.

Guys! Are you curious why this filler chapter titled as "A Journey to a New Home". Obviously, pupunta tayo sa ibang dimension but it's the same character and the plot is different. Again, this Filler Chapter ay walang kinalaman sa plot ng actual na kwento.

Ps. All of my stories, has a filler chapter. Maybe in this story (Just Wish) I will put 2 filler chapters.

———————


Filler Chapter: A Journey to a New Home

Copyrights © LazyWp


MABILIS SIYANG tumakbo malapit sa ilog ng kanilang karatig kaharian. Nais niyang umalis sa kanyang bansa kung saan siya lumaki sapagkat masyado nang lumala ang mapang-abusong pamamalakad ng mga nakataas-taasang posisyon ng mga taong may dugong maharlika. Hindi na niya kayang tingnan o kaya naman tulungan manlang ang mga taong naaalipin sa kamay ng hari. Wala siyang kapangyarihan upang tulungan ang mga taong naaalipin sapagkat lumaki siyang walang-wala. Gayunpaman, wala siyang pakialam kung masaktan siya ng sobra basta't makarating lang siya sa pagitan ng kapitbahay na bansa.

Hindi siya ordinaryong babae sapagkat may taglay siyang kakayahan na makipaglaban. Hindi siya katulad ng iba na masyadong babae ang kilos. Hindi din siya katulad ng ibang babae na nagtatrabaho sa loob ng bahay o kaya naman nagtatahi ng mga damit boung araw. Nakakainis man isipin na sa mundong kanyang ginagalawan, ang mga babae ay parang mga hayop na nakakakulong sa hawla. Sa sistema nila ay ang mga babae ay hindi mapapantayan ang lakas nila sa lakas ng mga lalaki. Gusto niyang baguhin ang sistemang ito ngunit wala siyang kakayahan na baguhin ito dahil isa lang siyang hamak na babaeng walang dugong bughaw.

Gusto niyang patunayan na kahit mga babae ay kaya ding gawin ang ginagawa ng mga lalaki. Sa lugar nila, wala pang nakakapantay sa kakayahan niyang makipaglaban. Magaling siyang gumamit ng mga palaso at higit sa lahat ang kakayahan niyang makipagespadahan. Sa bayan niya ay pantay pantay lamang ang tingin sa mga babae at lalaki. Walang malakas, wala ding mahina. Ang mga babae ay nakakagawa ng ano mang nanaisin nila ngunit nagbago ang saya ng kanilang bayan ng sakupin ito ng mga kawal. Ginawang mga alipin ang mga lalaki at mga babae naman ay nilapastangan.

Nang sinakop ang kanilang bayan ay nagpatupad ang gobyerno na gawing alipin ang mga babae sa kamay ng hari. Nang malaman ng kawal na siya ang hindi pa nadadakip ay kaagad nila itong hinabol. Nakipaglaban siya at wala siyang pakialam na mabahiran ng dugo ang kanyang kamay basta't hindi siya mahuhuli. Mabilis siyang tumakbo sa ilog na kung saan ito ang magiging tulay na paglisan niya sa kanyang bansang sinilangan.

"Hindi nyo ko mahuhuli at lalong hinding-hindi ako magpapaalipin sa walang kwenta nyong hari" sigaw nya sa mga taong humahabol sa kanya.

Marami siyang sugat sa katawan dahil na rin sa tinamong pakikipaglaban nya sa mga kawal. Masyadong malamig ang ilalim ng gabi ngunit nag-aalab ang kanyang damdamin na makaalis sa kanyang bansa.

"Konti nalang makakaalis na ako dito"

Bago paman siya sumulong sa ilog ay may tumamang palaso sa kanyang pisngi. Nadaplisan ang kanyang pisngi at nararamdaman niyang tumutulo ang pulang likido patungo sa kanyang leeg. Masyadong mahapdi ngunit titiisin niya ito. Wala lang ito kaysa sa sakit na naranasan niya sa loob ng 20 taon na nabubuhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just WishWhere stories live. Discover now