CHAPTER 7

102 19 44
                                    

CHAPTER 7

Copyright © LazyWp


I FEEL like I'm floating in the air. Para kasing lumilipad ako patungong langit. Nakauwi na ba kami? Pagdilat ko ay unang tumambad ang mukha ng gagong lalaking kasama ko. Bakit parang nakalutang ako? Lumaki naman ang mata ko dahil binitbit nya pala ako papasok sa bahay. Nakabridal style ang paraan ng pagbitbit nya sakin.

Nagsisimula na naman akong mainis sa lalaking to kasi hindi manlang ako ginising. Tarantado talaga!

Nagpupumiglas naman ako na parang kambing na malapit ng tanggalan ng balat.

"Bitawan mo ako gago! Sana naman ginising mo manlang ako!" inis na sabi ko sa kanya. Tiningnan nya lamang ako na walang pakialam sa sinabi ko. I swear, dudukutin ko talaga ang mata nyang walang buhay.

Pagtapak niya sa loob ng bahay ay binitawan nya agad ako kaya ang ending ay unang tumama ang pwet ko sa sahig. Ang sakit nun ah! Bwesit talaga 'tong gagong 'to!

"Aray ha! Ang sabi ko wag mokong bitawan agad. Sana naman nilagay mo manlang ako sa couch!" galit na sabi ko sakanya. Ang sakit ng pwet ko! Tarantado talaga ang lalaking to! Hirap na hirap akong tumayo pero nakayanan ko naman na pumunta sa couch. Bwesit, lagot talaga siya sakin!

I glared at him pero tiningnan nya lang ako at umupo sa couch na kaharap ko. Hindi tinatablan ang gago ng masama kong tingin. Grabe! Magkakasakit yata ako nito.

Tiningnan ko lang siya ng masama at ang lalaking nangbebwesit  sakin ay agad tumayo at pumunta sa labas. Saan pupunta yun? Na guilty siguro ang tarantadong lalaking yun. Hindi ko magalaw masyado ang balakang ko. Lagot talaga siya sakin. Bwesit!

Bumalik agad siya na may maraming dala. Nakita ko naman na dinala niya ang mga pinamili namin kanina sa mall at pumunta sa kusina. Wag nya lang hayaan na ako na naman ang mag-aarange sa pinamili namin dahil malalagot talaga siya sakin. Narinig ko naman ang ingay na nanggaling sa kusina. Aba! May ginawang tama ang gago. I'm impressed!

Pumunta ako sa kusina, kahit namimilipit parin ako sa sakit ay nagpatuloy parin akong pumunta dun. Nakita ko siyang nag-aarange ng mga pinamili. Wow himala! Nashock talaga ako dahil hindi ko siya sinabihan na gawin yun, siya mismo ang gumawa.

Hindi ko napigilan na pumalakpak dahil sa pagkamangha ko sa gagong 'to. Huminto naman siya sa pag-aarange ng mga pinamili sa ref. Tiningnan nya  ako at kumunot ang nuo nya dahil sa ginawa ko.

"Wow! Kahit papano may ginawa kang tama dito!" smirk na sabi ko sakanya. Tiningnan nya ako ng ilang segundo at umiwas ng tingin. Nahiya siguro ang gago dahil sa compliment ko sakanya. Hahawakan ko na sana ang ulo nya pero agad naman siyang umiwas. Ang OA talaga nito!

I glared at him. "Ang arte nito! Ah by the way, aakyat muna ako sa kwarto ko para magbihis. Dapat pagkababa ko dito, nakaayos na ang pagkain na tinake-out  ko kanina dahil kung hindi mo sinunod yang inutos ko, papalayasin talaga kita. Maliwanag ba?" mahabang sabi ko sa kanya.

He rolled his eyes and nod. Ang arte nito! Maliit ngalang na bagay ang inutos ko, nag-iinarte pa. Sarap suntukin ng gagong 'to! Alam kong napipilitan lang ang tarantadong yun dahil alam kong mas gusto nya lang matulog!

Umakyat nako at pumunta sa kwarto ko para magbihis. I looked at the time and it's 8:30 pm. Sobrang tagal namin dun sa mall. Kasalanan talaga ng gago, may pabili-bili pa kasing damit. Nararamdaman ko nadin ang gutom kaya mabilis akong nagbihis. Bumababa nako at nakita ko siyang nakaupo sa couch at nakapikit. Nakahanda na kaya ang pagkain? Susuntukin ko talaga siya kapag hindi nya ginawa ang inutos ko.

"Hoy! Susuntukin talaga kita kapag hindi mo nagawa ang inutos ko!" sabi ko sakanya. Dumilat naman sandali ang isa nyang mata at pumikit ulit, may pakacross-arm pang nalalaman to!

Just WishWhere stories live. Discover now