CHAPTER 12

92 9 31
                                    

CHAPTER 12

Copyright © LazyWp

BAKIT NILA kilala 'tong gagong 'to? Sino sila? Bakit Valderama na ka apelyido ni ace ang kanilang tinawag? At bakit sila nakaturo sa gagong 'to? Ibig sabihin ba nito-

WHAT THE HECK?!

Nanlaki naman ang dalawa kong mata nang narealize ko kung ano ang nangyayari ngayon. Tiningnan ko siya ng diretso at hindi makapaniwala.

"B-bakit ka nila kilala?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Inaabangan ko ang kanyang sagot pero tiningnan nya lang ako at umiwas agad ng tingin.

"S-sagutin mo 'ko!" napalakas ang sabi ko kaya lumingon ang karamihan sa amin. Hindi ko sila pinansin, gusto kong masagot ang bumabagabag sa isipan ko ngayon.

Tumingin naman siya sakin ng seryoso. "I didn't know them" walang buhay na sabi niya sakin at umiwas ng tingin. Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa walang saysay na sagot nya.

Alam ko naman na nagsisinungaling lang siya sakin. Nararamdaman kong may ugnayan siya sa limang lalaking yun. Nakita ko naman na hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang cap at tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang black cap na suot niya.

"Oh come on! Come here bro" dinig kong sabi ng isa sa limang lalaki sa stage. Agad naman akong tumingin sa unahan at nakatingin parin sila dito ng nakangisi.

Dahan dahan naman akong lumingon sa kanya at nakita ko siyang nakakunot ang noo. Nakakuyom ang kanyang kamao ng mahigpit at seryosong nakatingin sa sahig. Tumayo siya at hahakbang na sana kaso nahawakan ko ang kanyang braso.

"Saan ka pupunta?" diin kong sabi sa kanya. Dahan dahan naman siyang lumingon sa gawi ko at tiningnan ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa braso niya.

"Put your hand down" seryosong sabi niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya dahan-dahan kong binitawan ang braso niya. Agad naman siyang humakbang at naglakad ng mabilis. Alam ko na lahat ng tao dito ay nakatingin sa direksiyon ko dahil tumahimik sila at ramdam ko ang kanilang mata na nakatingin sa amin.

"Hey dude! Come back here" sabi ng lalaking may pilat sa kilay. Tinignan ko siya papalayo. Alam ko na ang sagot sa tanong ko ngayon pero dapat ma confirm ko muna bago gumawa ng isang conclusion.

Tinignan ko saglit ang limang lalaki na nasa stage at nakangisi parin sila habang tinitingnan ang papalayong si Ace. Nakita ko naman na umiling ang lalaking may green na mata habang nakangisi.

"He haven't changed" iling na sabi ng pinakamataas sa kanila. Kahit mahina lang yun pero dinig-dinig ko yun dahil malapit lang siya sa microphone. So ang ibig sabihin nito, kilala nga nila si ace!

Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon nila shan. Tumingin naman si shan sa akin ng nakakunot ang noo.

"Stay here! Pupunta lang ako sa cr" mahinang sabi ko sakanila. Agad naman silang tumango kaya tumayo nako at naglakad ng mabilis.

Nang makaalis nako sa gym ay agad kong hinanap si ace. Pumunta ako sa canteen pero wala siya dun. Agad naman akong tumakbo sa garden, nagbabasakaling nandun siya pero wala din siya dun.

Huminto ako saglit dahil hiningal ako ng sobra. Umupo ako sa isang upuan at nag-isip kung saan pwede pumunta si ace.

Realization hit me. "Aha! Alam ko na. Sana naman nandun siya" pagkasabi ko ay tumayo nako at pumunta sa lugar na pwedeng nandun siya.

Tumakbo ako at umakyat sa hagdan para makapunta sa rooftop. Kahit hingal na hingal nako ay pinagpatuloy ko parin ang pagpunta sa rooftop. Nasa 8th floor nako kaya huminto muna ako para makahinga ng malalim.

Just WishWhere stories live. Discover now