CHAPTER 3

147 41 25
                                    

CHAPTER 3

Copyright © LazyWp

PAGPASOK ko sa loob ng bahay bumungad sa akin ang tahimik na sala at malungkot na atmosphere na bumabalot sa buong bahay. Noon kahit malalim na ang gabi, nag-iingay at nagkukulitan pa kami ng dalawa kong kapatid bago matulog, ngayon sobrang tahimik na.

Tanging mga kuliglig lamang ang maririnig sa ilalim ng gabi. May nakikita din akong mga fireflies dun sa puno ng bayabas na malapit sa bakuran.

Pinagmasdan ko ang langit na ngayon ay nagmistulang uling dahil puro itim lamang ang tangi mong makikita.

Ang mga bituin ay hindi nagpapakita at ang bilog na buwan ay natatabunan ng itim na ulap. Maybe the sky felt that I am alone and sad. Para bang ito'y nakikiramay sa lungkot kong nararamdaman ngayon. Tantya ko uulan at hahangin ng malakas mamaya.

Dalawang oras na ang nakalipas ng umalis sila kuya pero namimiss ko na ang kakulitan nilang dalawa. Sila ang unang lumalapit sa akin para asarin ako pero hindi na ngayon ito mangyayari. Mahaba habang oras pa ang hihintayin ko.

Binuksan ko nalang ang tv at nanood ng movies so that I can ease my loneliness and sadness.

After I watched some movies, tumingin ako sa wall clock para matingnan ang oras. Pasado alas onse na pala ng gabi, mahigit dalawang oras na pala akong nanonood.

Nararamdaman ko naman ang malamig na hangin na pumasok sa buong bahay. I can feel that it's raining. May kasama pa itong kulog at kidlat.

I decide that I will turn off the aircon kasi nararamdaman ko na ang lamig plus dumagdag pa ang malamig na simoy ng hangin kaya parang nagmistulang hotdog ako sa loob ng freezer.

I turn off the tv at nagpasya na akong matulog. Malapit ng mag alas dose kaya mas lalong lalamig ang temperatura. Sa ganitong panahon dapat may kayakap akong boyfriend at magcucudle kami pero wala eh kaya malungkot akong matutulog ngayon. What am I thinking?!

Pinatay ko ang ilaw sa sala at nagpasya akong umakyat sa kwarto para matulog.
I checked the time and it's 11:15 pm.

Hindi pa ako inaantok kaya nagpasya akong i-open ang laptop at mag log in sa dating app na sinasabi ni Shan sa akin.

Makalipas ang ilang minuto na pakikipag chat sa mga lalaking strangers na nakilala ko sa app na yun, nagpasya akong tumayo sa kama at pumunta sa terrace ng aking kwarto.

Doon kasi mararamdaman mo ang malamig na ihip ng hangin at makikita mo din ang magandang view ng buong subdivision.

Pero ngayon halos wala nang makita dahil natatatabunan na ito ng malakas na ulan.

Ang tangi mo lang makikita at maririnig ay nakakatakot na kidlat at kulog. Para bang sumasabay ang panahon sa nararamdaman ko.

Kahit wala akong makitang mga stars ay nagpasya akong humiling sa ilalim ng  malakas na ulan. Sabi daw nila before 12 in the midnight ay hihiling ka at ito daw ay matutupad. Desperado na talaga akong magkaboyfriend para naman may kasama ako at hindi ako malulungkot.

Isang minuto nalang before the time hits 12 am.

Huminga ako ng malalim at bumuga ng hangin. I don't have a choice, wala namang mawawala diba kapag humiling ako? Call me stupid but I think I should do it.

So, I make a wish na sana bibigyan ako ng boyfriend kahit may mga flaws pa ito sa katawan o alien pa ito. Kung ano ano pa ang hiniling ko basta lang magkaboyfriend ako.

Desperate? Yes I am......

Sabihin nyo mang desperado akong tao pero gusto ko ding magkaboyfriend para hindi na ako mainggit sa mga kaibigan ko at makaexperienced ako kung ano ang buhay nang may jowa.

Just WishWhere stories live. Discover now