CHAPTER 11

88 12 27
                                    

CHAPTER 11

Copyright © LazyWp

NAGISING AKO dahil sa ingay ng alarm clock ko. Noon, si kuya Mikey ang nagsisilbing alarm clock ko sa umaga. Sobrang ingay niya sa totoo lang kaya minsan naiirita at nabwebwesit ako pero ngayon, matagal-tagal ko pa maririnig ang boses ng ugok na yun. Minsan nakakamis ang nakakairitang boses ni kuya.  Hays!

Hinawi ko ang kumot at tumayo ako. Inayos ko muna ang hinigaan ko at pumasok sa cr para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng pangbahay na damit dahil mamaya pa naman ang klase namin. I looked at the time and it's 6:30 am. Itinali ko muna ang buhok ko ng bun at napagpasyahang bumaba para magluto.

Pagkababa ko ay nakita ko si ace na nagbabasa ng newspaper habang umiinom ng kape. Teka! Saan siya nakakuha ng newspaper at kailan pa 'to marunong mangialam sa kusina?

I narrowed my eyes into slit and glared at him. I cleared my throat para makuha ko ang atensyon niya. Tumingin siya sa gawi ko at tiningnan ako ng nakakunot ang noo.

"Wow ha! Magandang umaga po sa inyo señorito" puno ng sarcatic na saad ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay at gago naman ay tumingin lang sa akin saglit at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. Ang aga-aga pinapainit na naman ang ulo ko.

Pumunta ako sa kusina at nagluto ng almusal. Pagkatapos kong magluto ay nagtimpla ako ng kape. Mamaya nalang kami kakain since maaga pa naman. Pumunta ako sa sala at tumabi sa kanya.

Tinignan ko ang binabasa niya at hindi ko ito maintindihan dahil nakasulat ito sa espanyol. What the?! Ang weird niya sa totoo lang. Tiningnan ko siya at seryoso siyang nagbabasa. Naiintindihan siguro ng mokong ang kanyang binabasa.

Weird!

Tumikhim ako. "Nakakaintindi ka pala ng espanyol? At tsaka, saan mo nakuha ang ganyang version ng newspaper?" tanong ko sakanya. Tiningnan nya ako saglit at itinuon na naman sa pagbabasa.

"Outside" walang buhay niyang sabi sakin. What the?! Walang ganyang klaseng newspaper dito sa pilipinas.

"Anong outside pinagsasabi mo? Walang ganyan dito sa pilipinas" inis na sabi ko sakanya. Ako pa ang niloloko niya na ang ganyang newspaper ay nabibili lang sa spain.

Kumunot naman ang noo niya at tiningnan ako. "I bought it in the bookstore" walang ganang sabi niya sakin at sumimsim ng kape. At kailan pa 'to nakabili?

"Wag mokong niloloko lalake! Saan naman na bookstore aber?" taas kilay kong sabi sakanya.

He rolled his eyes and looked at me again. "La Cuesta book store" walang buhay na sabi nya at tumingin na nanaman sa binabasa niyang dyaryo.

"Ha?! Saan naman nyan aber? Parang ngayon ko palang yan narinig ang book store na yun ah!" sabi ko sakanya. Hindi talaga ako naniniwala na binili nya lang sa labas, baka mamaya ninakaw nya lang yun. Malilintikan ko talaga siya.

Ibinaba nya ang dyaryo sa round table at nagbuntong hininga. "It's famous and it's near in this subdivision" sabi nya sakin habang nakaturo sa labas. Anong famous pinagsasabi ng gagong 'to? Eh hindi ko nga alam na malapit pala dito ang bookstore na yun.

He sighed. "If you don't believe me, you can search it" walang ganang sabi nya sakin at kinuha ang dyaryo sa round table at nagsimula na namang magbasa.

Tiningnan ko siya ng ilang segundo at nagbuntong hininga. Napagpasyahan kong i-search ang sinasabi nya dahil nakucurious talaga ako. Nakakamatay daw ang sobrang curious. Lagot!

Hindi ko pinahalata na kinuha ko ang cellphone ko at nagsearch sa sinasabi ng mokong na yun. Pagkasearch ko ay unang tumambad sa akin ang picture ng isang vintage na bookstore at may nakalagay na La Cuesta. Sabi dun ay bago pa daw ito nagbranch-out sa pilipinas galing spain.

Just WishWhere stories live. Discover now