CHAPTER 6

107 19 25
                                    

CHAPTER 6

Copyright © LazyWp


NAGISING AKO dahil parang may nakatingin sa akin. Ang weird nang pakiramdaman ko kasi para talagang may nakatingin sa akin. Gusto ko pang matulog, ang komportable dito.

Parang hindi to ang kama ko ah! Nasan ba ako?

Nagmulat ako ng mata at una kong nakita ang pinakagagong lalaking nakikilala ko. Shit! Akala ko nandito ako sa kama ko. Nakalimutan ko na kasama ko pala ang lalaking yun.

"Bwesit! Bakit mo ko hindi ginising? Kanina ka ba nakapark dito?" inis kong tanong sa kanya. Nakakainis kasi eh, hindi manlang ako ginising ng gago.

Tiningnan nya ako at tumango sa tanong ko. Untugin ko kaya ang ulo nito sa manubela para naman matauhan. Parang siya ang nakatulog saming dalawa, eh kasi naman wala siyang pakialam sa nangyayari. Ang sarap umpugin ang ulo sa manubela ng kotse!

Kumunot naman ang noo ko dahil humihingal at pawis na pawis siya. Ano bang ginawa ng gagong to habang natutulog ako?

Lumaki naman ang dalawang mata ko dahil may naisip ako kung bakit pawis na pawis ang gago. Tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang dalawang kamay ko. Baka may ginawa ang gago habang natutulog ako.

"M-may g-ginawa kaba sa a-akin? Baka pinagsamantalahan m-mo ako h-habang natutulog!" kinakabahan kong sabi sa kanya. May ginawa siguro tong gago sakin kanina. Papatayin ko talaga siya kapag may ginawa siyang masama sa akin kanina.

Kumunot naman ang nuo nya dahil sa mga sinasabi ko. Tiningnan ko naman ang sarili ko at wala namang pinagbago. Tiningnan ko naman ang mukha ko sa salamin ng kotse at maayos naman ako. Except sa may bakas ng laway sa bibig ko. Nakakakahiya bwesit!

"Ano ba ang ginawa mo kanina gago? Bakit pawis na pawis ka?" inis na sabi ko sakanya. Ayan tuloy pinagbintangan ko siya. Hindi ko naman masisisi sarili ko eh para kasing may ginawang kababalaghan ang lalaking to kanina.

Tiningnan nya naman ang sirang aircon sa kotse bilang sagot nya sa tanong ko. Tumikhim ako. Aminado naman akong hindi pa naaayos ang aircon ng kotse ko. Kahit ako nga pawisan din, ang init ng panahon ngayon.

"Kasalanan mo din kasi, ayan tuloy pinagbintangan kita" sabi ko sakanya. Hanggang ngayon naiinis parin ako sa kanya dahil sa hindi paggising nya sakin kanina.

Tiningnan nya naman ako. Hindi ko alam kung galit ba to o hindi, ang hirap kasi basahin ng mata nyang walang buhay. Umiwas ako ng tingin sa kanya baka nga galit ang gago dahil sa pagbibintang ko sakanya. Lumabas siya ng kotse at isinara ang pinto nito ng pagkalas lakas.

Aba't gago to ah! Sabihin nya sakin kung galit siya, hindi yung sisirain nya na ang pinto ng kotse. Tarantado talaga!

Tinanggal ko ang seatbelt at lumabas na ako sa kotse. Nakita ko naman siyang nakatayo at nakapamulsa ang dalawang kamay sa pants na suot nya. Kahit simple lang ayos ng gagong to pero gwapo parin. Lumapit ako sakanya at ibinigay ang susi ng kotse.

"Dapat ikaw ang humawak nyan kasi ikaw ang driver ko ngayon" sabi ko sakanya habang nakatingin sa susi ng kotse na nasa kanang kamay niya. Tiningnan ko naman ang gago at nakatingin naman siya sa akin.

Siya ang unang umiwas ng tingin at naunang lumakad papasok sa mall. May balak yatang iwan ako ng gago.

"Hoy tarantado wag mokong iwan dito!" malakas na sabi ko sakanya. Tiningnan naman ako ng ibang tao dahil sa sinabi ko. Akala mo naman na hindi nagmumura, eh mas mukha nga silang armalite kaysa sa kapitbahay namin.

Nilakihan ko talaga ang hakbang ko para makaabot sa kanya. Ayaw kong tumakbo baka akalain ng mga tao na kriminal ako na hinahabol ng mga pulis dahil nagnakaw lang ng pakwan. Naku! Laking gulo yon. Binilisan ko ang paglalakad para maabutan ko ang gagong lalaking yun.

Just WishWhere stories live. Discover now