Chapter 6

2.1K 39 5
                                    

SIX
— — —

"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ni Avy. "Ano 'yon?!" Niyugyog niya ang braso ko.

"Someone special?!" Patuloy niyang sigaw.

Nasa girl's comfort room kaming apat kasama sina Gia at Khira. Inaayos ko ang collar ng uniform na ipinahiram sa 'kin ni Khira. Mabuti at hindi ito masyadong maluwag sa akin dahil halos magka-size lang kaming dalawa.

"Hindi pa rin ako makapaniwala!" Avy screeches. "He defended you in front of the school, Louise!"

"Sigurado ka bang walang namamagitan sa inyo?" Gia asked as she handed me my comb.

"Wala nga," ani ko at nagsimulang suklayin ang basa kong buhok. Kinailangan ko pa kasing basain para hindi na ito malagkit mula sa orange juice na tinapon sa akin kanina.

Matapos ang nangyari sa canteen, sumunod ako kay Alron papalabas at ibinilin niya ako kay Khira bago tuluyang umalis. Sobrang gulo talaga ng lalaking 'yon. One minute, concerned siya sa'yo tapos sa susunod lalagpasan ka na lang na parang hangin.

"Are you sure?" Khira leaned on the sink. "Kasi hindi naman gano'n umakto si Alron, e. Pati nga sila Morti nagulat sa ginawa niya kanina."

"'Di ba?!" Tanong ni Avy. "Kung walang namamagitan sa inyo, bakit naman niya gagawin 'yon? Tinawag ka pang 'someone special'!"

"Gusto mong ulitin namin?" Nilagpasan ako ni Avy at tumabi kay Khira.

"Ikaw kunwari si Alron," ani Avy kay Khira.

Tumango naman si Khira at umayos ng tayo at ginaya nga ang itsura ni Alron kanina.

"Louise..." nilaliman niya pa ang boses niya. "Is someone special to me."

I heard Gia snort beside me. Nag-iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at pumikit. Ayokong marinig ulit yung mga salitang 'yon!

"Is... is she your girlfriend?" Maluha-luhang sabi ni Avy, kagaya ng reaksyon ng babae kanina.

"She's more than that." Seryosong sabi ni Khira.

Matapos niyang sabihin 'yon ay nagtilian sila ni Avy at nakuhang pang mag-high five.

"Grabe, may gano'ng linyahan pa talaga siya!" Bungisngis ni Avy.

Napailing na lang ako sa kanila. "Ewan ko ba sa inyo."

Grabe, nagba-bonding ang dalawa dahil kay Alron.

"Alron is not the type of person to involve himself in other people's business, kahit ba na may kinalaman siya ro'n," muling bumaling sa 'kin si Khira. "Saka lang siya makikielam kung talagang importante."

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Are you sure you're not his girlfriend?"

"I am not," I curtly replied while tying my hair in a ponytail.

Tumitig ako sa salamin. Bakit nga ba ginawa ni Alron 'yon? Naguilty ba siya dahil ginugulo ako ng babaeng 'yon dahil sa kaniya? O baka gusto lang niya talaga na gawin pang miserable ang buhay ko? At bakit may gano'ng linyahan pa siya?!

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora