Chapter 22

1.8K 32 0
                                    

TWENTY-TWO
— — —

Pinanood ko ang malakas na pagbuhos ng ulan mula sa bintana ng aking kwarto. Sobrang dilim ng mga ulap at maingay ang ihip ng hangin.

Nakita ko ang ilaw na pumasok sa gate ng aming bahay. Nanlaki ang mga mata ko. Pumunta pa rin siya kahit na ganito ang lagay ng panahon?!

Umalis ako sa kinatatayuan ko at nagmamadaling lumabas ng aking kwarto. Nagtext ako sa kaniya na dumiretso na siya sa bahay nila dahil umuulan! Hindi ako sinunod ng mokong. Kumuha ako ng payong na nakasabit malapit sa pintuan at binuksan ang pinto para salubungin si Alron.

Mabuti na lamang at hindi pa siya nakakalabas ng sasakyan. Lumapit ako sa kaniya at kinatok ang salamin ng kaniyang sasakyan. Nagulat siya at lumingon sa akin bago ngumiti. Ngunit hindi ako natinag at nanatiling nakasimangot sa kaniya. Bakit hindi siya nakinig? Delikadong magmaneho kapag ganito kalakas ang ulan!

Binuksan niya ang pinto at tumabi ako para makalabas siya. Sinigurado kong nakasilong siya sa payong kahit na mabasa ako. Pagod pa naman siya galing sa kumpanya nila at baka magkasakit pa siya kung mababasa siya ng ulan.

"Tara, pumasok na tayo sa loob." Anyaya ko sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo at no'n ko lang napansin na nababasa na ang aking kanang balikat. Lumapit siya sa akin at kinuha ang payong. Inakbayan niya ako para mas magkasya kami sa ilalim ng payong bago mabilis na pumasok sa loob aming ng bahay.

"What were you thinking?!" Singhal ko habang tinataktak niya ang payong. "Sabi ko huwag ka nang pumunta. You shouldn't be driving in this weather!"

"I'm fine, Lou." He reached over and did his favorite gesture, caressing my hair. "Plus, malapit lang naman dito ang headquarters namin."

"Kahit na," I pouted and averted my gaze away from him. "You made me worry."

"Sorry," he smiled. "I told you that we'll hang out, I wanted to keep my word."

"Maiintindihan ko naman kung hindi ka makakapunta, e..."

"Magpalit ka na muna ng damit," Alron frowned when his eyes landed on the wet patch on my shoulder. "Nabasa ka ng ulan."

"Fine," I gave in. "Saglit lang."

"Manang, paki-asikaso po si Alron," I called as I climbed up the stairs.

Mabilis akong nagpalit ng damit at bahagyang nagspray pa ng perfume bago bumalik sa sala.

"How was your day?" Tanong ko kay Alron na nakaupo na sa sofa at umiinom ng juice. Umupo ako sa kaniyang tabi at tinunghayan siya.

"Tiring, as usual," Tugon niya. "But it was fun, though."

I smiled at him. Nakakaproud talaga ang lalaking 'to. Bakasyon na ngayon ngunit mas pinili niyang magtrabaho sa kumpanya nila bilang parte ng kaniyang training sa halip na magbakasyon sa ibang lugar.

Pati ang mga magulang ko ay abala sa trabaho kaya hindi muna kami nagplano ng bakasyon ngayong taon. Ilang linggo na mula noong magtapos kami ng high school at wala akong ibang ginawa kundi tumambay sa bahay at magbawi ng tulog. Hindi pa rin kami nagkikita-kita muli nila Avy dahil umuwi siya sa probinsya ng kaniyang lola habang si Gia naman ay nasa ibang bansa kasama ang pamilya.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now