Chapter 11

1.8K 34 1
                                    

ELEVEN
— — —

What have I done?

Marahan kong inuntog ang aking ulo sa pintuan. Bakit ko ginawa 'yon?!

Halos mapatalon ako nang bigla kong makarinig ng isang malakas na kulog. Umalis ako sa pagkakasandal at binuksan bahagya ang pintuan at sumilip sa labas.

Madilim na ang langit at malakas ang higop ng hangin sa labas. Nilibot ko ang aking mga mata at wala akong nakitang Kailyn. Mabuti naman at umalis na siya. Baka ano pa ang sabihin no'n kay Mama Crizalde o kaya sa mga kasambahay at mapahamak pa si Alron dahil sa kaniya.

"Oh, mukhang uulan." Narinig ko ang boses ni Mama mula sa aking likuran.

"Dito ka muna hanggang sa lumipas ang ulan," Mama smiled gently. "Delikadong bumiyahe lalo na't mukhang malakas ang paparating na ulan."

Tumango ako. "Sige po."

"Tara sa sala," Nagsimulang maglakad ang matanda. "'Wag na tayo sa likod at baka mabasa pa tayo ng ulan."

Tahimik akong sumunod sa kaniya papunta sa kanilang sala. Umupo ako sa pahabang puting couch. Tumabi sa akin si Mama.

"So, as I was saying," aniya. "Your grandfather wanted nothing but your happiness."

"My happiness?" Pag-ulit ko. Ano naman kinalaman ng kasiyahan ko sa pagpapakasal kay Alron?

Teka. Fudge!

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya—? Hindi kaya alam ni Lolo na matagal ko nang crush si Alron? Kaya niya ginawa 'to? Pero imposible! Wala naman akong binabanggit sa kaniya at sila Gia at Avy lang ang nakakaalam.

"Hindi po ba marriage for convinience?" Nagbabaka-sakali kong tanong.

Umiling si Mama at ngumiti.

"No, you know well that your company can stand alone even without our help," Bahagya siyang ngumiti. "As well as our company. That's just an excuse for the both of you to get married."

"So Lolo planned all of this?" I ask in disbelief.

"Yes," tumango muli si Mama.

"Pero... bakit po kayo pumayag?" Nalilito na ako. "Alam ko pong alam niyo na ayaw po ni Alron sa ganitong kasunduan... pero bakit?"

Mama sighed and looked away.

"I owe your grandfather a lot," nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "This is the least I could do for him."

"Roberto... he knew all of your struggles," pagpapatuloy niya. "He told me that he was guilty at naaawa siya sa 'yo dahil kinailangan mong pagdaanan ang mga 'yon. He was sad because you had to grow up that way."

Naramdaman ko ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata. He knew. After all this time, alam ni Lolo ang lahat. Lahat ng paghihirap ko just to exceed their expectations and live under the pressure of my parents, all of it.

"Your grandfather proposed this engagement in hopes that you'll become happy," nilingon niya muli ako. "Roberto loved you dearly and he wanted nothing but the best for you. You are his only grandaughter, after all."

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora