Chapter 29

2.3K 38 5
                                    

TWENTY-NINE
— — —

I was a crying mess.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng taong bumuhat sa akin. Wala akong ginawa kung hindi umiyak sa kaniyang balikat. Napagtanto ko na lang na inilayo niya ako sa venue dahil tahimik na ang paligid.

"Shh, everything will be alright."

Umiling ako. The truth will change everything. Baka mawala ang tiwala ng mga investors ni Papa sa kaniya dahil hindi naman niya kadugo ang magmamana ng kumpanya. Baka hindi sila maniwala sa kakayahan ko. That's the reason why I dedicated myself to my studies during the past few years. I don't want them to look down on me. That's why I pushed myself to do my best so I can prove to them that although I may not be a real Gallejo, kaya ko pa ring patakbuhin ang kumpanyang ihahabilin sa akin.

Pero hindi pa nga ako ang nasa posisyon at nalaman na ng lahat ang katotohanan. I can't imagine what my parents were facing right now.

My parents...

"Sila Mama at Papa!" I looked up and flinched back in surprise when I saw who the person was. "I—"

Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya. "I have to go back."

"No," madiing sabi ni Alron. Tumigil siya sa paglalakad. "If you go back, pagkakaguluhan ka nila."

"I don't care," pagpupumilit ko. "I left them there... hindi ko dapat ginawa 'yon. Lalo na si Papa, hindi pa siya pwedeng ma-stress."

"Louise," Alron sighed.

I looked around. Nasa underground parking kami ng hotel. And to my surprise, walang paparazzi na umaaligid dito.

"Thank you," Gumalaw-galaw ako, isang senyas para ibaba niya ako mula sa kaniyang hawak. "For saving me back there. Lalong lalala ang issue kapag nakita nila akong... gano'n."

Umayos ako ng tayo nang maibaba niya na ako.  I reached for my face to wipe away my tears. I'm pretty sure my makeup was already ruined.

"Here," inabutan niya ako ng panyo.

Natigilan ako. My mind suddenly started to wander to sometime in the past where this exact moment also happened.

I quickly brushed those thoughts away.

Umiling ako. "Malalagyan ng makeup 'yang panyo mo..."

Tinitigan ko ang kulay puti niyang panyo. Nahihiya at nanghihinayang akong gamitin dahil madudumihan iyon.

Narinig ko nanaman siyang bumuntong-hininga at bago ko pa mamalayan ay nasa ilalim na ng baba ko ang kaniyang daliri at inangat niya ang aking mukha. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

Wala akong nagawa kung hindi tumitig sa kaniyang mata. It's been so long since the last time I saw him this close. I almost tilted my head in question when I saw sadness flicker in them. Gusto kong umiwas ng tingin pero bakit ang hirap?

Alron brought his other hand up and wordlessly wiped my cheeks with his handkerchief.

Hindi ko magawang magsalita. My emotions were all over the place. Halu-halo ang nararamdaman ko dahil lang sa isang kilos na 'yon. Gusto kong matuwa at kiligin pero nalulungkot din ako. Maybe he's doing this out of pity. After all, isa siya sa mga matagal nang nakakaalam sa sikreto ko.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now