Chapter 31

2.3K 36 1
                                    

THIRTY-ONE
— — —

Alron was there the whole time? Bakit hindi ko alam? Bakit nung nagising ako, wala naman siya?

"Ba— bakit ngayon niyo lang po sa akin sinasabi 'to?" Halos mabasag ang boses ko.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. All this time, akala ko...

"Because of me," Si Papa ang sumagot. "May nasabi ako sa kaniya... kaya nagdesisyon si Alron na huwag ipaalam sa iyo na nando'n siya hanggang sa magkaroon ka ng malay."

"Ano naman po ang sinabi niyo sa kaniya, Pa?"

Ibinuka ni Papa ang kaniyang bibig para magsalita ngunit agad niya ring itinikom ito. Parang inisip niya muna kung sasabihin ba talaga niya o hindi. Kalaunan ay bumuntong-hininga siya.

"I'm sorry, anak. But at that time, akala ko iyon ang dapat kong gawin."

He's not going to tell me anything.

I stared blankly on my plate. Ramdam ko ang mga namumuong luha sa aking mata. He was there. He never left my side. That means he left Kailyn to chase after me. It must mean something... right?

Bakit hindi niya sinabi sa akin?

I was uncoscious for almost a day after the accident. I woke up inside a hospital room with my parents watching me with worried eyes.

Samu't saring mga injury ang natamo ko dahil sa lakas ng impact ng sasakyan sa akin. Halos hindi ko magalaw ang buong katawan ko.

Through it all, nasa tabi ko ang aking mga magulang. Hindi na sila nagtanong tungkol sa nangyari noong gabing iyon and it was weird because I expected them to grill me over it. At mukhang hindi rin sila nagtaka dahil ni minsan ay hindi man lang bumisita sa akin si Alron noon. It was not like I expected him to, honestly. Hindi na rin ako nagtanong kung ano ang nangyari sa party matapos kong ma-aksidente.

Ever since then, I preferred not to see him again.

Dumalaw din sila Gia at Avy ngunit kagaya nila Mama ay hindi rin sila nagtanong. Nakita siguro nila sa mukha ko na wala akong ganang sagutin kung ano man ang mga katanungan sa isipan nila.

I went home with my arm in a cast. Bihira na akong lumabas ng bahay mula noon. I chose to focus on my studies and never let my thoughts stray towards Alron.

"Louise, anak..." Akmang tatayo si Mama.

Napapikit ako at yumuko. Hindi ko napigilan ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi. Bumalik sa akin kung paano ko pinakitunguhan si Alron. I pushed him away and kept a distance from him even though he was only trying to help me. Dahil sa sama ng loob ko, nagawa ko ang lahat ng 'yon. Tinulungan niya ako noong gabi ng anniversary. Pumunta siya rito para balitaan ako tungkol sa kumpanya kahit na hindi ko nagustuhan ang offer niya. He... cares.

Even though I left him with Kailyn that night, he ran after me. He was the one who helped me when I got into an accident. Alron stayed, even though he didn't had to. But why?

Pinunasan ko ang aking pisngi. Marahan akong tumayo. Huminga ako nang malalim bago tumingin kina Mama at Papa. They were watching me with concern in their eyes.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now