Chapter 26

2.2K 37 3
                                    

TWENTY-SIX
— — —

Humahangos akong tumakbo sa hallway para lang mahanap ang kwarto kung nasaan si Papa.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Mama na nakaupo sa silyang nasa tabi ng kama kung saan naroroon si Papa.

"Ma," agad akong lumapit sa kaniya at sinalubong siya ng yakap. "What happened?"

"H— hindi ko rin alam, anak," bumuhos ang luha ni Mama sa sandaling niyakap ko siya. "Nagulat na lang ako noong pumasok ako sa kwarto namin at nakita siyang walang malay sa sahig."

"I was so worried," humigpit ang kapit ni Mama sa blazer ko. "Akala ko kung mapapano na ang Papa mo."

"Everything will be fine, Ma," hinagod ko ang kaniyang likod para pakalmahin siya. Baka mamaya siya naman itong mapano. "Magiging okay din si Papa. He's strong, kaya niya ito."

Nang tumahan na siya, kinuha ko siya ng tubig bago tanungin.

"Ano po sabi ng doctor, Ma?"

"Dahil sa pagiging high blood niya at sinabayan pa ng stress dahil sa trabaho," aniya. "Mukhang kailangan nang ipasa ng Papa mo sa'yo ang ilang trabaho niya sa opisina para hindi siya masyadong naii-stress at napapagod."

Tumango ako. Ayos lang naman sa akin 'yon. After all, ako naman ang tagapagmana niya. And I would do anything to ease Papa's burdens para hindi na ito maulit muli.

Kagigising ko pa lamang at kumakain ng brunch sa condo ko nang tumawag si Mama para sabihin sa aking isinugod nila sa ospital si Papa. Linggo ngayon kaya sinadya kong tanghaling magising at dahil napuyat din ako sa kakaayos ng design para sa presentation ko sa susunod na linggo.

It has been several years since I moved out of my parents' home. Mula noong college ay dito na ako sa condo ko nanatili dahil mas malapit ito sa campus. I declined my parents' offer for me to study college abroad. Mas pinili kong manatili rito kasama sila pero nang maka-graduate na ako at kukuha ng Master's Degree, pumayag ako na sa Politecnico di Milano sa Italy mag-aral ng dalawa pang taon. Agad naman din akong bumalik sa Pilipinas pagkatapos no'n.

Maga-alas siyete na ng gabi nang imulat ni Papa ang kaniyang mga mata. Magmula nang dumating ako ay hindi na ako umalis sa tabi ng aking mga magulang.

"Pa, how are you feeling?" Tanong ko sa kaniya nang makaalis na ang doktor matapos siyang tignan.

"Ayos lang ako, anak," bakas pa rin ang kahinaan sa boses niya ngunit nakangiti siyang tumugon sa akin. "Kailan ba ako makakalabas dito?"

"Albion naman!" Inis na sabi ni Mama. "Isipin mo na muna ang kalusugan mo."

"Pasensiya na," masuyong ani Papa sa kaniya. "Marami pa kasing kailangang gawin sa opisina."

"Ako na po muna ang bahala, Pa," I told him. "Magpahinga na lang po muna kayo."

"Sigurado ka ba, Louise?"

"Pa, I'm the company's heiress. I can handle it hanggang sa manumbalik ang lakas niyo."

"Fine," bumuntong-hininga siya.

Napagdesisyonan kong magpalipas ng gabi sa hospital room ni Papa para samahan si Mama na magbantay.

Kinabukasan, pinasundo ako ni Mama sa driver namin. Tahimik ang biyahe papunta sa opisina. Binati ko ang ilang mga empleyado habang naglalakad ako patungo sa opisina ni Papa. Binati ako ni Ian, ang secretary ni Papa.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now