Chapter 23

1.8K 35 6
                                    

TWENTY-THREE
— — —

I'm sorry but I'll be late

Iyon ang nakasaad sa text na ipinadala sa akin ni Alron.

Bumuntong-hininga ako at inilapag sa nighstand ang cellphone. Umupo ako sa aking kama. Aaminin kong nadismaya ako sa message ni Alron pero wala naman akong magagawa kung busy talaga siya. Ngunit hindi ko maitatanggi na gano'n na lang ang reaksyon ko dahil sabik akong makasama siya.

Pinaghandaan ko pa naman ang susuotin ko para ngayong gabi. Isang peach colored na sweater at black jeans ang napili kong suotin, simple lang ang napili ko. Halos halughugin ko ang buong walk-in closet para lang makahanap ng magandang damit. Kinailangan ko pa ngang tawagan sila Avy at Gia para humingi ng tulong sa kanila.

Narinig kong tumunog muli ang cellphone ko.

Avy

Good luck sa date niyo, girl! Wag masyadong kiligin 💞

Gia

Keep us updated 😏

Me

Male-late daw siya 😞 busy siguro sa company nila

Avy

Late on your first date? Turn off -_-

Gia

Ano k aba, Avy. I'm sure he has a good reason.

Gia

Cheer up, Lou! Darating din yon

Ngunit lumipas ang oras nang hindi pa rin dumarating si Alron.

Nang sumapit na ang alas-otso ng gabi, nagdesisyon na akong maghilamos at magpalit sa pantulog na damit. Saka ako bumaba at mag-isang kumain ng hapunan. Inaya na ako kanina ng mga magulang ko pero nagmatigas ako at sinabing may pupuntahan kami ni Alron ngayong gabi. Bumalik ako sa aking kwarto matapos no'n at doon nanlumo.

Scam ka, Alcaeus Ephron. Gusto kong magalit at magtampo pero pakiramdam ko ay wala akong karapatan para umakto ng gano'n. Nagsabi naman siya sa akin na gagabihin siya ngunit hindi ko inakala na ganito katagal niya akong paghihintayin. Lahat ng excitement ko mula kahapon ay naglaho na parang bula. Ang first date na matagal ko nang pinangarap... hindi ko pa rin makamtan hanggang ngayon.

Muling nagring ang notification ng phone ko at agad ko itong hinablot, thinking it was a message from Alrom but instead, it was from our group chat. Lalong sumama ang aking kalooban. I turned it off and haphazardly threw it somewhere on my bed. Inabot ko ang aking comforter at itinalukbong ito sa aking sarili.

Kahit anong ikot ang gawin ko sa kama ay hindi ako magawang dalawin ng antok dahil sa sama ng loob. Hindi ko makuhang umiyak dahil pakiramdam ko ay hindi ito sapat para ilabas ang nararamdaman ko. Mas nangingibabaw sa akin ang pagkadismaya at inis kaysa kalungkutan dahil hindi natuloy ang plano naming ni Alron ngayon. Nakakainis. Sa halip na sabihin niyang male-late siya, e 'di sana sinabi niyang hindi siya makakarating para hindi ako nagmukhang kawawang tanga na naghihintay sa kaniya. O kaya'y sana sinabi niya sa akin ng mas maaga para hindi na ako nag-aksaya ng oras para maghanap ng masusuot na damit para ngayon.

Gusto ko man siyang intindihin ay hindi ko ito magawa. Sadyang bitter lang ako dahil naudlot ang date na inaasahan ko. Alam kong may magandang rason si Alron para hindi magpakita. He's not the kind of person who lies para lang hindi makadalo. But somehow, it's not enough to soothe my feelings.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now