Chapter 15

2K 39 1
                                    

FIFTEEN
— — —

Parang huminto ang oras noong sandaling iyon. Tumigil lahat ng kilos sa paligid namin at kaming dalawa lang ang naiwan. Unti-unti kong ibinaba ang aking kamay mula sa kaniyang mga mata at marahang lumingon sa kaniya para lang makita na nakatingin na siya sa 'kin. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa ko. Napansin kong nabigla rin si Alron dahil sa akin.

Hindi ako makakilos. Ni hindi ko maibaba sa lamesa ang aking kamay at naiwan itong naka-angat sa ere. Nanatili akong nakatingin sa kaniyang mga mata na puno ng gulat.

What did I just do?

Sa isang iglap ay bumalik ang lahat sa normal. Mabilis kong binaba ang aking kamay at umiwas ng tingin. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng café at napako ito kay Kailyn at sa lalaking kasama niya na umo-order sa counter.

"I--" hindi ko matuloy ang sasabihin ko. "Sorry. Hindi ko sinasadya."

Anong nakain ko at bigla kong ginawa 'yon? Baka magalit sa 'kin si Alron dahil do'n. Mukhang siya pa naman yung tipong tao na ayaw ng hinahawakan basta-basta.

Hindi sumagot si Alron at nanatili rin akong walang imik. Pilit kong iniisip kung bakit bigla kong nagawa 'yon. Dahil ba ayaw kong makita niya si Kailyn na may kasamang iba? Oo. That's it. Ayokong makita niya sila kaya ko ginawa 'yon. Nothing more, nothing less.

"Ito na po yung order niyo."

Napatingala ako nang magsalita ang lumapit na waiter habang dala niya ang pagkain namin. Inilapag niya sa aking harap ang isang plato ng carbonara at isang baso ng iced coffee. Gano'n din ang inilagay niya sa tapat ni Alron bago siya umalis.

This is so awkward...

Nakakainis ka naman kasi, Lou! Okay na sana kayo kanina tapos bigla kang gagawa ng gano'n. Ayan tuloy! Gusto kong pumikit dahil sa kahihiyan. Hindi ba pwedeng ipa-take out na lang 'tong mga kakainin namin para makauwi na 'ko at do'n magmukmok?

Sumulyap ako kay Alron nang makita ko siyang gumalaw para abutin ang tinidor.

"Kumain ka na," aniya. Wala namang bakas ng galit sa kaniyang tono... pero bakit natatakot pa rin ako?

Tumango na lamang ako at saka inabot din ang tinidor sa harap ko. Nanatiling nasa pagkain ang aking atensyon habang kumakain kami. Parehas kaming walang imikan. Gustuhin ko man magsalita, hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. So I stuck to keeping my mouth shut. Baka mapahiya ko nanaman ang sarili ko kapag nagsalita pa ako.

Habang sumisimsim sa iced coffee ko, pinasadahan ko muli ng tingin ang mga kumakain sa loob para hanapin kung nasa'n ang ex ni Alron. Nakita ko silang nagku-kwentuhan sa isang lamesa. Mabuti na lamang at malayo sila sa amin. Baka sumbatan nanaman ako ni Kailyn at hindi na ako makakapagpigil at patulan ang bruhang 'yon.

"You saw them here, right?" Rinig ko ang pait sa boses ni Alron.

Bumaling ako sa kaniya at tumango. Pinagmasdan ko ang mukha niya habang nakatingin siya sa babaeng mahal niya. I saw sadness, pain, and bitterness in his eyes.

"Dito kami nagkakilala," he suddenly said and looked at me. "One year ago."

So si Kailyn nga ang rumored girlfriend niya last year. Grabe, isang taon na sila pero sinayang lang 'yon ni Kailyn para sa ibang lalaki.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя