Chapter 16

1.9K 37 5
                                    

SIXTEEN
— — —

Kung dati ay nagiging kumportable na ako sa presensya ni Alron, ngayon ay iba na ang dating sa 'kin nito.

Goddamn it, it's so awkward in here!

Ang layo namin sa isa't isa kumpara noong araw na sinamahan niya ako sa mga booth noong Foundation Week.

Nasa passenger's seat ako ng sasakyan ni Alron habang nagmamaneho siya papunta sa kanilang mansyon. Parehas kaming walang imik mula nang makapasok kami sa loob. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, ni hindi rin ako makagalaw nang mabuti dahil for some reason, nagiging conscious na ako sa mga ikinikilos ko kapag nand'yan siya.

The atmosphere between us remained awkward until we reached their mansion. Agad akong lumabas ng sasakyan pagkarating namin at inabangan siya sa tapat ng pintuan. Hinintay kong iparada niya ang kaniyang sasakyan sa garahe nila.

Nang makabalik na siya ay sumunod ako sa kaniyang pumasok sa loob. Sinalubong kami ni Mama na pababa na ng hagdan.

"Louise, hija!" Maligayang aniya nang makita kami ni Alron.

"Magpapalit lang po ako, Mama." Paalam ni Alron bago umakyat sa ikalawang palapag.

"Good afternoon po," tipid akong ngumiti sa kaniyang lola. "Pinatawag niyo raw po ako, Mama?"

"Ay, oo!" Sabi ni Mama at iginiya ako papunta sa kanilang sofa. "Pasensiya ka na at biglaan."

"Wala po 'yon."

"Anyways, I called you here because I wanted to apologize for what happened two weeks ago."

"Kalimutan niyo na po 'yon, Mama," I assured her. "Ayos lang po ako sa mga nangyari."

"Pasensiya ka na talaga, ha." She smiled sadly at me and held onto my arm. "Nagulat ka siguro nang malaman mong may ibang babae pala ang lalaking papakasalan mo."

Actually, hindi naman ako totally nagulat dahil naririnig ko ang mga chismis sa school na may jowa na ang apo niya...

Kaya tumango na lamang ako. "Pero okay lang po ako ro'n. Tanggap ko naman."

"O, siya," suminghap si Mama. "Malapit na ang final exams niyo, hindi ba? Nakapagreview ka na ba?"

Medyo nabigla at naginhawahan ako nang ibahin niya ang usapan. "Hindi pa po..." umiling ako.

Bigla siyang ngumiti at napapalakpak. Tumayo siya mula sa aking tabi.

"Tamang-tama, sabay na kayo magreview ni Alron!"

"Po?" I dumbly asked. Gusto niyang sabay kami mag-aral? Baka hindi ako makapag-concentrate niyan at wala akong matandaan mula sa mga aaralin ko.

"Doon na kayo mag-aral ni Alron sa library, sasabihin ko na lang kay Nellie na paakyatan kayo ng meryenda." Nakangiting ani Mama.

"Hindi na po!" Umiling ako at may kasama pang hand gesture bilang pagtanggi.

Umisip ka ng palusot, Louise. Bilis!

"Baka po kasi ayaw ni Alron na magreview nang may kasama—"

"Nonsense!" Hinila ako patayo ni Mama. "Ayos lang 'yon sa apo ko."

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now