Chapter 13

1.8K 37 0
                                    

THIRTEEN
— — —

"Anong ibig sabihin nito, Louise?"

Matapos kong matanggap ang tawag ay agad akong umuwi sa amin dahil nando'n na pala at naghihintay ang mga kaibigan ko noong tumawag si Avy. Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko at naka-upo sa kama.

"Nalilito na talaga ako, Lou." Napailing si Avy. "Ano'ng nangyayari at bakit wala kaming alam ni Gia rito?"

Wala na akong lusot sa lagay na 'to kaya wala akong ibang magagawa kundi aminin ang totoo.

"I..." Simula ko. "We're engaged."

Nakita ko kung paano nalaglag ang kanilang mga panga.

"What?" Hindi makapaniwalang ani ni Gia. "Engaged... kayo?"

"Pa'no nangyari 'yon?!" Kunot noong tanong ni Avy. "Masyado pa tayong bata at isa pa, wala naman kayong relasyon!"

"Unless..." sinamaan niya ako ng tingin. "Tinago mo sa 'min ang relasyon niyo?"

Umiling ako. "Hindi. It's strictly marriage for convinience." Or at least that's what they made us think it is. Lolo arranged that because he knew I liked Alron.

"Like, arranged marriage?" Sabi ni Avy. "Uso pa pala ngayon yung gano'n?"

"Kailan pa 'to at bakit hindi mo sa 'min sinasabi?" Tanong ni Gia.

"Dahil hindi naman din magtatagal ang engagement namin," paliwanag ko. "May ibang mahal si Alron."

"You mean, yung babaeng haliparot na ipinagpalit at ipinahiya siya? That bitch?" Naiinis na ani ni Avy.

Tumango ako. "He was willing to fight for her. Kaya naman hinayaan ko lang siya, as if gusto kong ikasal sa kaniya..."

Avy raised a brow at me. "Eh, ano yung nasa video at mukhang concerned ka?"

"It was my fault," nag-iwas ako ng tingin. "Ako ang nagsabi kay Kailyn na fianceé ako ni Alron."

Nabigla sila sa sinabi ko.

"Akala ko ba ayaw mong ikasal sa kaniya?" Kumunot ang noo ni Gia. "Bakit mo naman ginawa 'yon? At sigurado kong alam mo ang magiging reaksyon niya."

"I saw them in a café," ani ko. "Sila nung isa pa niyang boyfriend. Binunggo ko siya at tinapunan pa ng kape tapos nagalit siya sa 'kin at sinabing layuan ko ang boyfriend niya. Do'n ko napatunayan na... hindi siya naging loyal kay Alron."

"Kaya nagalit ako noong sumugod siya sa mansyon nila at sinabing girlfriend siya ni Alron," binaba ko ang aking tingin. "Baka kasi masira niya ang plano ni Alron sa ginawa niya... kaya I had no choice but to step in. Pero pinangunahan ako ng galit kaya nasabi ko 'yon."

"Kaya ba ikaw ang sumaklolo sa kaniya kanina?" Si Avy.

"Oo... dahil sobrang na-guilty ako." Umamin ako. "Hindi sila magkakagano'n kung hindi ko ginawa 'yon."

"Sus, kung ako sa 'yo, matutuwa pa ako sa ginawa ko," humalukipkip si Avy. "That bitch doesn't deserve Alron, anyways."

"Hindi," malumanay kong sabi. "Wala naman akong karapatang maghimasok sa relasyon nila kaya nga nagsisisi ako."

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora