Simula

581 18 0
                                    

SIMULA

"Bakit tayo nandito?" tanong ni Clyde ngunit hindi ko iyon pinansin. Nanatili akong naka-tingin sa paligid at dinamdam ang masarap na simoy na hangin.

"Annie..." tawag niya sa akin. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng malungkot.

"Clyde, I've been so very understanding girlfriend to you since we started this relationship." panimula ko. "But this past few days. Nasagad na." I closed my eyes at tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Sa sobrang pagmamahal ko sayo, nakalimutan kong mahalin ang sarili ko." pinunasan ko ang luha pero hindi pa din ito tumitigil sa pagtulo. "I'm always there for you pero bakit wala ka pag ako naman..."

"Annie, I'm sorry..." bulong niya.

"I don't think your sorry can fix me." malamig kong sabi at tuluyang tinuyo ang mga luha ko. "I want to end this relationship." Napatingin siya sa akin at kita ko ang gulat sa mata niya.

"B-But.. Annie! Pag usapan natin 'to." pigil niya sa akin at pilit na hinahawakan ang kamay ko na siya namang iniiwas ko.

"Please, Clyde. Pag bigyan mo na ako. Ito na lang yung paraan para hindi ko tuluyang makalimutang dapat ko palang mahalin ang sarili ko!" hindi ko na napigilan ang sumigaw dahil sa bigat na nararamdaman ko.

Gusto ko lang naman maramdaman na nandiyan siya para sa akin tulad pag nandiyan ako para sa kanya.

"I'm sorry, Annie! Please. Wag ganito." pagmamaka-awa niya ngunit hindi ako nagpatinag. Kailangan kong maging matigas.

"I'm sorry, Clyde ayoko na talaga. Sana sa susunod na makaka relasyon mo, hindi mangyari sa kanya ang nangyari sa akin." with that, I left him in the rooftop of old building in our school.

(Grade 9)

- Madam L.

Section Series #1 - Ex Where stories live. Discover now