Chapter 23

113 4 0
                                    

CHAPTER 23

"Oh pag-ibig, fortune cookie
Kinabukasan, maganda ang sinasabi, oh
Hey, hey, hey, kung gustong maging maswerte
Huwag mo kalimutang ngumiti"

Inabot ko ang cellphone ko para patayin ang alarm clock ko. Alas osto na ng umaga kaya bumangon na ako. Tinignan ko ang kwintas na nasa kama at kinuha iyon. Inalis ko muna ang kwintas na bigay sa akin ni Clyde bago isuot iyon.

Tinignan ko sa salamin ang itsura ko. I trailed my fingers on the pendant. It really suits to me.

Bumaba na ako para mag almusal pero bago pa ako makarating sa hapag ay naririnig ko na ang usapan nina Mama at Lola.

"Kenjie plans to change Annie surname once we get married." rinig kong sabi ni Mama. Nanlaki ang mata ko sa narinig. No! I am Alonzo!

"Natanong mo na ba si Annie tungkol diyan? Anak, may karapatan pa rin ang apo ko sa pangalan niya kung anong mas gusto niyang gamitin. At ano na lang iisipin ni Gilbert—" hindi na natuloy ang sasabihin ni Lola.

"Matagal ng walang karapatan si Gilbert kay Annie, Ma. Matagal na. At tungkol kay Annie, hindi ko pa nasasabi sa kanya dahil alam kong hindi siya papayag-"

"Hindi talaga ako papayag." sabad ko sa usapan. "Hindi ako papayag na palitan ang apelido ko unless apelido ng tatay ko 'yon."

Nagulat sila sa bigla kong pagsulpot. Hindi ako makakapayag na palitan ang apelido ko sa taong hindi ko ka-ano ano.

"Annie, makinig ka sa akin—" suway sa akin ni Mama pero hindi ko siya pinatapos.

"Hindi, Ma! Hindi ako papayag! Alam kong gusto niyong magpakasal, walang problema sa akin yon pero pati ako idadamay niyo!" hindi ko na napigilan ang paglabas ko ng hinanaing.

"Bakit? Inaasahan mo pa rin ang tatay mo?! Ang tatay mo na iniwan tayo! Iniwan niya tayo dahil hindi tayo ang mahalaga sa kanya!" balik na sigaw sa akin ni Mama.

Tumulo ang luha ko sa mga sinabi niya. Hindi, hindi ako naniniwala hangga't hindi si Papa ang nagsasabi sa akin, hindi ako maniniwala.

"Sinisiraan mo siya sa akin! Sinisiraan mo si Papa sa akin para kalimutan ko siya!" sagot ko sa kanya..

"Sana nga Annie hindi totoo ang mga sinabi ko. Sana." sagot niya. Tinignan niya ng masama ang kwintas sa leeg ko. "Kilala mo ba ang nagbigay sayo niyan?"

Napahawak ako sa kwintas ko. Si Angel. Siya ang nagbigay sa akin

"Annie, he is your half-brother! Anak siya ng tatay mo sa ibang babae, sa totoong asawa ng tatay mo!" sagot ni Mama na kinalaki ng mata ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit unti-unti ng na poproseso ang lahat sa isip ko.

Imbes na sagutin ay lumapit siya sa akin at mas kinagulat ko ang paghatak niya sa kwintas ko! Dahilan para masira iyon.

"Tigilan mo na ang tatay mo, Annie! Hindi mo na siya makikita." sabi niya sa akin. Binitawan niya ang kwintas ko at umalis na.

Natulala pa rin ako sa mga pangyayari. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Hanggang sa naramdaman ko ang mainit na yakap sa akin ni Lola.

"Apo, tahan na." sabi niya habang hinihimas ang buhok ko.

"Hindi totoo yon diba? Hindi totoo lahat ng sinabi ni Mama." sabi ko habang patuloy pa rin ang pag iyak.

"Annie, apo, tahan na." ayun lang nasabi ni Lola sa akin. Kinuha ko ang sirang kwintas sa sahig. Ang nag iisa kong alaala sa tatay ko...

.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Jul 03, 2023 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Section Series #1 - Ex Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin