Chapter 16

94 4 0
                                    

CHAPTER 16

"W-What?" he froze. I smile lovingly.

"I'm giving you another chance, Clyde. Aaminin ko, I'm still into you. Im rooting in your promises to be better person. Please, don't make me regret this decision." saad ko. Sinuot ko ang bracelet at pinakita iyon sa kanya.

"T-The bracelet a-and your..." napahilamos ito sa mukha niya. "I can't believe this!" bigla niya akong sinugod ng yakap. "Thank you so much, Annie! I love you, babe!"

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Gumanti ako ng yakap sa kanya.

"I love you too, Clyde. Please don't make me broken again." bulong ko.

"I will not, babe. I promise." he answered me under the shinning stars in dark sky.

.

"Mukhang may masaya ngayon ah." sabi ni Lola nang tumabi sa akin ng upo sa kama ko.

Naglilinis ako ng kwarto ko dahil wala akong magawa ngayong sembreak at nag out of town sina Clyde kaya hindi ko rin maistorbo.

"Lagi naman akong masaya, 'La ah." sagot ko kay Lola.

"Asus, iba ang ngiti mo ngayon apo. Tila ba ikaw ay inspirado." kantyaw pa sa akin ni Lola. Hindi ko na maalis ang ngiti ko.

Sino ba naman ang hindi sasaya? Sobrang luwag ng pakiramdam ko simula ng umamin ako kay Clyde. Finally, nailabas ko rin ang mabigat na saloobin ko.

"May kinalaman ba ito kay Clyde, apo?" tanong ni Lola. "May dapat ba akong malaman?"

Lumapit ako kay Lola at iniyakap siya mula sa gilid.

"Lola, I gave Clyde another chance. Okay lang po ba sa inyo?" tanong ko sa kanya. Yumakap sa akin si Lola.

"Kung iyan ang ikakasaya mo, hindi naman ako hahadlang." sagot niya na kina-ngiti ko. "Pero, alam na ba ng Mama mo 'yan?"

Natigilan ako sa tanong ni Lola. Oo, alam ni Mama na naging kami ni Clyden pero hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa pagkakabalikan namin.

"Hindi ko pa po nasasabi sa kanya." sagot ko. I heard her sighed.

"Annie, apo, sabihin mo agad sa Mama mo ang tungkol dito. Para hindi na rin siya mabigla. Siguradong maintindihan ka niya." paliwanag ni Lola. Tumango naman ako bilang pag-sang ayon.

"Opo, Lola. Gagawin ko po 'yan. Salamat po." sagot ko at niyakap siya ng mahigpit.

Mabilis na lumipas ang araw at tapos na ang sembreak na namin. Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng school ng may biglang nag-takip ng mata ko.

"Who's this?" tanong niya sa akin kahit alam ko naman kung sino.

"Clyde, stop it." suway ko sa kanya.

"Who's this?" ulit niyang tanong. I sigh.

"My boyfriend." sagot ko at inalis na niya ang pagtakip sa mata ko. I saw his smirked.

"That's the answer I want." sabi niya. "Let's go, babe." sabay kaming naglakad papasok ng gate at dumiretso na sa bleachers kung saan nandoon na ang iba naming kaklase.

"Oh? Kayo kayo pa lang? Anong oras na ah." sabi ko kay Nancy at tumabi sa kanya ng upo samantalang si Clyde ay pumunta sa pwesto nila Finn.

"Mukhang hindi papasok yung iba, alam mo naman kada balikan after sembreak." paliwanag niya. "Kumusta pala ang sembreak? Bakit magkasama kayo? Don't tell me..."

"Yes, ang sagot diyan sa nasa isip mo." sagot ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya at biglang tumili.

"Omg! Ang rupok mo!" sabi niya sabay hampas sa akin.

"Hoy, anong marupok sinasabi mo diyan, Nancy?" sabi ni Clyde na narinig ang sinabi ni Nancy.

"Tse! Manahimik ka diyan!" sagot ni Nancy sa kanya. Hinatak na lang ako ni Nancy at pumunta kami sa pangalawang canteen namin na malapit lang covered court.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo ha, Annie?! Ang rupok mo talaga!" pag sesermo sa akin ni Nancy habang bumili ng soda.

"Nancy, alam ko ang ginagawa ko. Napakahirap na din mag-pretend." sagot ko sa kanya. Inabutan niya ako ng soda. "Thanks."

"Bahala ka, Annie. Malaki ka na." pagsuko niya. Nagkwetuhan pa kami ng ibang bagay habang pabalik na sa pwesto namin.

.

"Recess na, yes!" sigaw ni Al ng maka-labas si Ma'am Santos. Nagkanya kanya ng labas ang mga kaklase ko. Inaayos ko ang gamit ko ng makita kong pumasok si Rana sa classroom.

"Oh, anong meron?" bungad na tanong ni Clyde sa pumasok. Naiwan siya dahil inaantay niya ako.

"Wala, inaantay ko lang si Yanzee. Nandoon sa katabi niyong room." sagot ni Rana.

"Anong ginagawa don?" tanong ko. "Para namang may pupuntahan siya doon."

"May inutos lang sa kanya. Wala naman siyang choice." sagot ni Rana. "Oh, ayan pala."

Tumingin kami kay Yanzee na kakalabas lang at salubong ang kilay. Something happen inside.

"Oh, anong nanyari sayo?" tanong agad ni Rana ng mapansin ang aura ni Yanzee.

"Mga bwusit talaga ang tao doon. Napakabilis lang gagawin, pinapatagal pa." galit na sabi ni Yanzee habang inaayos ang papel na hawak.

"Oh, tara na. Baka lalo ka pang mabadtrip sa mga yon—"

"Yanzee." lumingon kami sa tumawag sa kanya. Yung transferee!

"Ano na naman?!" galit na sigaw ni Yanzee sa kanya. He just chuckled.

"Come on, you're really hungry." sabi sa kanya at akmang hahawakan niya si Yanzee sa braso ng iniwas agad ni Yanzee iyon.

"Pwede ba, Zaries! Tigilan mo ako!" asik na naman ni Yanzee. Lumingon lang saglit si Zaries sa likod niya at nagulat kami ng may lumapit kay Yanzee na dalawang lalaki at hinatak na siya paalis kasunod si Zaries.

"What? Hoy! Saan niyo dadalhin 'yang kaibigan ko?! Hoy!" sigaw ni Rana habang hinahabol ang mga iyon.

"Hey, saan nila dadalhin yon?! You think sabihin na natin kay Kuya Yaxel?" tanong ko kay Clyde. Kuya Yaxel is just in other building, which is for Senior Highschool.

"I think Kuya Yaxel know that man." sagot niya sa akin. "Come on, kumain na tayo. Nagugutom na ako. I'm craving for sioma rice."

"Let's go, gusto ko rin non." sagot ko.

Pagdating namin sa canteen ay bumili na kami ng pagkain namin at pumwesto kami kina Finn na hindi pa tapos kumain.

"Hindi ba dito nag punta sina Yanzee?" tanong ko sa kanila.

"Yanzee? Hindi ah." sagot ni Janice. "Maagang lumabas yon, kasama pa nga si Rana."

"Bakit wala pa si Rana?" tanong ni Bobby.

"Hinatak si Yanzee ng transferee." sagot ni Clyde habang binubuksan ang mineral bottle ko.

"Na naman?! Nako, lagi na lang siyang kinukuha ng transferee na 'yon." sagot ni Janice.

"Lagi?" tanong ko sa kanya. Lahat kami ay naka-tingin sa kanya.

"Oo, minsan pag magkakasama kami biglang na lang siyang susulpot tapos hahatakin si Yanzee. Saan kaya non dinadala si Yanz? Kawawa naman ang frenny ko." paliwanag ni Janice.

"And its just okay to her?!"

"Oo ata, malandi rin yon eh. Hahahaha." panlalalag ni Janice.

"Pinag-uusapan niyo na naman ako." nagulat kami ng biglang sumulpot si Yanzee na mukhang good mood na. "Ano na naman chinichika mo sa kanila, Janice!"

"Wala!" sagot niya at nagpatuloy sa pagkain. Napailing na lang kami.

"That Zaries, fucking, Xyl. Makakabawi din ako sa kumag na yon." rinig naming bulong niya.

- Madam L.

Section Series #1 - Ex Where stories live. Discover now