Chapter 13

150 6 0
                                    

CHAPTER 13

"Uy, Annie. Okay ka lang?" tanong sa akin ni Nancy. Naglalakad kami pauwi ngayon galing sa bahay nila Yanzee.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Ayos lang ako. Shock pa rin siguro sa nangyari kanina." sagot ko. Naramdaman ko naman na may umakbay sa akin nang tumingin ako ay si Clyde iyon.

"Annie, don't be affected on what happened earlier." sabi niya sa akin. Tumango ako kahit na alam kong apektado ako.

Kung sana ay napigilan ko si Rachel kanina ay hindi na magkakagulo ng ganito. Dapat ay hindi ko binalewala ang emosyon niya kanina, kung sana lang...

"Annie, please. I know you're lying." sabad ni Clyde. Tumingin ako sa kanya.

"Clyde, hindi mangyayari yun kung tinawag ko siya at pinigilan at kung hindi ko rin binalewala ang napansin kong emosyon kanina." sagot ko sa kanya.

"Annie, you don't control on what's Rachel thinking that time, okay? Hindi mo kasalanan yun dahil hindi mo alam na nakakaranas si Rachel ng ganon. Okay?"

Napipilan ako sa sinabi niya. Tama siya. Kasi kung alam ko lang na ganon ang tumatakbo sa isip niya ay agad ko siyang pipigilan.

"I'm sorry." sabi ko at napayuko. I heared him sigh.

"I know you're tired. Ihahatid na kita pauwi." saad niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you, Clyde. For understanding me." sabi ko. He smiled.

"That's my work, babe. To understand you." sabi niya na nagpa-ngiti pa sa akin lalo.

Nang makarating kami sa sakayan ay nagpa alam na kami sa iba naming kasamahan na maglalakad na lang pauwi dahil malapit na sila. Ilang minuto lang ako tinagal ng biyahe ay nakarating na kami sa baba.

Sumama si Bobby at Finn sa paghatid sa akin, para daw may kasama si Clyde pag uwi. Sweet naman.

"Oh, Annie. Nandiyan ka na pala." bati sa akin ni Lola na naabutan kong nag tatapon ng basura sa labas. Nag mano ako at ganon din ako ginawa ng mga kasama ko. "Pagpalain kayo ng Diyos."

"Kumain ka na, La?" tanong ko.

"Hindi pa kasi inaantay kita." sagot ni Lola. Tumango naman ako at humarap sa tatlo. "Sige na, umuwi na kayo. Baka mapagalitan pa kayo."

"Mag-iingat kayo." paalala ni Lola sa kanila. Kumaway naman ako sa kanila bilang pamamaalam.

Nang maka-alis na ang tatlo ay tsaka kami pumasok ni Lola sa bahay at nag handa na para mag hapunan. Nang matapos kami ay pina-akyat ko na si Lola sa taas para makapag pahinga na. Kausap ko ngayon si Clyde sa cellphone habang nag-huhugas ng pinggan.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito.

"I'm okay, Clyde." sagot ko. "Kumain ka na ba?"

"Yeah, katata—Antonette! Anong ginagawa mo dito?!—Ma! Si Kuya, may kausap na babae sa cellphone!" rinig kong sabi ng batang boses sa kabilang telepono. "Shut up, Tonette!—Sorry about that, babe."

"Nah, it's okay. Can you loudspeak the phone?"

"Are you sure? Okay."

"Is she still their?"

"Yeah. Eavesdropping in our conversation." natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hi, Antonette!" I said. Narinig kong may tumili kaya natawa ulit ako.

"Oh my gosh! Ate Annie?! Is that you?! OMG! I can't believe this! Binalik mo itong si Kuya?!" hindi makapaniwalang sabi ni Antonette.

"Hindi pa kami ulit, Antonette." sagot ko sa kanya at narinig ko siya ulit na tumili.

Section Series #1 - Ex Where stories live. Discover now