Chapter 7

192 7 0
                                    

CHAPTER 7

"Apo, gising na." narinig ko ang boses ni Lola sa labas ng kwarto ko. Tumingin ako sa oras. 7:30am. Naka-tulog ako kagabi ng alas dose dahil sa kakaisip.

"Annie, apo." ulit ni Lola.

"Baba na po ako, Lola." sagot ko at bumango na. Nag-ayos muna ako bago bumaba ng kusina.

"Morning." bati ko.

"Morning din, apo."

"Good morning, Annie." bati din ni Mama. Tuwing sabado at linggo nandito si Mama dahil day off niya.

"Kumusta work, Ma?" tanong ko habang nag titimpla ng gatas.

"Ayos naman. Mas naging busy lang ngayon dahil patapos na ang buwan." sagot ni Mama. "May binili akong pasalubong sayo, nasa kwarto ko. Hindi ko naibigay sayo kagabi dahil wala ka."

"Gumawa kasi kami ng costume sa bahay ng kaklase ko. Sa wenesday na ang laban." sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Ganun ba, goodluck sa inyo."

"Thank you, Ma." sagot ko. "Nga pala, may practice kami ngayon so baka mga hapon na ako maka-uwi."

"Basta wag magpapagabi, apo." sabi ni Lola sa akin. I nod.

"Yes po." sagot ko. Nagsimula na kaming kumain ng agahan. Nang matapos kami ay ako ang naghugas ng pinagkainan at pinaglutuan.

Nang matapos ko ang gawain ay umakyat na ako sa kwarto para maghanda ng susuotin at naligo na. 9:00 am ang usapan namin pero panigurado 12:00 pm na kami makukumpleto.

Naligo na ako at nang matapos ako ay nag ayos na ako ng sarili habang nakikipag usap sa group chat namin.

10- ANTONIO LUNA (S.Y. 2020-2021)

President K: 9am po ang usapan napaka linaw niyan. Baka naman pumunta kayo ng 12pm tatanggalin ko kayo!

ALIbangbang: Goodmorning din sayo, Kathleen.

Sanaol Simon: @Noah Ark bring the speaker. Thanks.

Noah Ark: 👍.

Napaka haba naman ng reply na 'yan.

Momoland Nancy: @Annie Kyotie sunduin ba kita diyan sa inyo?

Mag rereply na sana ako ng may nag pop up ng chat head. Si Yanzee.

Yanzee Perxi Penelope: May practice ba kayo sa commercial ngayon?

'Yah.' I replied.

Yanzee Perxi Penelope: Great! Sabay na tayo. Daanan kita diyan sa inyo.

'Okay.'

Nag reply naman ako kay Nancy na wag na akong sunduin dahil may maghahatid sa akin. At may isang taong chismoso ang nag reply.

V-Pres niyong Pogi😎: Jowa niya 'yan! Ayieee!

Amiel Sexyganda hshs: Pumapag ibig na ulit si Annie!

Lira ganda: Guys, wag niyong tambakan yung message ni President.

Amiel Sexyganda hshs: Kontrabida ka talaga kahit kailan @Lira ganda.

Lira ganda: Sinasabi ko lang naman! Hmp!

V-Pres niyong Pogi😎: Don't worry, Lira. Alam ko namang alam naman nila yung sinabi ni Kathleen.

Section Series #1 - Ex Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon