Chapter 12

141 5 0
                                    

CHAPTER 12

"Annie! Naka-ayos ka na ba?" rinig kong sigaw ni Lola sa baba.

"Saglit lang po, La!" sagot ko habang nag susuot ng medyas. Simula ng magdesisyon si Clyde na manligaw ulit ay hinatid niya ako kagabi at ngayon naman ay susunduin niya ako.

Sobrang saya ni Lola ng malaman niyang nanliligaw ulit sa akin si Clyde, ngunit hindi ko pa sinabihan si mama tungkol dito. Hindi rin naman niya alam na naging kami ni Clyde.

Nang matapos akong mag suot ng medyas at sapatos ay nagpabango na ako tsaka kinuha ang gamit ko bago bumaba. Nakita ko si Clyde na naka-upo sa sofa. Tumayo ng makita akong pababa na.

"Ayan na pala si Annie. Kumain ka na ba apo?" tanong ni Lola. Tumango naman ako humalik na sa pisngi niya.

"Alis na kami, La. Bye po!" sabi ko bago umalis. Nagpaalam na din si Clyde kay Lola. Nang makalabas kami ni Clyde ay nakita kong naka-park ang motor niya.

"May lisensya ka ba at lagi ka na lang nagmomotor?" tanong ko sa kanya habang sinusuot ang helmet.

"Syempre, wala. Lakasan lang ng loob." sagot nito habang nag susuot din ng helmet. Inirapan ko na lang siya at umangkas na sa kanya.

"Your hands, Annie." sabi nito na kina-irap ko lang at niyakap ang dalawang braso ko sa bewang niya bago pinatong ang baba ko sa balikat niya.

"Okay na po ba?" sabi ko. Lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Okay na okay. Let's go baka ma-late pa tayo." sabi niya bago pina-andar ang sasakyan.

Malapit na kami sa school ng sinabi kong huminto muna sa bilihan ng shake na malapit lang din sa school na ginawa niya kaya heto kami ngayon, hinihintay yung order namin na mango graham shake.

"Heto na po yung sa dalawang mango graham shake!" rinig ko sabi ng tindera, agad lumapit si Clyde at kinuha iyon. Dumiretso na kami sa school at nag park pa si Clyden sa parking lot na provided ng school para sa mga estudyante na may bike at motor.

Dumiretso na ako sa covered court kung saan nag hihintay kaming mga afternoon session. Nakita ko agad ang mga kaklase na sa pang apat na baitang ng bleachers.

"Pahingi naman kami niyan!" sabi ni Rio ng makita ang hawak kong plastik. Dinilaan ko siya na parang nang aasar.

"Hindi pwede! Baka suntukin ka ni Clyde." sagot ko.

"Wohoo! Kayo na ulit?" tanong ni Ed. Inirapan ko siya.

"Hindi no! Mga chismoso kayo." sagot ko at tumabi na kay Finn na tahimik nagbabasa ng notes. Tinapik ko ito.

"Hoy! Napaka seryoso mo naman diyan." sabi ko.

"Huwag kang magulo, nag aaral ako." sabi niya na hindi niaalis ang tingin sa notes. Sinilip ko ang binabasa niya ngunit imbes na notes ang makita ko ay cellphone.

"Ano 'yan? Wattpad? Bakit ka nagbabasa niyan?" tanong ko dito. Kailan ba nahilig ito nahilig magbasa ng kung ano ano?

"Shh! Baka may makarinig sayo." suway niya.

"Narinig ko na." sabi ni Clyde galing sa likod ko at kinuha ang plastik na hawak ko. Binuksan niya ang isa at binigay sa akin at sa kanya naman ang isa.

"Mga epal talaga kayo." sabi ni Finn at lumayo ng konti sa amin. Natawa na lang kami at na-upo na. Nagkwentuhan kami habang nag hihintay sa pagpapasok sa loob.

"Hola Amigos!" bungad ni Yanzee habang paakyat sa pwesto namin. Kasama niya si Janice at Yesha. "Hoy! Totoo ba 'yan? Nagbabasa ka na?" pang aasar niya kay Finn.

Section Series #1 - Ex Where stories live. Discover now