Chapter 1

417 8 0
                                    

CHAPTER 1

"Annie!" narinig ko ang boses ni Kathleen, ang class president namin, nang makapasok ako sa classroom.

"Oh, baket?" tanong ko sa kanya. Nakita ko itong may hawak na notebook at ballpen.

"Ambagan para sa darating na nutrition month sabi ni Ma'am Rivamonte. Gagamitin yung ambagan para sa costumes ng mga sasali sa contest." paliwanag niya sa akin.

"Pwede bang pumunta muna sa upuan at iilapag ko lang itong bag ko? Pwede ba yon, Pres?" sarcastic kong tanong.

"Pwede naman. Sige na, upo ka muna sasalubungin ko pa yung iba nating kaklase." sabi niya at tumayo sa pinto ng classroom. Napailing na lang ako.

Umupo na ako sa upuan ko at naglabas ng pera sa ambagan na sinasabi niya. Lumapit ako sa kanya na pinagkakaguluhan na ng mga kaklase namin.

"Kath, bayad ko!"

"Kath, yung sukli sa bente. Pabilis naman oh."

"Kath, bayad na ako ah! Baka di mo ako ilista diyan."

"Teka lang! Kumalma kayo!" sigaw niya sa amin sabay hawak ulit sa listahan. "Okay. Rio, bayad mo." nag abot naman si Rio. "Daisy, ang sukli mo layas. Annie, ikaw?"

Inabot ko na ang sa akin at binigyan niya naman ako ng sukli. Lumabas ako ng classroom para bumaba ng first floor kung saan ang classroom nila Yanzee.

Pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko sina Finn pa akyat kasama si Nancy, Amiel at... Clyde.

Yes, Clyde and I are classmates. We're classmates since grade 7 together with Finn.

"Saan ka punta?" tanong ni Finn sa akin.

"Kay Yanzee lang." sagot ko at binilisan ang pagbaba.

Months had passed simula ng maghiwalay kami ni Clyden at iyon ang huli naming pag uusap. I cut all the connection with him and focus on myself.

It's was April when we broke up. Nagkasabay sabay lahat ng problema na dinadala ko ng panahon na iyon at kasama na doon ang relasyon namin ni Clyde so I decided to cut it off.

I sighed when I remember those days. Those days na nagtiis ako para sa kanya na nakalimutan ko ang sarili ko. Its just sad. The person that I expected to be there for me was gone.

Nakarating na ako sa classroom nila Yanzee at nakita ko siyang kasama sina Janice at nagkukuwentuhan sila. I got her attention at dali dali itong nagpaalam sa mga kasama tsaka ito lumapit sa akin.

"Yow! Bakit?" tanong niya ng maka-lapit siya. Agad akong lumingkis sa braso niya.

"Samahan mo ako." sabi ko sa kanya at hinatak siya papuntang canteen.

"So, sino ang pambato niyo for Mr. & Ms. Nutrition?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami.

"I think is Calle and Amiel again. Sila naman palagi." sagot ko. "Sa inyo?"

"Hindi pa namin alam kung si Liana ba o ako." sagot niya. Napatingin ako sa kanya.

"Gagi, sasali ka?!" gulat kong tanong. Tinignan naman ako nito.

"Bakit, ayaw mo ba? Oh, edi wag." sagot niya. Natawa naman ako sa sagot niya. "Echos lang, si Liana talaga."

"Akala ko sasali, lugi kami pag ikaw ang sasali."

"Ewan ko sayo."

Natawa kami parehas at bumili ng inumin. Naglalakad na kami pabalik ngayon dahil ilang oras na lang ay dadating na ang first subject teacher namin.

"Musta naman kayo ni Clyde as classmates?" tanong nito sa akin.

"Okay lang. Hindi naman kami nagkikibuan doon." sagot ko at uminom ng chuckie.

"Magkakausap din kayo. Mahaba pa ang klase. Tsaka, kailangan niyo din yon. Closure ba." paliwanag niya. Napatango na lang ako at nag open ng panibagong topic. Patuloy kaming nagkukwentuhan hanggang sa maka-balik kami sa classroom namin.

Mabuti na lang at wala pa ang first subject namin ng makarating ako sa room kaya nakipag kwentuhan muna ako kina Calle. Umayos lang kami ng pumasok na si Sir Johnsons.

"Good Afternoon, Class." bati niya sa amin. We stood up ang greet him back. "Okay, before we start what topic that we discussed last meeting? Anyone who can answer?" Pinalibot niya ang tingin sa tahimik na classroom. "No, one?" he asked again.

Silence.

"Okay, since no one is volunteering, I'll answer. The lesson that we discussed in last meeting..." paliwanag niya hanggang sa dumiretso na siya sa panibagong lesson namin. Tahimik kaming nakikinig at sumasagot pag kinakailangan.

"... And that's how we get the answer for number three. Did you understand the lesson? Yung step ng computation, nakuha ba?" he asked to everyone.

"Yes, Sir." we answered. He smiled.

"Well, that's good. I hope if I ask you next time about our last topic, masagot niyo na." sabi niya at ngumiti. "Okay, class. That's all of today. See you tomorrow. Goodbye, class."

We stood up and greet him back. Nang maka-alis si Sir Johnsons ay nagpatuloy si Kathleen sa pag singil para sa ambagan.

Lumipat ako ng upo malapit sa bintana at nagsinuran na din sina Calle sa pwesto ko.

"Girl, kinakabahan ka ba for competition?" tanong ni Lira habang nagsusuklay. Naka-tanaw ako sa labas ng bintana at pinapakinggan ang ingay sa paligid ko.

"Oo naman, Lira! Kinakabahan pa din ako. Hindi naman ako magaling magsalita sa harap." sagot ni Calle.

"Hay nako, dapat talaga ako na lang yung sinali ni Ma'am! Alam mo, since grade school lumalaban na ako sa mga ganyan kaya sanay na ako." sagot ni Lira. "Tsaka diba, first time mong sumali sa ganitong contest simula nung nag transfer ka dito. Naalala lang naman ako sayo. Ayokong mapahiya ka at ang section natin. Kilala pa naman ang section na 'to na palaban."

Naramdaman kong natahimik si Calle sa mga sinabi ni Lira. Calle is a transferee from Ilo-ilo. Nung grade 8 siya lumipat dito but until now, nahihirapan pa din siyang magsalita ng purong tagalog at bubulol din paminsan minsan.

Humarap ako kay Calle at hinawakan ang kamay niya. She looked at me.

"Okay lang kabahan, Calle. Yes, this is your first time kaya dapat i-enjoy mo. Manalo man o matalo, nandito pa din kami. Ang mahalaga, you enjoy the experience." sabi ko at ngumiti sa kanya. She nod and smiled at me.

"Salamat. I really need that." sagot niya. I nod as an answer.

Pinalibot ko ang tingin sa paligid at aksidenteng nagtagpo ang mga mata namin. I saw him looking at me. No emotion in his eyes but there is something.

Winaksi ko ang tingin sa kanya at bumaling muli sa tanawin sa bintana na ang nasa isip ko ay ang mga pagtatagpo ng paningin namin.

- Madam L.

Section Series #1 - Ex Where stories live. Discover now