Chapter 8

180 8 0
                                    

CHAPTER 8

"Ano ba, Annie?! Ikaw na lang ang kulang dito!" bulyaw sa akin ni Yanzee sa tawag dahil sa sinabi kong hindi ako sasama. Today is sunday at napag-usapan naming makakaibigan na gumala sa mall.

"I'm sorry, Yanz. May sakit ako." sagot ko at nag peke pa ng ubo. I heard her sighed.

"Is it because of yesterday?" tanong nito.

"No, masama lang talaga pakiramdam ko." pag sisinungaling ko.

"I guess hindi na kita mapipilit." I heared her sighed again. "By the way, sale ngayon ang national book—"

"Magbibihis na ako! Pasundo na din!" sagot ko agad. Its National Bookstore! Wala na din akong stock ng mga materials for journals ko.

Agad akong nagbihis at dinala ang small backpack tsaka ako bumaba. Nang makababa ako ay nagpaalam ako kay Mama at Lola. Sinabi ni Mama na may nag aantay sa akin na naka-motor baka si Yanzee na iyon.

Nang binuksan ko ang gate ay hindi si Yanzee ang bumungad sa akin. Si Clyde. Memories of what happened yesterday come to my mind.

Why? Why do you do this, Clyden?

"Let's go?" kumurap kurap ako ng marinig ang boses niya. Tumango naman ako at may kinuha siya sa compartment ng motor niya. Nanlaki ang mata ko ng makita iyon. Akmang isusuot niya sa akin ang helmet ng umiwas ako.

"B-Bakit yan? W-Wala na bang iba?" tanong ko dito.

"Why? Remember the good times before?" naka-ngisi niyang sabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin at inagaw sa kanya ang helmet at sinuot.

"Let's go." sabi ko. Nang maka-sakay naman siya ay tsaka ako umangkas. Akala ko ay aandar na kami pero hinawakan niya ang dalawa kong kamay at niyakap sa bewang niya.

"I miss this." bulong niya. Akmang aalisin ko ang kamay ko ng pinigilan niya ito.

"Can you stay like this for a while?" sabi nito at lumingon sa akin. "Please?". I sighed.

"Bilisan mo na, inaantay na nila tayo doon." sagot ko. Nakita ko siyang ngumiti at pinaandar na ang motor.

Naging tahimik kami sa biyahe. Dahil sa nangangalay ako sa pwesto ko ay hindi ko napigilan na ipatong ang baba ko sa balikat niya. Naramdaman kong natigilan siya agad ding nakabawi.

"Focus." sabi ko sa kanya at ngumiti. I saw his eyes in side mirror looking at me. I winked at him. Natawa ako ng umiwas siya ng tingin. "Focus, Clyde. Ayoko pa mamatay."

"Umayos ka din, Annie. Baka di ako makapag pigil." sagot niya. Natawa na lang ako. Ilang minuto lang ang tinagal ng biyahe ay nakarating na din kami sa lugar na napag usapan.

Naglalakad na kami papasok ng entrance na maramdaman kong may humawak sa kamay ko at hindi pa ito nakuntento at pinag-siklop pa ang daliri namin.

Pilit kong inaalis ang kamay ko pero hindi ito matinag.

"Clyde, your hands." bulong ko dito.

"Its soft, yeah, I know." sagot nito sa akin.

"Let go my hand!"

"I don't want. It feels good."

Sinamaan ko ito ng tingin pero hindi manlang ito bumaling sa akin ng tingin. Nang makarating na kami sa foodcourt, kung nasaan sina Yanzee, ay hinatak ko ang kamay ko sa kanya para makabitaw, na siyang nagawa ko.

"There you are! Hindi pwedeng hindi tayo kumpleto!" bungad sa akin ni Rana na naka-upo.

"Eh, nasaan si Liana?" tanong ko sa kanya.

Section Series #1 - Ex Where stories live. Discover now