Chapter 15

114 5 0
                                    

CHAPTER 15

"La, umuwi ba si Mama kagabi?" tanong ko kay Lola habang kumakain kami ng tanghalian. "Tsaka pala, La. Mag o-overnight kami kina Rana mamaya."

Sem-break na namin ngayon kaya naisip ng grupo na mag overnight kina Rana dahil may pwesto kami doon na pwedeng tambayan.

"Hindi umuwi ang Mama mo kagabi, baka maraming trabaho ang ginawa." sagot sa akin ni Lola na kina-tango ko. Siguro mamaya ay uuwi si Mama.

"La, may gagawin ba tayo ngayon?" tanong ko.

"Wala naman, apo. Natapos ko na rin naman ang mga gawain kanina." sagot niya sa akin ni Lola. "At tsaka doon sa pinapaalam mo na overnight, magpaalam ka rin sa Mama mo baka mamaya ay umuwi iyon. Mabuti nang alam niya."

"Opo, La." sagot ko. Pinag patuloy ko ang pagkain at nang matapos kami ay ako na ang nagligpit at pinag pahinga ko na si Lola.

Nasa kwarto ako ngayon ay naisipan ko ang magkalkal ng mga kung ano ano sa mga cabinet ko dahil wala naman akong magawa. Nasa may pinaka taas na ako ng tukador ng may nakita akong kumikinang sa may sulok.

Kinuha ko iyon at nakita ko ang silver bracelet na binigay sa akin ni Clyde noong kami pa.

Tahimik akong umakyat sa kwarto at naupo sa kama. Facing the cabinet. Unti-unting tumulo ang luha ko.

Wala na. Tapos na. I already set him free...

Patuloy pa rin ang pag iyak ko ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Text message from Clyde.

Babe:

'Babe, Annie, nandito ako sa labas niyo. Please, mag-usap naman tayo.'

I ignore the message pero makulit ito at patuloy pa rin sa pag send ng text. Nang hindi makuntento ay nag-ring na ito. Sa inis ko ay pinatay ko ang cellphone at humiga sa kama.

I stare at ceiling. Crying. Thinking where I did lack in loving him?

I wipe my tears at naramdaman ko ang mabigat na bagay na tumambon sa mukha ko. Its the bracelet. The bracelet that Clyde gave to me.

He gave this to me while promising to love me more than anything but look what happened to us now, Clyde!

Mas lalo akong naiyak nang maalala lang iyon kaya tinanggal ko iyon at hinagis sa itaas ng cabinet ko at nagpatuloy sa pag-iyak hanggang sa makatulog.

I smile sadly. Iyon ang panahon na naging mahirap sa akin pero kinaya ko. This bracelet brings happy and at the same time, sad memories.

Nilagay ko sa lalagyanan ng alahas ko ang bracelet. Pababa na ako ng maka-rinig ako ng nag-park na sasakyan sa labas namin. Wala naman kami kotse.

Agad akong lumabas at nakita ko si Mama na ka-papasok lang ng gate at nagulat ako ng may kasunod siya lalaki. Masasabi mo na gwapo pa rin ito kahit na may edad na.

"Ma! Nandyan ka na pala." bungad ko kay Mama ay sinalubong siya ng yakap.

"Pasensya na, anak hindi ako naka-uwi kagabi. Marami lang talagang trabaho." paliwanag sa akin ni Mama habang naka-yakap din sa akin ng mahigpit.

"Ayos lang, Ma. Kumain na po kayo sa loob." saad ko.

"Siya nga pala, 'nak. Ito ang Tito Kenjie mo." pag papakilala sa akin ni Mama sa kasama niya.

"Hello, Annie. Nice to meet you." bati sa akin ni Tito Kenjie at nilahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko iyon. "Magkasing edad lang kayo ng anak ko. She's also in her 10th grade."

Section Series #1 - Ex Kde žijí příběhy. Začni objevovat