1

5.3K 84 7
                                    

Tamara's POV

"Ano ba daw ang nangyari jan anak ni Siony?"

"Ay naku Ma, nabuntis daw, hindi pinanindigan nung nakabuntis ayun nagpakamatay."

"Ay naku! Yan na nga ba ang sinasabi ko! Buti na lang anak at matino ka. Hindi kagaya nang kapatid kong maaga ring naglandi. Kaya ikaw Tamara, h'wag kang gagaya sa nanay mong binuntis at tinakbuhan! Maagang naglandi, nabuntis. Mabuti sana kung kayo lang ang naperwisyo eh aba, nung namatay biglang ako na ang umako ng mga pagkakamali nya! Kabilang ka na! Haii nako!"

I sighed. Araw araw ganito ang sermon sa akin ni Tita Mercy. Kesyo daw maaga naglandi si Mama kaya nabuntis agad. Ang totoo, hindi ko na alam kaya no comment na lamang ako. Namatay si Mama nung 7 years old ako, at mula noon, sa kanila na ako tumira.

Ay! mali pala, sila pala ang tumira dito at kinuha ang lahat ng meron ako.

Ang alam ko, bahay ni Mama ito. Pinaghirapan nya, kaya lang nung mamatay sya sabi ni Tita Mercy, kanya daw yun. Kaya wala ako magagawa, ako na ngayon ang nakikitira.

"Tita eto po para sa kuryente at tubig."

Nag-abot ako ng 100 pesos. 80 pesos para sa kuryente kasi gumamit ako ng electric fan at plantsa tapos 20 sa tubig dahil naligo ako tapos hindi ako nakapagdala ng tubig inumin pauwi. Daig ko pa ang nagbebedspace sa laki ng gastos sa pakikitira ko sa bahay daw nila.

Haii.

Last year, nahinto na ang pension sa akin ni Mama kaya kailangan kong magdoble trabaho kasi obligado akong mag-abot kay Tita Mercy ng bayad sa lahat. Araw araw akong nag-aabot kay Tita Mercy, para bang prepaid ang lahat. Kapag may pera ako, pwede akong gumamit ng kuryente o di kaya'y maki-kain sa kanila. Pero kung wala, tiis ako.

"Kakain ka ba?"

"Wala pa po akong sweldo."

"Ay wag kang kumain. Mahiya ka sa akin dahil libre na ang pagtira mo. Tumulong ka man lamang sa mga nakukunsumo mo. Wala ka man lang ngang naiibigay na tulong para sa amin. "

"Opo. Alis na po ako. Pasensya na po."

Ang totoo, may pera naman ako, kakasweldo ko lamang kahapon. Kaya lang sobrang mahal ng singil ni Tita para sa isang meal, mas mabuti pang kumain ako sa labas. 30 lang buong kain na. Kay Tita, ang 30, ulam pa lamang, wala pang libreng tubig.

Ganito ang buhay ko, sa umaga, umaattend ako ng klase ko. Sinadya kong hanggang 1:00pm lang ang lahat ng klase ko para makapagtrabaho pa ako. After ko pumasok sa school, lumiliban ako sa St. Yves International School. Andito yung mga bagets na mayayaman. Nagtatrabaho ako dito bilang Medical Assistant. Para bang assistant ng nurse, ganun. Madali ang work dito, madalas naman mga nagmamaarteng bata lang kaya after nito, shift ko naman sa isang fastfood hanggang midnight.

Sa fast food, mejo mabigat ang trabaho ko bilang crew pero kahit na, kailangan ko ng pera kaya bawal ako magmaarte.

Scholar ako ni Mayor Tony Tolentino, yung mayor dito sa amin. Mabait naman si Mayor, yung misis nya ang mejo hindi. Isama na din yung anak nyang si Trisha. Kaya lang, dahil scholar ako ni Mayor, pinagtitiisan ko na lang si Trisha. Sabi nya, friends daw kami. May friend bang ginagawang utusan? May friend bang ginagawang runner? Para ngang binabayaran ko sa pagsisislbi sa kanya ang scholarship. Haiii. Kahit mahirap, kinakaya ko kasi kailangan ko ito pra makatapos na ako at nang makapamuhay akong mag-isa.

Plano ko naman na bumukod na kina Tita Mercy kaya lang wala namang murang renta ng bahay. Kahit papaano'y libre pa naman ang pagtulog ko sa bahay kaya, tinitiis ko na lang. Di bale, 2 years na lang. 2 years na lang at makakagraduate na ako. Matatapos na ring lahat ng pagtitiis ko!

"Ui Tamara! Ganda ng uniform mo ah! Anong year mo na nga?"

"Hello po. Opo, 2nd year na po."

"Aba! Malapit ka na gumraduate."

"Opo! "

"Magiging masaya ang Mama mo sa langit."

"Opo nga Aling Siony."

"Kung sana'y naging kasing sipag mo ang anak ko. Huwag ka magbubuntis agad ha? Tuparin mo ang pangarap mo. At umalis ka sa lugar na ito. "

I smiled at her.

"Opo."

Opo, pagbubutihin ko, tutuparin ko ang pangarap ko para kay Mama, para maiba naman ang buhay ko, para magbago ang kapalaran ko.


Opo, pagbubutihin ko, tutuparin ko ang pangarap ko para kay Mama, para maiba naman ang buhay ko, para magbago ang kapalaran ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
UnlabeledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon