2

3.2K 80 1
                                    

Tamara's POV

"Tamara!!!!!"

Napairap na lang ako sa hangin ng marinig ko ang boses ni Trisha. Haiii, may bago na naman akong tatrabahuhin.

"Hi Trisha!" Bati ko

"Hui, help mo naman ako sa assignment ko. I need to research on this." Inilahad nya sa akin ang assignment nya.

Just as I thought.

Business Ethics. Haii nakakatawa. Dalawang taon na halos akong nag-aaral din ng Business Ad. Paano itong si Trisha, ako na halos ang gumawa ng lahat. Projects, assignments, research works. Kung magkamukha lang kami baka ako na din ang pumasok sa klase nya at magexam.

"Okay." ang sagot na pwede kong ibigay sa kanya. 

Bawal tumanggi dahil Daddy nya ang nagpapaaral sa akin

Agad nyang iniabot sa akin ang laptop nya na ako naman talaga ang gumagamit. Pocket wifi at 500 pesos na ang ibig sabihin ay ipaprint ko na rin at ilagay sa folder. Minsan naiisip ko na okay na rin ito kasi nagagawa ko rin ang mga dapat kong gawin ng libre.

"Matti Baby!!!" tawag nya sa lalaking gwapo

Ito yung lalaking madalas kong makitang nakangiti. Napakagwapo nya kasi. Pero baby? Girlfriend nya si Trish? Kelan lang yung senior namin ang girlfriend nya ah tapos bago yun yung BS Tourism na maganda.

"Oh baby. Anjan ka pala." lumapit sa amin ang gwapong lalaki

Ito ata ang bagong boyfriend ni Trish. Pero sa pagkakaala-ala ko, Ron ang pangalan nun at hindi Matti. At sa pagkakaalala ko'y di naman yun ganitong kagwapo. Di bale na nga, pareho naman sila.

"Matti Baby, si Tamara nga pala friend ko. Tamara, si Matti boyfriend ko." Ngumiti ako kay Matti na boyfriend daw ni Trish kahit na di naman sila bagay

"Hello Tamara!" Napakagwapo talaga

"Hello po."

"Grabe naman baby ang kaibigan mo, bakit may po?"

"Ay sorry po." Sabi ko

"Oh, wala yun Ms. Beautiful!"

Hindi na ako nakasagot. Mukhang hindi nagustuhan ni Trish na napansin ako ng boyfriend nya kaya niyaya na nya itong lumayo. Sayang naman at hindi ko masyadong napagmasdan ang gwapo nyang mukha.

Sa pagkakaalam ko crush yun ng napakaraming tao. Oh well, hindi ko naman talaga sya kilala dahil busy ako.

Habang nakaduty ako mamaya sa clinic gagawin ko lahat ng assignment na ibinigay sa akin. Tamang tama, may research din akong kailangan.

Maghapon akong naging busy. Malapit na ang midterms kaya naman kailangan ko ng magsimulang magreview. Dalawa pa naman ang course ko! Haha. Kailangan ko din kasing igawa si Trisha ng reviewer nya. Haii.

Madami atang naclinic ngayon kaya mejo ang hirap tumiming sa pagsingit ng mga ginagawa ko. Mayroon pa ngang tatlong galing sa cheering squad na nalaglag kanina.

"Miss!" tawag ng isang highschool na nakauniform

Naalala kong ito ang batang nakahiga kanina! Isa sa mga nalaglag sa cheering squad. Paanong nakalabas na agad ito?? At paanong naiba ata ang itsura ng buhok nya? Napakunot tuloy ang noo ko

"Ay! Hindi po ako yung naclinic dito. Kambal ko po yun. Ako po si Yvie, Yvangeline Dahlia Ty. Yung na anjan po sa loob ay si Ysme, Ysmeralda Camellia Ty."

Nakahinga naman ako ng maluwag. Magkamukha kasi sila eh.

"Nasaan po sya?"

"Halika, samahan na kita at kailangan ko din syang tingnan."

UnlabeledWhere stories live. Discover now