3

2.7K 81 2
                                    

Tamara's POV

"Ma'am Helen?"

"Oh Hi Tamara, come in. Have a seat."

May pagaalinlangan akong pumasok sa loob ng office ni Ma'am Helen, ang principal sa pinagtatrabahuhan kong school. Paano'y may isang babaeng maganda na nakaupo rin sa harap ni Ma'am Helen. Buong giliw na nakangiti sa akin. Kita sa kanyang hitsura ang kaluwagan ng buhay, maganda ang pagkakakulay ng kanyang buhok, may magandang lapat ng manipis na make-up ngunit mapula ang lipstick na ikinatingkad ng kanyang maputing balat. May iilan syang suot na alahas, may hikaw na hindi man kalakiha'y alam mong may kamahalan, relong ginto na alam kong kayang bilihin ang buhay ko, mga singsing na tanda na sya'y kasal. Dala rin nya ang kanyang bag na sumisigaw ng karangyaan.

"Tamara, this is Mrs. Nikka Seigfreid, she's my classmate back in highschool, Nikka this is Tamara. Sya ang medical assistant ng school. Working student at napakasipag na bata."

Classmate? Parang mas mukhang bata ang bisita ni Ma'am Helen?

"Hi Tamara, you have a nice name but it's long so I'll call you Mara na lang. Haha" Napangiti ako sa babaeng kaharap ko. Mukhang napakamasayahin nya.

"Anyway, kaya ako nandito kasi I ask help from Helen. I need someone who could attend to my daughter's need. There will be an upcoming kiddie camp next month. My 7 year old daughter badly want to come but you see, hindi naman alam ng anak ko mabuhay mag-isa. I even comb her hair in the morning and prepare her everything. Sinusubuan pa nga yun kapag breakfast!" Sabi ni Ma'am Nikka

"Spoiled Brat ang anak mo Nikka." Sabi naman ng principal

"I know. Baby na baby pa un sa amin, lalo na kay Daddy nya."

Nakaramdam ako ng konting inggit sa batang anak ni Ma'am Nikka. Nung 7 years old ako, ako na ang nagaasikaso sa sarili ko. Marunong na ako maglaba, magluto, maglinis at mamlantsa.

Suddenly, may dumating na kailangang imeet ni Ma'am Helen. Ma'am Nikka then asked if she could borrow me and could explain everything to me the purpose of us meeting. Mukhang napakalakas ni Ma'am Nikka at walang pagdadalawang isip na pumayag si Ma'am Helen.

"Ayun nga, so nagpaalam ang anak ko to join, but ofcourse, being our only girl and our youngest, hindi sya pinayagan ng Daddy nya at mga Kuya. Mejo nagtampo, hindi kumain maghapon at walang ginawa kundi umiyak. Ayoko pa namang mamayat ang anak ko. So with that, we don't have enough choice." Nakangiti pa rin ang magandang ginang sa harap ko. Napaka mapagmahal na ina. Napakaswerteng bata.

Andito kami sa isang maliit na mall na may sikat na fastfood. Hindi ko akalain na kumakain sya dito. Isinama nya pa ako sa inorder nya.

"Kain tayo Darling ha?" Nahihiya man ay tinaggap ko na ang inorder nya

"Naku maraming maraming salamat po." Malaki ang matitipid ko ngayong araw dahil sa inorder ni Ma'am. Busog ako sigurado hanggang gabi dahil spaghetti na may chicken, burger at may ice cream pa.

"Ay anu ka ba! Pagkain lang yan. Small things! Hahaha."

Nginitian ko na lamang si Ma'am Nikka.

"Alam mo kasi Mara, my daughter was born when I was 44 years old already. Imagine that?! Yung isang classmate ko nun, may apo na! Haha." Nakakagulat? Ibig sabihin ay lagpas 50 years old na sya.

"May 11 year gap ang bunso ko at ang sinundan nya. Only girl. Hindi na nga namin akalain na magkakaanak pa kami ng babae kaya naman we've given her everything. Ayan, ang resulta naging spoiled brat."

I am genuinely smiling at her. Kung magiging ina man ako balang araw, gusto ko maging kagaya ni Ma'am Nikka. Kita mo ang pagmamahal sa kislap ng kanyang mga mata.

"Hihilingin ko lang naman na bantayan mo ang anak ko while she's on camp. Jusko, 3 days din yun. She was our precious princess. Kung magpapasama kasi ako sa kanya ng katulong, magagalit sya."

"Naiintindihan ko po Ma'am." Nakangiti ako sa kanya

"Ano ka ba naman! H'wag mo ako tawaging Ma'am. Tita na lang, o di kaya'y Mommy. Ilang taon ka na ba Mara?"

"19 po."

"Mas bata ka pala sa mga anak kong lalaki! Hehe. College ka na?"

"Opo."

"Anong course mo?"

"B.S. Nursing po."

"Wow. Nakakatuwa naman. Alam mo, sa SGC Foundations kasi ako nagwowork, kapag nakagraduate ka, apply ka sa amin! In need kami ng nurse." Nakangiting anyaya ng mabait na ginang

"Salamat po Ma'am. Ay, maitanong ko lang po, sino po ba ang anak nyo?"

"Ay oo nga pala. Haha. Si Annikaeleen Mariya Siegfreid, Grade 2- Amethyst."

Inilabas nya ang kanyang cellphone at ipinakita ang isang batang napakaganda. Haii, kilala ko ang batang ito. Ito ang batang napakatipid ngumiti. Bata pa lang pero napakasungit na nya. Kaya naman pala sya ganun. Nahuli ko kasi ito one time na nauna na magrecess sa mga kaklase nya kahit nagkaklase pa yung teacher.

"Namumukhaan mo ba ang anak ko?"

"Opo Ma'am. Mabait po at---"

She cut me.

"Oh hija, believe me, kilalang kilala ko ang anak ko. Hindi mabait ang batang yan, maganda, Oo pero mabait? Oh No! 'Wag kang papalinlang sa maamo nyang mukha! Naku!! Lagi yang nagpapaiyak. Lagi nga akong nasa opisina ni Helen mula nung pumasok yan! Kahit mga Kuya nya di nya pinapatawad sa kalokohan nya."

Then Ma'am Nikka laughed. Tawa ng taong talagang masaya. I wonder, kelan kaya ako makakatawa ng kagaya sa kanya?

"I will pay your services Mara. Sa magiging istorbo at sabihin na nating magiging hirap mo sa anak ko. Okay na ba ang 10,000?"

Napasamid ako. 10,000?? Magbabantay lang ako ng bata!

"Ay, masyado pong malaki yun Ma'am. Igaya nyo na lang po sa rate ko kapag nasa school po ako." Wala ako kasing suswelduhin kapag hindi ako pumasok. No work no pay. Pati na rin sa fastfood kaya nakakahiya man, hihingi ako ng sweldo

"Ay hindi ako papayag. 10,000 Mara. Deserve mo naman yun. Tsaka, secret lang natin ha, mayaman yung asawa ko. Di nya mapapansin ang 10,000! hahaha." Nakakaloka si Ma'am Nikka

"Ay nakakahiya naman po Ma'am. Masyado pong malaki."

"Ang kulit ng batang ito oh. Basta 10,000 tapos bantayan mo ang anak ko. Pero Mara, 'wag ka papahalata na pinakiusapan kitang bantayan sya ha? Simplehan mo lang. Naku magwawala panigurado ang batang yun kapag nalaman nyang ibinilin ko sya sa iyo."

"Opo Ma'am. Ako na po ang bahala."

"Osige. Ay! Paano nga pala ang pag-aaral mo yung sa college? Gusto mo ako na kumausap sa Dean mo?"

"Foundation week naman po yun ng university Ma'am. Kaya okay lang po."

"Osige, babalikan na lang kita pag malapit na ang camp. Pero okay na usapan natin ha?"

"Opo Ma'am."

"Sige, ihahatid na ulit kita sa school."

"Ay Ma'am, wag na po! Maglalakad na lang po ako."

"Hala sya! Sabi ko, Tita na lang eh. Tsaka hindi, ihahatid na kita, maayos naman ang driving skills ko . Mejo may edad na nga ako hija, pero, malakas pa ako no. At maganda!"

"Ay tama, maganda po kayo Tita."

"Okay, magkakasundo tayo jan. Haha."

Inihatid ako ni Ma'am Nikka hanggang sa school. Umalis na rin sya at may meeting pa pala sya. Bukod sa kinain namin kanina, pinadalahan pa nya ako ng thank you food daw. Ipinagtake out nya pa ako ulit. Haii. Napakabait naman nya. Siguro mabait din ang mga anak nya.

UnlabeledWhere stories live. Discover now