4

2.5K 78 5
                                    

Tamara's POV

Hindi ko kinakaya ang ginagawa nitong si Trish. Hindi lang pala si Matti ang boyfriend nya. Last week ko lang nalaman ang nakakalokang fact na si Trish ay may iba pang boyfriend bukod sa ubod gwapo at napakabait na si Matti.

Hindi ko alam kung okay ba ang nangyayari kasi kapag nasa other boyfriend nya si Trish, ako ang nagiging sub nya para samahan si Matti. Nakokonsensya ako! Mabuting tao naman si Matti bakit kaya hindi na lang sya ang pagtuunan ng pansin ni Trish?! Haii.  Mukha ngang nagbago na sya at di na rin playboy. Haii

Minsan na kami nag-away ni Trish dahil sinabihan ko sya na si Matti na lang. Kaya lang kinabukasan, muntik na mawala ang scholarship ko dahil nagalit si Mayor. Bakit ko daw pinagsasalitaan ng hindi maganda ang anak nya?! Haii. Wala na tuloy ako nagawa.

Madalas akong napapagkamalang malandi kasi ako yung mukhang habol ng habol kay Matti. Ayaw ko naman sana kasi nga nahihiya ako kaya lang, kailangan para kay Trish, para makapag-aral ako. Para akong tanga na sunod ng sunod kay Matti. Madalas na halos ipilit ko ang sarili ko para samahan sya.

Maaaring gusto ko nga si Matti. May pagkamaloko rin ito at masarap kasama kaya lang, hindi ko gusto ang ginagawa ko. Masaya nga sanang kasama ko sya madalas kaya lang, hindi magandang tingnan na ako ang naghahabol sa kanya.

"Tamara, samahan mo si Matti bukas ng lunch ha! Aalis kami ni Ron!" sabi ni Trish habang ginagawa ko ang research paper nya

"Sorry Trish. Nasa camp ako ng mga bata mula bukas ng umaga hanggang sa Sunday." Paalam ko. Heto nga't minamadali ko na ang research paper nya eh.

"Hindi pwede! Baka mahuli ako ni Matti!! 'Wag kang sumama!" Dabog ni Trish na parang bata

Bakit kasi hindi na lang sya mamili sa dalawa? Kailangan ba talaga dalawa? Ano pa ba ang kulang kay Matti? Nakakainis na talaga si Trish! Kung may magagawa lang talaga ako! Dapat kasi talaga makuntento na sya.

"Sorry talaga Trish. Kailangan ko talagang umattend sa camp. Hayaan mo, babawi na lang ako pag-balik ko. Please?"

"Osige. Samahan mo si Matti buong foundation week ha! Wag mong padidikitin sa ibang babae. Bantayan mong mabuti't marami akong naririnig na umaaligid sa boyfriend ko!" Sa isip ko, umiirap ako.

"Wala ka buong foundation week?" tanong ko.

"Pupunta kami sa Palawan ni Ron. 'wag mo sabihin kay Matti ha. Papayagan kita sa camp na yan pero next week. As in buong week, samahan mo si Matti. Bantayan mong mabuti! wag mong hahayaang maagaw ng iba!"

With a heavy heart, I nodded. Ano pa nga ba? Nakakabaliw naman maging dukha! Para makapagtapos, kailangan kong magsakripisyo ng values at principles.

Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa school. Inayos ko ang mga kailangan kong dalahin. Natawa na lang ako sa dami ng bitbit ko. Kahapon kasi, naggrocery kami ni Ma'am-- I mean Tita Nikka para sa anak nya. Masyadong pampered ang batang yun base sa kwento ni Tita Nikka. Marami tuloy akong dala ngayon para sa pangangailangan ni Annika.

Nagpunta na rin akong clinic dahil kailangan din naming magdala ng first aid kit. Kahit na mas kumpleto ang binili ni Tita Nikka para sa anak nya.

Maaga pa at marami pang hinihintay para sa kiddie camp. Kasali dito ang mga bata mula Grade 1 hanggang Grade 4. Haii bagets pa talaga. May 16 delegates ang school ng St. Yves. Sa ibang lugar kasi gaganapin ito. Tapos 4 kaming bantay ng mga bata. 3 lang sila dapat, ako napasali lang dahil kay Annika.

Naabutan ko ang mag-anak na Seigfreid sa waiting lounge. Nakakalong ang batang si Annika sa kanyang Daddy habang sinusuklayan ni Tita Nikka. Napangiti ako sa nakita ko. Mukhang babasaging crystal si Annika sa pagkakahawak ng Daddy nya. Hindi ko naramdaman ang ganyan mula sa mga magulang ko. Bukod sa maagang nawala si Mama, hindi ko naman na nakilala ang aking ama.

Nung magsimula ng magassembly, pasimple akong tinawag ni Ma'am Nikka na agad ko namang tinabihan.

"Sweetheart, sya si Mara, sya ang mag-aalaga sa ating baby girl for three days. Mara, ito ang asawa kong si Jake Seigfreid."

"Hija, thank you in advance for accepting to take responsibility of my daughter. Please please take care of her well. She's our only princess so I fully entrust her to you. If I were just to decide on this, I won't let my baby girl join this camp."

"Sweetheart! Napag-usapan na natin to!"

"Anyway, heto nga pala. Para sa iyo yan." inabot sa akin ni Ma'am Nikka ang isang paper bag

Lumaki ang mata ko. Binibigyan nila ako ng cellphone? Mahal ito! Katulad ito ng cellphone ni Trish at Matti na may tatlong camera! Pati na rin yung ibang mayayaman sa school!

"Ay Sir, Ma'am. May cellphone naman po ako. Okay na po yun. H'wag na po yan." Sabi ko

"Anu ka ba hija, tanggapin mo na please. Isa pa kakailanganin natin ito. Alam mo kasi, hindi namin matitiis na hindi nakikita ang anak namin. Ipapakiusap ko sana na ivideo mo ang mga gagawin nya tapos isend mo sa amin. Sa gabi naman, pwede tayong magvideo call."

"Naku Ma'am, Sir, mahal po masyado ito. Pero sige po, hihiramin ko po muna. Ibabalik ko na lang po after ng camp."

"No need hija! Sa iyo na yan."

"Naku Ma'am, Sir---"

"Tingnan mo ang asawa ko. Mukhang mayaman diba? Okay lang yan. Madami syang ganyan. Niraraffle nga lang yan sa kumpanya nila. Tanggapin mo na, isipin mo na lang napanalunan mo sa raffle." tiningnan ko naman ang asawa ni Ma'am Nikka

Ma'am Nikka had her own way of making you say Yes to all her demand. Natatawa na lamang akong tinanggap ang cellphone.

Ilang reminders ang ibinilin ng principal sa mga batang delegate. Hanggang nagpaalamanan na. Si Sir Jake mukha talagang nalulungkot kabaligtaran ng anak nilang sobrang excited.

Nakarating kami sa school kung saan gaganapin ang camp, inassign kami sa isang classroom. At dahil may kasama akong prinsesa, talagang ininspect ko muna kung malinis. Aba! mahirap na. May dala nga pala akong Lysol kaya inisprayan ko ang buong classroom. Haha. Akala nila sa school galing, ang hindi nila alam, sa ina ng prinsesang makulit.

Bago mag-assembly sa labas, tinawag ko muna si Annika. Napakataas ng araw at walang bubong kung saan sila mag-aassembly. Nung una ayaw nyang lumapit sa akin kaya naman ako na lang ang lumapit sa kanya. Ayaw nya rin magpalagay ng sunscreen dahil bakit sya lang daw ang nagpapalagay ng ganoon. Kesyo daw dapat walang ganun sa camp. Aii nako, pasaway na prinsesa. Kaya ayun, lahat ng kasama sa camp nilagyan ko ng sunscreen, madami naman ito, kakasya naman siguro sa 4 days.

"Ano Baby girl, ayaw mo pa din magpalagay ng sunscreen? Gusto mo bang mamula yung balat mo tapos magka sunburn tapos magkakaroon ka ng wound? Tapos di na yun mawawala, papangit na yung skin mo." tanong ko

"Ayaw ko! Iwww." Maarteng sabi ni Annika

"Oh halika na, lalagyan na kita ng sunscreen lotion. Dapat kasi yung magagandang girls na gaya mo, iniingatan ang skin." Sabi ko

"Lalagyan mo po ba ako? Di ako marunong eh."

I nodded and smiled. She came near me at nilagyan ko sya ng sunscreen. Kaloka talaga si Ma'am Nikka, super prepared! May pagkachubby itong batang ito, pero infairness, talagang malambot ang balat. Naku! di talaga pwedeng galusan!

Habang nilalagyan ko sya ng sunscreen lotion, tinuturo ko sa kanya kung paano i-apply. Sabi ko, mamaya, maglagay sya ulit pero kako, sya na lang mag-isa. Mukha naman desidido talaga ang baby girl na itong maging independent kaya naman ginawa nya nga ang sinabi ko. After ng assembly at first two activities, naglagay sya ulit. Nakatago lang ako sa may likod ng pinto at nakangiting tinitingnan ang alaga ko.

Masyadong maraming pagmamahal ang nasa batang ito kaya sya pampered. Haii, sana ako rin, kahit maliit na bahagi lang ng pagkatao ko, makakuha ng pagmamahal. Maramdaman ko sana yun.

UnlabeledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon