24

2.5K 68 6
                                    

Mara

Sa mundong ito, kapag ka marami kang pera, mapapabilis mo ang ikot ng lahat. Gaya na lamang ng mga nangyari sa amin ni Matti.

Isang buwan mula nung lumabas ako sa ospital ay naikasal na kami ni Matti sa simbahan. Sabi ni Mommy, simple lamang daw ang magiging kasal pero parang hindi naman simple kung ako ang titingin.

Ang damit pangkasal ko ay napakaganda. Ang mga handa at pagkakaayos nung venue ay marangya. Nakapag pa pre-nup pa nga kami kahit ayaw ko na sana dahil dagdag gastos. The church, the venue and even the whole wedding seemed to be a dream to me. Never did I expect na maikakasal ako ng ganito.

Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari kay Matti but he have been a very good partner since he fetched me. Lagi syang kasama ko, lagi nya akong inaalala at never na nya ako sinisigawan gaya ng dati. He've been very gentle to me now. Lalo na at dito na rin kami nakatira sa bahay nila.

Actually, kakabalik lang namin ni Matti kahapon galing Macau na regalo nila Mama Carleen at Papa Raz para sa honeymoon namin. First time kong makakarating sa ibang bansa maging sa pagsakay sa eroplano. Naging masayang ala-ala ang pagpunta namin doon. Sobra kong na enjoy ang Hong Kong at Macau trip namin for one week. Siguro nga, itong baby ko na ito ang maituturing kong greatest blessing kasi mula nung dumating sya, naging maayos ang buhay ko at naranasan ko ang mga bagay na di ko inakalang mararanasan ko.

Graduating na si Matti this year. Last semester nya na for his college degree kaya lang sabi nya, magtutuloy daw sya ng law. Pero dahil nga, andito na kami ni Baby sa buhay nya, he needs to work hard while studying too. Well, nagsisimula naman na syang magwork sa SGC. His schedule were a bit lax now kasi 2 subjects na lang ang pinapasok nya.

Sa ngayon, ako ang napatigil sa pagtatrabaho. Pinagresign na ako ni Matti kasi hindi okay yung stress ng pagtatrabaho sa akin.

I was so amazed of the positive changes this baby has made him. Nung pinatigil nya akong magtrabaho, hindi nya ako inutusan. He pleaded and he promised he will provide for me and the baby. And true to his words, ginagawa nya because all the money we had from the wedding even his salary, nasa akin. Kaya heto, andito lang ako sa bahay, hinihintay ang pag-uwi nilang lahat.

Napahilig ako sa pagluluto. Ate Liza teaches me how to cook. Magaling magluto si Ate Liza kasi pinag-aral pala ni Mommy na magbake at magluto.

"Ayan, luto na."

I smiled. Nagluto kami ng baked salmon kasi paborito daw ito ni Mommy.

"Masarap po kaya ito Ate Liza?"

Ate Liza take a bite.

"Oo, magugustuhan yan ni Ate Nikka."

I smiled again.

"Bukas, yung paborito ng asawa mo ang lulutuin natin."

"Ano pong paborito nya?"

"Kahit ano basta manok. Staple sa bahay na ito ang fried chicken once a week dahil kay Matti. Mamimili ako bukas, maghahanap ako ng manok na tagalog at magtitinola tayo."

"That sounds great Ate Liza pero aalis kami ng asawa ko bukas." Matti

"Huh? Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Matti

"Enrollement na bukas. Kailangan na natin mag-enroll."

"Isasama mo pa ako sa pageenroll mo?"

"Bakit gusto mo ba ako na lang mag-enroll para sa'yo? Mageenroll na tayong dalawa."

"Papasok pa din ako?"

"Oo naman. Kailangan mo nga lamang mag-report ng change status para kahit lumabas sa medical na buntis ka, okay pa din ikaw to continue studying."

"Ibig sabihin?"

"Yes, kailangang sabihin natin sa Student affairs na kasal na tayo."

"Pwede bang hindi malaman ng lahat?"

"Ikinakahiya mo ba ako?"

"Matti! Hindi syempre, pero ayaw kong maraming makaalam. Ayoko ng issue Matti, kasi hanggang ngayon, hindi pa rin nakakalimutan ng buong school ang nangyari sa amin ni Trish."

Matti hugged me.

"Sige, pero pumasok ka ha? Kailangan natin makapagtapos. Para kay baby."

I nodded.

"Huwag ka na matakot kay Trish. I will be always here. I won't let you be harmed."

I smiled and hugged him back.

So the next day, kasama ako ni Matti na nag-enroll. We first went to the Dean of Student Affairs to submit our marriage contract. The Dean accepted the copy and made us sign some papers. I decided to keep my maiden name. Masyadong makaka-agaw pansin kung papalitan ko ang apelyido ko. Masyado pa naman syang sikat. He used to be one of the best varsity players.

"Love dito ka muna, hintayin mo na lang ako dito. Ako na lang magbabayad sa cashier."

Ang alam ko lang bumait si Matti, hindi nya ako instant na minahal. Pero sa pinapakita nya, bakit parang mahal nya ako?

"So nanalo ka na nyan?"

Napatayo ako. Ayoko ng gulo. Ayokong lumapit kay Trish.

"Trish."

"Anong pakiramdam ng nakaagaw ng boyfriend?"

"Trish, please."

"Anong ginawa mo para maakit mo si Matti at iwan ako?"

"Trish."

Kaya ko sanang labanan si Trish pero hindi ngayon. Hindi sa pagkakataong mas malaki ang mawawala sa akin. Lumulubog na ang mga kuko ni Trish sa braso ko at wala akong ibang magawa kundi siguraduhing hindi matatamaan ang tyan ko.

"Hindi ka makasagot? Ahas ka!"

Buong lakas ako sinampal ni Trish. Matti pushed Trisha and hugged me tight.

"Ano na namang ginagawa mo ha Trisha?!"

"Oh, so talaga palang pinagpalit mo na ako sa basahang yan? Matti, mukhang nawala na ang standard mo sa babae ah?"

I hide behind Matti.

"Tumigil ka na Trisha! Wag mo na lalapitan si Mara."

"Akala mo ba matatakot mo ako Matti?"

"Akala mo ba tinatakot kita Trisha?"

"Well, pasasaan ba't magbebreak din kayo. She's coming back Matti. She'll be here real soon. Sabagay, hindi naman mahahalata dahil they sound so similar, Mara-Kara, see? sounds the same."

"Good luck Ex-Friend! I hope to see you crying soon."

"Halika na Love. Huwag mo nang pansinin. Umuwi na tayo. Nasaktan ka ba?"

I shook my head.

"Sorry Love, ang haba ng pila sa cashier. Sorry iniwan kita."

Nasa kotse na kami pero yung kabog ng puso ko, hindi ko pa rin mapigil.

"Love. Okay ka lang ba?"

"Natatakot ako kay Trish, natatakot akong baka may gawain sya sa akin at sa baby natin."

"Wala syang gagawin Mara. Andito ako. Hindi ko kayo pababayaan ng baby natin."

With his words, I felt so assured. Sana talaga hindi na ako lapitan ni Trish.


Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.
UnlabeledUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum