29

2.6K 88 12
                                    

Kakagigil yung last chapter no? Oo, naiintindihan ko kaya eto, Surprise! surprise!Enjoy reading!

Mara

"Mara, sasama ka ba sa company outing?"

"Naku, hindi ako makakasama kasi may school presentation kami."

"Nagschool na?"

"Oo! Aliw na aliw nga kahit saling pusa lang naman sya sa daycare."

"Kaya naman pala hindi mo na lagi buntot dito."

"Oo, mabuti nga yun. Kaya lang lalong dumaldal."

"Edi andami na naman nung kwento kapag dinala mo dito?"

"Oo! Kaya humanda kayo kapag sumama dito."

Almost 3 years ago, I give birth to a healthy baby girl. Hindi totoong nakunan ako. Yung doctor sa ospital, auntie ni Kara at pinalabas nilang nakunan ako para iwan na ako ni Matti. Na agad naman nyang pinaniwalaan. Tama naman sila eh, yung baby ang dahilan kung bakit nagstay sa akin si Matti kaya nga nung malaman nya ang pagkawala ng baby, maluwag nyang tinanggap ang lahat.

Flashback

4 years ago.

After 2 days of being in the hospital, someone I don't want to see came to disturb me as I mourn.

"Oh umiiyak ka pa rin?"

Tumayo ako't pinagsasampal si Kara. Kung noon natatakot akong lumaban, hindi na ngayong wala nang mawawala pa sa akin.

"Chill! Ano ba?!"

Walang tigil ko syang sinampal at sinabutan hanggang may naglayo sa akin mula kay Kara. Yung doctor na nagsabing nakunan ako.

"Tamara, you need to calm down. Yung baby mo."

I stopped. Ano bang sinasabi nito?

"Pinalabas lang namin na nakunan ka. Heto, PT, magtest ka, hindi tampered yan para maniwala ka."

"Bakit?!"

"Para kay Matti. Hindi naman ako mamamatay tao Mara, ang gusto ko lang lumayo ka na. Hindi ka mahal ni Matti. Hindi ka nya mamahalin pero titigil sya sa tabi mo dahil sa bata."

"Ang sama mo!!"

"Yes, at mas sasama pa ako kung hindi mo gagawain ang gusto ko. Kung mananatiling matigas ang ulo mo, baka totohanin ko na lang."

I cried. Everyone have been so heartbroken nung akala namin ay wala na ang anak namin ni Matti. Even Annika and Mommy who are in Germany. Sabi pa nga ni Akim, Mommy's crying nonstop too.

"Alam mo, chance mo na ding malaman kung paano kayo ni Matti kapag wala kayong anak. Hahayaan kitang sumama sa kanya pauwi ulit. Tingnan natin if he would even care for you."

Flashback ends.

"Mommy!!!"

"Kaela!"

"Mommy, nisulat ni teacher sa notebook ko bring yung famiree pishyur. Mommy ano yun?

"Ah, family picture anak, picture natin yung dalawa baby."

"Bakit sabi nila may Daddy dapat?"

"Hindi naman. Yung iba, dalawa lang talaga. Kagaya natin."

"Ganun? Wala ba ako Daddy, Mommy?"

"Meron."

"Saan sya?"

"Malayo."

"Bakit?"

"Ang kulit naman talaga ng anak ko."

UnlabeledWhere stories live. Discover now