23

2.6K 86 11
                                    

Mara

I woke up a little better than what I expected. Nakaupo si Matti sa upuan malapit sa kama ko.

"Okay na ang pakiramdam mo?"

He asked and I nodded.

"Sabi ng doctor, kailangan mo daw maadmit kasi nastress ka at yung baby natin. Mahina daw yung kapit ng baby kaya kailangan munang dito ka sa ospital."

Napatitig ako kay Matti. Hinahanap ko kung ano ang mali. Why did he look so soft now?

He sighed. I saw traces of wound on his face. Ano kayang nangyari sa kanya? Is he hurt?

"Mara, I am sorry. I am really really sorry. Nabigla lang ako. That's not my intention. Sorry."

"Maniwala ka man o hindi Matti, ang gusto ko lang ay malaman mong buntis ako. I honestly expected that you're not going to accept us. Kaya lang, mas hindi ko inexpect yung gusto mong mawala yung anak ko."

"Sorry."

"Sorry din. Hindi ko na pala dapat pang pinaalam sa'yo. Sana tahimik na lang akong lumayo. Tahimik rin sana ang buhay mo."

"Mara, I am so sorry. Please forgive me."

I sighed.

"Pinapatawad na kita kasi tama ka naman, ako ang may kasalanan. Hayaan mo, kapag pwede na ako lumabas, lalayo na ako. Hindi mo na kami makikita kahit kailan."

"Mara, huwag, hindi. Please, huwag mong gagawin yun."

"Huh?"

"Gusto kong makasama ka at yung anak natin. Gusto ko na dalawa tayong magpapalaki sa kanya. Gusto ko na magkasama tayo habang lumalaki sya."

Natigilan ako. Nananaginip ata ako. Matti held my hands.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"

Nag-aalala si Matti sa akin? I shook my head.

"Iaakyat ka na rin maya maya lang sa kwarto. Gusto daw ni Mommy na magkasama kayo sa kwarto."

"Magkasama sa kwarto?"

Matti nodded.

"Nakaadmit din si Mommy dito."

"Pero kanina."

"Alam mo naman yung Mommy ko. Bumaba sya nung malaman nyang andito ka, pero kailangan na syang ibalik sa kwarto kasi bawal din syang mastress."

"Anong nangyari?"

"Wag mo na intindihin yun. Every once in a while, Mommy gets sick."

Ibang Matti ang kasama ko ngayon. Natatakot akong baka ngayon lang to, ngayong nasa ospital ako. Oh baka mamaya may gawin syang masama.

"Sandali lang ha? Aayusin ko muna yung pag-admit mo dito. Babalikan kita."

Hindi pumayag yung doctors na magsama kami ni Tita Nikka ng kwarto kasi dun ako nilagay sa Maternity and Birthing Unit habang nasa VIP suite naman si Tita.

Matti's with me hanggang maiakyat ako sa kwarto.

"Mara, di ka na babalik sa bahay nyo ha."

"Ha?"

"I didn't know what to do while your aunt is hurting you. Pinigilan ko lang ang sarili ko pero gusto ko din syang saktan."

"Huwag na Matti. Hindi naman na talaga ako babalik doon, kahit akin naman talaga yung bahay na yun. Tsaka isa pa, sinaktan mo din naman ako."

"Alam ko, at pinagsisisihan ko yun. Patawarin mo ako. Hinding hindi ko na yun uulitin."

"Pinapatawad na kita."

UnlabeledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon