28.5

2.6K 78 17
                                    

Uulitin ko po, wag po naman tayong magalit kay Matti, baka sa huli, iyakan nyo rin sya. Haha! Kapit lang mga kapatid, kapit lang!

Matti

Mabilis akong pumunta sa ospital kung nasaan si Mara. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ng maayos. Hindi ko alam kung anong problema nya dahil iniiwasan nya ako. Tapos ngayon tumawag ang ospital dahil na andito daw si Mara.

I saw her crying at the leftmost bed in the emergency room.

"Love."

Hindi nya pa rin ako pinapansin at iyak sya ng iyak.

"Love, Mara, anong nangyari?"

Mara just cries with both her hands on her face.

"Sir? Kayo po ba ang guardian?"

"Yes po, ako po ang asawa."

"Sir, kausapin nyo po si Doctora, andoon po sya."

Ayaw ko sanang iwanan si Mara pero kailangan ko sigurong kausapin ang doctor.

"Doc, ako po ang asawa ni Tamara Seigfreid."

"Upo po kayo Sir."

"Ano pong nangyari?"

"I regret to tell you that your wife lost the baby."

Hindi ko alam ang gagawin ko sa narinig kong balita. Hindi ako makahinga. Tumayo ako bigla at sinilip ang asawa kong iyak ng iyak.

Bigla na ring nagsikip ang dibdib ko.

Kaya ba sya umiiyak? Paanong nangyari na nawala ang anak namin? Kasalanan ko ba?

May mga sinasabi pa ang doctor pero di ito pumapasok sa tenga ko.

"I'm sorry Sir. Sige po, lapitan mo na lamang po ulit ako mamaya. Your wife needs you now."

I hugged Mara because she's still crying. She won't stop crying. Wala pa rin syang sinasabi. Wala syang kahit anong salita. Iyak lamang sya ng iyak.

She just stopped crying when she fainted. Hinayaan ko na muna sya para kahit papaano ay makapahinga sya.

Kinalma ko ang sarili ko, pinilit kong kalmahin ang sarili ko para magawa ko ang dapat gawain. Pero gusto ko ring umiyak. Pwede naman siguro hindi ba? Pwede ko rin naman sigurong ipagluksa ang pagkawala ng anak ko.

When Mara was sent to a private room, she was given a shot for her to sleep and calm down kasi mastress lang ulit sya at iiyak lamang ng iiyak.

The doctor followed us on Mara's room.

"Doc, Ano po ba ang nangyari?"

"She lost the baby. I have seen a lot of wounds on her face and arms. May mga sugat sya galing sa mga kalmot ng kuko. She might have been in a catfight kaya bumigay yung baby. Hindi kasi makapit ang baby nyo. I believe alam nyo naman po ito prior to this incident."

"Sino po ang nagdala sa kanya dito?"

"Yung school infirmary nyo po. May nakakita daw po sa kanya na nakahandusay sa student lounge."

I sighed.

"She needs to stay for couple of days here."

I nodded and signed whatever is needed. Nakatititig na lamang ako sa natutulog kong asawa. Tahimik akong umiiyak habang kita ko ang patuloy na pagluha nya hanggang sa pagtulog.

I let her mourn while I mourn myself too. Paano ko ngayon sasabihin sa magulang ko ang nangyari? Paano kami? Anong mangyayari sa aming dalawa?

Ano kayang nangyari at nawala sa amin ang baby namin?

She was admitted in the hospital for two days. Dun sa dalawang araw na yun, walang ibang ginawa si Mara kindi ang umiyak ng umiyak. I wanted so much to talk to her, I wanted so much to say sorry for something even I don't know what it is. But she rejects me everytime. At tinatanggap ko na lang lahat.

When Kara knew what happened, she visited my wife but my wife slapped her. Hindi ko napigilan ang sarili ko, I got mad and had to keep Kara away from Mara. I know how hard it is for her, pero ako din naman, nawalan, umiiyak din. I just don't get why is Mara so mad at Kara gayong wala namang ginagawa si Kara na masama.

She's here to console, to be our friend. Even it's painful on her part, she even accepted the fact that I married someone else. She even helped me with another job. Kaya hiyang hiya ako kay Kara.

Days passed. Nakauwi kami sa bahay namin pero hindi na masaya ang bahay. Isa pa ay nananatiling problema ko pa rin kung paano ko sasabihin sa pamilya ko ang nangyari.

Mara changed abrubptly. She was cold and unhappy. She even do not entertain any calls. She kept her phone with empty battery. Sa ilang araw na yun, binabantayan ko lang sya dahil natatakot ako sa pwede nyang gawain.

I was having a concall meeting when I got surprised seeing her dressed. I get out of the meeting right away at nagmamadaling pinigilan sya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya

"Maghahanap ng trabaho."

"Love hindi mo kailangang magtrabaho."

"Bitawan mo ako Matteo, maghahanap ako ng trabaho."

"Mara, kailangan mong magpahinga, hindi magtrabaho."

"Hindi ko kailangang magpahinga."

I sighed.

"Mara, please, hindi ka pa pwedeng magtrabaho."

"Kailangan kong magtrabaho."

"Wala pang isang linggo Mara!"

"Eh ano naman??"

"Mara naman! Baka mapaano ka."

"Concern ka ba sa akin? Bakit? Diba naniniwala ka naman na wala na ang anak mo, itigil mo na yang kunwaring concern mo."

"Mara."

"Minsan ba Matti, minahal mo man lang ba ako, ay hindi, minsan ba, ginusto mo man lang bang mahalin ako hindi dahil napipilitan ka?"

"Mara ano na naman yan?!"

"Kung may pagpipilian ka ba, pakakasalan mo pa rin ako?"

I sighed. Ganito si Mara dala ng pagkawala ng anak namin. Kailangan ko sana syang intindihin pero sobra na rin sya. Hindi lang naman sya ang nawalan at hindi lang naman sya ang nahihirapan.

Bakit ba parang lahat ng nangyayari pagkakamali ko na lang?!! Hindi ba pwedeng ako rin malungkot? Nasasaktan??

I know how hard it is to her but did she know how hard it is for me? I want to cry too. I want to mourn even for one day. Kahit isang araw lang pero hindi ko magawa. Hindi pwede dahil kailangan kong magtrabaho para sa amin. Hindi pwede kasi kailangan kong maging malakas. Hindi pwede kasi kailangan kong maging mabuting asawa nya. Pero pagod na rin ako. Nagkamali ako oo, pero hindi ba sumapat ang lahat ng sakripisyo ko?

I frustratedly sighed.

"Mara."

"Masaya ka? Wala na ang anak na ipinagpilitang tanggapin mo?"

I washed my face with my hands. I am so frustrated. Do I even look happy to her??

"Alam mo, mabuti na rin siguro yung nawala ang anak natin. Kung ganitong pareho pa tayong hindi handa."

She slapped me.

"Kung ako, mabibigyan ulit ng pagkakataon, hinding hindi ko hihilingin na ikaw ang magiging ama ng anak ko."

Ngayon ramdam na ramdam ko ang bawat sakit ng pag-iyak ni Mara. Dahil kahit ako nasasaktan na rin.

"Maghiwalay na tayo Matti."

I just sighed. Maybe I need to let her for awhile? Kailangan kong kausapin muna sila Mommy at Daddy, sinabi ko na kasi sa kanila kanina at pinapatawag nila ako kanina pa.

UnlabeledWhere stories live. Discover now