9

2.2K 78 3
                                    

Tamara's POV

At natapos na naman ang maghapon na tagumpay ang pagtatago ko kay Matti at Trish. Hindi nga lamang ako nakalusot kay Juancho kasi nakita nya kung saan ako nakatambay kanina habang naghihintay ng next class.

"Hi Tamara!"

"Juancho?"

"Oh, wag kang umalis!"

"Ano kasi."

"Promise, di ko kasama si Matti o si Trish."

I settled back.

"May problema ba kayo?"

"Wala."

"Wow, di ka man lang muna nag-isip no?"

"Juancho, wala talaga."

I sighed.

"Gusto mo si Matti?"

Tiningnan ko si Juancho. I have to deny it right?

"Hindi."

"Impossible Tamara."

"Hindi. Hindi yun impossible, magkaibigan lang kami."

Juancho laughed. "Goodluck with that."

Binigyan ako ni Juancho ng pagkain.

"Ano 'to?"

"Utos yan ni Matti. Hindi ka daw kasi nya nakikita kaya sabi nya, tutal ako, madalas kita makita, ako magbigay nyan sa'yo. Kahapon din may pinabibigay sya kaya lang di kita nakita maghapon eh."

"Wala ako kahapon."

"I figured that out."

"Salamat."

He sighed.

"Ang totoo di ko kayo gets dalawa. Iwas ka ng iwas, hanap sya ng hanap. Hindi naman kayo, pareho nyong sabi, magkaibigan lang kayo. Haii. Nagugulo ako."

"Salamat dito Juancho, papasok na ako."

Juancho nodded.

Magkaibigan kami ni Matti at hanggang dun na lamang yun kung gusto ko ng payapang buhay. Kung gusto ko man sya, mamatay akong ako na lamang ang may alam.

"Ate!!!" Annika squealed upon seeing me

Absent kasi ako kahapon. Death anniversary ni Mama. Syempre, naglaan ako ng isang araw para naman makasama ko sya. Sobrang dalang na kasi ng pagdalaw ko sa kanya eh. Haii

"Hi Baby! Namiss kita!" Sabi ko as I hug her

"You're not here yesterday! You are madaya!"

"Sorry Baby. May pinuntahan kasi ako kahapon eh."

"Okay. Let's wait for Mommy! Kasi may sasabihin sa'yo si Mommy!!"

Ang cute talaga nitong batang ito. Sa unang tingin napaka among tingnan ng batang ito, pero nako!

Annika and I were busy coloring her book when Ma'am Nikka came in.

"Mommy!!!" sigaw ni Annika

"Baby!!!" Ma'am Nikka hugged Annika

"Andito si Ate, Mommy! bigay mo na."

"Baby, mauna ka na sa car, andun si Dad niwawait ka kasi magfifit tayo ng gown mo!" Ma'am Nikka said tapos may ibinulong sa kanya ang bata

"Mara, sorry ha, gusto ko lang talagang itanong, girlfriend ka nga ba ng anak kong si Matteo?" tanong ni Ma'am Nikka

"Ahmn. Ma'am ano po, ahmn, ma'am." Paano ko bang sasabihin ang totoo?!

"Ma'am naku, sorry po Ma'am. Hindi po ako girlfriend ng anak nyo Ma'am. Nasabi lang po yun ni Matti kasi gusto nya dalawin si Annika sa camp na hindi nagagalit ang bunso nyo. Tapos Ma'am, di ko na po nabawi. Sorry po. Sorry po talaga. Ma'am, kaibigan ko po ang totoong girlfriend ni Matti. Sorry po Ma'am. Ayoko po magsinungaling Ma'am. Sorry po talaga. Tsaka hindi naman po ako magugustuhan talaga ng anak nyo Ma'am, sorry po talaga."

"Hija, huminga ka."

"Po?"

"Ako nga ang dapat nagsosorry sayo. Naku talaga tong mga anak ko. Pinahamak ka pa ni Matteo kay Annika. Naku, magulo ito kapag nalaman ni Annika."

"Naku Sorry po talaga Ma'am. Sorry--"

"Ano ka ba naman hija, anak ko ang may kasalanan dito. Kaya hayaan mo syang isolve ito. Anyway, heto ang invitation para sa birthday ni Annika. Sya mismo ang nagsulat ng pangalan mo jan. Sana makapunta ka. Itext mo ako kung saan kita pwedeng ipasundo ha? Aasahan ni Annika ang pagdating mo."

"Salamat po Ma'am. Susubu--"

"Please come Mara. You're her favorite person. And I am so sure that she'll be very happy when you come."

"Sige po Ma'am."

Hindi na ako nakasagot pa kay Ma'am Nikka. Naramdaman ko na lang na dumampi ang pisngi nya sa pisngi ko.

Isang kulay pink na may mabangong papel ang imbitasyon ni Annika. Nakakatuwa naman dahil alam kong sulat kamay nya ang nakalagay sa harap nito. "Ate Mara ko" yan ang nakasulat sa sobre na sya namang nagpasayang maigi sa puso ko. Haii naku Annika, sana mapatawad mo ako kapag sinabi na namin sa'yo ang totoo.

Unlabeledजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें