18

2.3K 66 8
                                    

Mara

"Bakit ako ang isasama mo Matti?"

"Kung nag-iisip ka, maaalala mong nagwawala si Annika kapag iba ang kasama ko. As much as I want to bring other girls, my sister won't be so happy so as my mother."

"Okay" sabi ko at nanahimik na ako

Matti is improving a little, kahit lagi akala mo nagmemenopause, but he's getting a little better each day. Di nga lang lagi pinapahalata kasi feeling ata nya nababawasan ang kagwapuhan nya tuwing babait ka.

Kasalukuyan naming binabagtas ang daan pa-Tagaytay. At halos mabali na ang leeg ko dahil sa bintana lamang ako nakatingin buong byahe. Buong akala ko'y makakapaglaba ako ngayong araw.

Biglang tumigil si Matti sa isang, ano ba ito, open air na mall? Basta isang malaking lugar na mukhang mamahalin.

"Hintayin mo ako jan."

Nanahimik na lamang ako at hinintay sya.

Inihagis nya sa akin ang dalawang paper bag.

"Andoon ang CR, magpalit ka ng damit."

"Ha?"

"Bilisan mo na! Late na late na tayo!"

Bukod sa pakinggan ang mga sinasabi nya, ang isa pang kailangan kong gawin ay sumunod sa mga gusto nyang gawain ng walang tanong. At nang mabawasan na rin ang pagkahighblood nya.

Isang long sleeve at cardigan ang laman ng isang bag at isang pantalon naman sa kabila. Masyado sigurong pangit sa paningin nya ang suot kong t-shirt at leggings. Eh kasi naman, hindi ako nakapaghanda, bigla na lamang syang tumawag kanina at inorasan ako para makalabas agad sa bahay.

"We're here." Matti said and left me inside the car

Kailangan ko nang sumunod agad kundi, magagalit na naman si Lolo. Pagkabukas ko ng pinto, napasinghap ako sa lamig ng simoy ng hangin dito. Woooo. Malamig pala dito.

First time ko kasing makapunta dito. Kaya siguro ako pinagtawanan ni Matti kanina. Pero pasalamat na lang talaga ako at binilhan nya ako nang damit kundi, naninigas na siguro ako sa lamig ngayon.

Sumunod ako sa kanya. Napakaganda pala nang lugar na ito.

"Hi Ateeee!!!!" bati ng quads na nasa bungad

"Hello sa paborito kong quads." ngiti kong bati sa kanila

Dahil sa pagbati ko sa apat, tuluyan na akong iniwan ni Matti.

"Ang ganda naman dito! Sa pamilya nyo ba ito?" tanong ko sa apat

Hindi naman nakakapagtakang may magagandang bahay ang mga Seigfreid.

"Ay hindi Ate! Yung bahay sa gitna ang kay Mommy. Itong una, kay Ninang Zea, tapos yung dulo kay Ninang Elle."

Ninang nila? Mga kapatid ni Tita Nikka?

"Bestfriends silang tatlo Ate! Ang galing no?! Haha."

"Bestfriends ni Tita Nikka?"

"Oo Ate, bestfriends sila ever since daw. Wala pa daw silang asawa, bestfriends na sila. Tapos Ate, si Ninang Elle, may poging anak! Si Pj!!!!"

"Kuya Pj Ysme!"

"Fine. Ikaw din naman, hindi ka tumatawag ng Kuya kay Krayton!"

"Mahiya nga kayong dalawa kay Ate Tamara. Ate, dumirecho ka na po duon. Baka po hinihintay ka na nila."

"Sasamahan ko na si Ate. Jan na kayo mga pangit!"

"Teka, ano bang meron?"

"Anniversary po nila Mommy at Daddy."

UnlabeledWhere stories live. Discover now