Chapter 10

174 15 0
                                    

I was sleeping peacefully but my alarm woke me up

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I was sleeping peacefully but my alarm woke me up. Kinapa ko ang side table at hinanap dun ang cellphone ko na natunog ng pagkalakas-lakas.

Ugh, bakit ba kasi ako nag-alarm ng ganito kaaga. Ang sarap-sarap na ng tulog ko tapos mapuputol pa.

Tiningnan ko ang alarm name na nilagay ko sakaling maalala ko kung bakit ganito kaaga kong ginigising ang sarili ko.

Magkikita kayo ng masungit na Gavin, gising na!

What the? Ako naglagay niyan? Geez.

Wait, anong oras na ba talaga?

Grabe, 12 PM na? Akala ko maaga pa. Hapon na nga pero 3 PM pa naman kami magkikita ni Gavin.

Oo nga pala, hindi na kami magkikita ng 5 kasi nalaman niya na wala naman akong pasok ngayon kaya inagahan niya at ginawang 3.

Tumayo na ako at sinuot ang dolphin slippers ko. Puro fluffy slippers ang sinusuot ko kapag nasa loob ng bahay kasi comfortable sa paa, I have a whole collection of fluffy slippers.

Kinuha ko ang toothbrush ko from the toothbrush holder at naglagay ng toothpaste.

Colgate should sponsor me, I've been using their products my whole life!

Habang naghahanap ako ng masusuot ay may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Pasok!"

Pagkabukas ng pinto ay nakita ko ang isang maid ko.

"Ma'am, may naghihintay po sainyong lalaki sa baba."

"Sino? Anong pangalan?"

Tanong ko habang namimili parin ng damit.

"Gavin daw po ang pangalan niya. Paalisin ko po ba o hayaan ko pong maghintay siya sa sala?"

Natigilan ako ng saglit at ng ma-proseso na ng utak ko ang sinabi ng maid ko ay hinarap ko siya at sinabing,

"Sabihin mo nalang na maghintay siya sa baba. Paupuin niyo at tanungin niyo kung anong gustong inumin. Paki-sabing susunod ako sayo, may gagawin lang ako saglit."

Tumango lang siya at dahang-dahang sinara ang pinto ng kwarto ko. Narinig ko na ang mga hakbang niya palayo kaya humarap na ako sa salamin at tiningnan kung ok lang ba ang itsura ng mukha ko.

Walang tuyong laway, walang muta, nakapag-hilamos na rin ako. Pwede na siguro akong bumaba netoh kahit naka-pajamas lang ako.

Bumaba na ako at nasa hagdanan palang ako ay nakita ko ng naka-upo si Gavin sa mahabang sofa na binili ko lang last year habang may hawak siyang baso na may lamang... wine?

Tumuloy na ako sa pagbaba at ng malapit na ako sakanya ay dun lang niya napansin ang presensya ko.

Tiningnan ko ang hawak niya at hindi nga ako nagkamali. Wine nga ang iniinom niya.

Overdose on Love | ✔ Where stories live. Discover now