Chapter 33

82 7 0
                                    

"Ano, ok ka na?" Tanong ni Crisel pagkababa ko nang hagdan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ano, ok ka na?" Tanong ni Crisel pagkababa ko nang hagdan.

Hindi ako sumagot at naglakad patungo sakanya habang hawak-hawak parin ang ulo ko.

Shit, ngayon lang ako nalasing nang ganito kalala! Ano ba kasing nangyari kagabi?

"Oh etoh, ubusin mo yan para mahimasmasan ka kahit papaano." Sabi niya sabay abot ng isang baso ng tubig sakin na halos pinuin na niya ng yelo.

"Buntis ata ako, manager!" Biro ko pa nang maramdaman kong parang pinipihit ang tiyan ko at unti nalang ay masusuka na ako kaya tumapat na ako sa lababo nang hindi pa naiiinom ang binigay niya.

"Asa ka naman. Kailan ka nga ulit nakipag-sex? Ah, four years ago. Sino nga ulit yung una at huli mo? Ah, si Gavin nga pala."

Tiningnan ko lang siya ng masama habang nakasandal ang dalawa kong kamay sa sink, supporting my weight. Okay lang naman ang magbiro pero mentioning his name is not.

You know what, because of how drunk I was last night, I thought I saw him! Crazy, right? But I'm sure it's just an hallucination or a scene that my imagination made because of the not so healthy beverage flowing with my blood.

I sat down infront of her and saw avocado toasts with some sunnyside up eggs on top of them on my plate. Beside the glass of water was a fresh made soup, it still looks hot so I took a sip of it and burned my tongue.

Confirmed, it is hot!

I hurriedly brought the glass of water near my lips and drank out of it like my life depended on it. I was panting still but my tongue wasn't on fire anymore.

"Sige, tangahan mo pa, ah? Nakitang nausok pa eh kaya malamang, mainit pa." Bago ko pa barahin pabalik si Crisel ay narinig kong tumunog ang cellphone niya. Aburido siyang tiningnan yun at sa hindi ko alam na dahilan ay ngumiti siya pero mukhang ayaw niya ito ipahalata dahil tinakpan pa niya ang bibig niya gamit ang kamay niya.

"I need to go." She said while looking up at me, she was still trying to hide her smile.

Kahit nagtataka ay tumango nalang ako. Wala na akong oras para tanungin pa siya dahil nagsimula na naman sumakit ang ulo ko.

Bago siya tuluyang lumabas ay may inabot pa siya sakin na gamot para sa hangover ko. Pagka-alis niya ay nagsimula na akong kumain. Pagkatapos ay ininom ko na ang binigay niya at kahit papaano naman ay nakatulong ito.

Balak ko sanang bumalik sa kwarto ko at itulog nalang ang nararamdaman kong pagod pero biglang nagyaya si Coll ng 'date' daw kuno dahil wala daw masyadong tao sa ospital ngayon.

Pumayag nalang ako kahit medyo labag sa kalooban ko dahil hindi na kami nakapag-usap kahapon kahit magkalapit lang naman kami.

Nagbihis ako ng simple lang para hindi maka-attract nang masyadong atensyon at sinabihan ko rin siyang ganun ang gawin.

Overdose on Love | ✔ Where stories live. Discover now