Chapter 34

93 7 3
                                    

"How about let's go ice skating?" Naka-isip na naman siya ng suggestion habang tahimik kaming nakatingin sa isa't-isa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"How about let's go ice skating?" Naka-isip na naman siya ng suggestion habang tahimik kaming nakatingin sa isa't-isa.

Dalawa nalang kami dito dahil pagkatapos kumain ay umalis na sina Amber at Coll kahit mukhang pilit na pilit sila.

Well, pinilit lang naman talaga sila ni Gavin kaya ayun, magbo-bowling nalang daw sila.

"Hindi ako marunong." It wasn't like I was contradicting him on purpose, I just really didn't know how to ice skate. Baka magkadulas-dulas lang ako dun at mapahiya ko pa ang sarili ko.

"That's ok. Pwede ka namang humawak nalang sakin, I'll guide you hanggang sa matuto ka na."

Tutal ay naiinip na rin ako kaya pumayag nalang ako. Pero nakatatak na sa isip ko na hindi ako hahawak sakanya katulad nang gusto niya. Sana matupad ko nga yun kung sakali.

Tumayo na ako at hiningi ang bill namin pero sabi lang ay bayad na daw. Nagtaka pa nga ako pero nang maalala na umalis si Gavin mula sa pagka-kaupo niya kanina ay hindi na ako nagdalawang-isip isipin na siya ang nagbayad, lalo nang nakangisi pa siya sakin.

"Let's go, ba- I mean Estella." Pilyong biro pa niya habang nakalahad ang kamay sa harapan ko.

"You didn't change at all, a gentleman since the start." Sakay ko nalang sa pinaggaga-gawa niya at pinatong pa ang kamay ko sa nakalahad na palad niya.

I know he's my ex but since we're alone for the mean time, I'll try to be more carefree with him. I'll act like myself since he's been together with that kind of Estella Fernandez for 3 years of his life. I just hope he won't take it differently.

"Paano ba 'toh?" Nagtanong na ako sakanya nang hindi ko talaga masuot ang sapatos pang-skating ng tama. Inabot na ako ng 5 minutes sa kakasuot ng putang sapatos na 'toh.

"Here, let me help you out." As he said, lumapit na nga sakin at lumuhod sa harap ko.

I felt awkward nang pagtinginan kami ng mga tao dahil sa ginagawa niya, kaya habang inaayos ng mga kamay niya ang sapatos ay pinilit ko na siyang tumayo kahit hindi pa siya tapos dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.

Nagtatakang tumingin pa siya sakin bago binalik ang tingin sa sapatos at pilit parin itong inayos. "Is there a problem with what I'm doing?"

"No.. No, I just feel awkward." I leaned in to whisper some words. "Tinitignan na kasi tayo ng mga tao."

Nang mag-angat siya ng tingin ay saka ko lang napagtanto na ilang pulgada nalang pala ang layo ng mga mukha namin.

Pero hindi ako lumayo, subalit ay tiningnan ko lang rin siya pabalik.

"Might want to move your face away from mine, Estella." He almost whispered while his eyes roamed on my face.

"Ayoko nga. Baka may makarinig pa satin, lalo lang tayong pagu-usapan!"

Overdose on Love | ✔ Where stories live. Discover now