Chapter 22

168 8 0
                                    

TW: Harassment

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TW: Harassment

"What do you mean?" I asked, looking nonchalant but deep inside, I was afraid of the words she'll say.

"We'll get there after our road trip. Dahil sure akong hindi ka na naman matatahimik kapag sinabi na namin agad sayo."

"But it's not bad news, right?"

She looked uneasy, all of them did so I asked again and like what happened earlier, no one answered.

"Hey, hindi niyo ba ako narinig?"

Nilingon ko sila isa-isa at pare-parehas silang hindi makatingin ng diretso sakin pero hindi nagtagal ay tumitig na rin sakin si Jay at siya na rin ang sumagot sa tanong ko kanina.

"Half half maybe, Estella?" Nagda-dalawang isip pa niyang sagot at pagkatapos ay nag-iwas na rin ulit ng tingin.

"Anong klaseng sagot yun, ha?" Nagsisimula na akong mainis sakanila, pinapakaba lang nila ako masyado. May nalalaman pa silang pa-suspense dyan pero malalaman ko rin naman pagkatapos ng road trip, tsk.

"Kumain ka na para maka-alis na tayo. Nakapag-impake na kami, kahit sayo ay naayos na namin. Magtatagal tayo ng tatlong araw, ganun katagal kahit ayaw mo. Gagamitin natin yung sasakyan ni Jay."

Umalis na si Crisel kaya ganun na rin ang ginawa ng dalawang nasa tabi ko. Iniwan nalang nila ang pagkain na dala nila sa kwarto ko kaya nagsimula na akong kumain habang iniisip parin ang sasabihin nila. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o mae-excite. Ayoko pa namang binibitin.

Pagkatapos ay bumaba na ako at nakita silang casual na nag-uusap. Mukhang seryoso ang topic nila dahil ni isa sakanila ay hindi man lang nakangiti o natawa.

Nang marinig na nila ang mga paghakbang ko ay tumigil na sila sa pagsasalita at sabay-sabay na nilingon ako.

"Bakit hindi ka pa nakakaligo? Sa tagal mo sa kwarto mo, kumain lang ang nagawa mo?" Tanong sakin ni Crisel kaya dahan-dahan akong tumango at dahil sa pagtangong ginawa ko ay napa-hawak siya sa ulo niya at napa-yuko.

Binalingan niya nalang ulit ako ng panandaliang tingin at sinabing umakyat ulit ako at maligo. Magbihis na rin daw agad ako ng pang-alis pero dapat kumportable sa katawan dahil diresto alis na nga kami dahil kada isa sakanila ay nakapang-alis na rin.

Ginawa ko na ang inutos niya at pagkatapos ay sabay-sabay na kaming lumabas habang hawak ang mga maleta sa kamay namin.

Sa maleta talaga nila nilagay ang mga damit namin at iba pang kailangan at hindi ko alam kung bakit dahil pwede namang sa mga backpacks nalang o kahit anong klaseng bag dahil sa tingin ko ay hindi naman kami masyadong lalayo.

Overdose on Love | ✔ Where stories live. Discover now