Chapter 8: Easy on the eye

140 12 26
                                    

➣ E R I E

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

➣ E R I E

Lider sighed as he watched the two getting beat up black and blue by his soldiers.

A rock hard punch was thrown and it landed on Ryde's already bruised lips. I cringed at the loud thud of him falling onto the cemented floor. "B-Beg... pardon—" His face twitched as they pick him up again. Napatingin lang ng bahagya si Axcel sa kaniya na ngayon ay hawak rin ng ibang tauhan. Kapwa sila duguan na ngayon.

Maya't maya akong napapa-iwas ng tingin dahil kahit ilang beses na akong makakita ng ganito, hindi pa rin ako sanay. I don't like seeing anyone at this state.

Kumalat agad sa lahat ang nangyari sa team nila Ryde kaya heto sila ngayon sa office ni Lider. Our people are all disappointed with the two of them. Una dahil matagal na si Ryde rito, dapat hindi na siya pumapalpak. Pangalawa, baguhan pa lang rito Axcello kaya inaasahan ng lahat na gagawin niya ang lahat para hindi siya pumalpak.

I guess, it's not a good choice to put them together in one team. Ngayon lang 'to nangyari sa Infinito.

"'Di bale kung mababalik ng paghingi mo ng tawad ang oras na sinayang niyo." His voice was firm enough to make them close their parted mouths. The silenced whimpers. Dripping blood. It's clear that they are having a hard time now. Konting tiis pa.

This is Amore Clan's tradition. If you fail on something, there will be a consequence, and this is the consequence-getting beat up for ten minutes straight. No compassion, no privilege. A mistake is a mistake.

"I can make things right, just bring back Erie in my team." Ryde coughed blood.

I looked up when I heard my name. And his audacity to speak and demand while being punished to death?! Anong klaseng sakit ba ng katawan ang gusto ni Ryde?

"Seems like you can't function without Erie." Lider's smile turned upward to one cheek. Napatitig tuloy ako kay Ryde at nakita kong diretsyo lang ang tingin niya rito.

"Because Erie understands me and every situation the best." He paused for a bit as he swallow a thick liquid in his throat. "I need her with me."

I stepped forward. Mabilis na hinarang ni Lider ang isang kamay niya sa akin habang diretsyo pa rin ang tingin kay Ryde. Si Axcel naman ay nakapikit na at parang tinanggap na lang ang masakit na sitwasyon.

"Isa pa, Riordan." Pagbabanta ni Lider kaya natakot na ako para sa kaniya. Lider can be ruthless sometimes. Lalo na kapag usapang failed mission. Wala siyang sinasanto.

"Ryde, can you stay silent muna?" My eyes are shaking. Ako ang naaawa para sa kaniya. Ito yata ang pinakamalala niyang naranasan.

"Only if they bring you back to me." The determination in his eyes made me stop. Sa sinabi niyang iyon, ako pa ang natahimik.

***

"Bakit mo ba 'yon sinabi? Do you think we're on a drama or something? Feeling leading man na inalisan ng leading lady! Hello, obviously you can function without me." Sa inis ko kay Ryde ay diniinan ko ang bulak na ginagamit ko panggamot sa kaniya.

Races and Eight (Les Mafias #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon