Chapter 21: Just the beginning

115 10 18
                                    

➣ S T E E R

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

➣ S T E E R

"Can I talk to you?" Huminto ako sa likuran ni Sky. Agad ko siyang sinundan matapos niyang umalis sa tabi ni Ryde.

"About what?" Nilingon niya ako.

"Let me go straight to the point." I said and I could tell I completely caught his attention. "Stop building a bridge between me and Erie. Kung ano man ang gusto niyong mangyari, hindi 'yon matutupad." He looks taken aback. I just released a deep breathe, scratching an eyebrow. 

Kay Erie ko sana 'to mismo sasabihin kaso alam kong masasaktan siya ng sobra. Mahina ang loob no'n kahit papaano. Mabilis siyang masaktan. 

"That's not—"

"Halata kayo." Pagputol ko sa sinasabi niya nang mapansing gagawa pa siya ng katwiran. "May kinalaman rin ba si Ryde rito? Kaya ako ang sinama niya sa Night Lights?" 

"Listen, Steer... I just wanted to make Erie happy."

"But—"

"But." Ako naman ang pinutol niya. "If you think my actions are insensitive for your part, I'm sorry." He said and it sounded so genuine. My shoulders released its weight. Nawala ang init ng ulo ko dahil sa huli niyang sinabi. Para bang iyon talaga ang kailangan kong marinig.

"No worries. Kalimutan na lang natin." Tatalikuran ko na sana siya kaso bigla siyang nagsalita ulit.

"Nagkukwento sa akin si Erie. Alam ko ang mga nangyayari sa pagitan niyo. Alam ko rin na nasa nature nating mga lalake ang matukso pero hindi ba sa ginagawa mong 'yan parang pinaglalaruan mo ang nararamdaman niya?"

That made me stop and it feels like realization hits me a million times.

Noong gabi ding iyon, umalis ako para magtungo kung saan. Hindi ko alam. Parang gusto ko munang malayo. Everything's happening at once and it's very overwhelming. Sanay ako na sa mundo lang ng drag racing umiikot ang mundo ko pero ngayon ang dami ko ng iniintindi.

"Ariella, I'm trying my best, okay?" Nahampas ko na lang ang manibela nang pagalitan na naman ako ng kapatid ko. Tumawag kasi ako sa kaniya para kahit papaano ay may makausap ako pero wala akong narinig kundi sermon. May pasabi sabi pa siya na ang insensitive ko raw at kahit kailan hindi na nag-isip.

"Axcello, if you're really trying your best to avoid attachments she wouldn't be running after you, okay?" She argued.

Nakakainis lang kasi tama siya. Hindi ko nga sinasaktan si Erie gamit ang mga salita pero naapektuhan naman siya sa mga actions ko. To think that actions speaks louder than words made it worse.

"Tell her stop seducing me." Sabi ko na lang dala ng sobrang inis. Diretsyo lang ang tingin ko sa madilim na daan at hindi ko napansin na ang bilis na pala ng pagmamaneho ko.

"So you're putting the blame on her?"

"Bakit ba siya ang kinakampihan mo? Ako ang kapatid mo rito, Ariella." I clicked my tongue in annoyance. Sa totoo lang gusto ko na siyang patayan ng tawag dahil kada bitaw niya ng salita, nagui-guilty ako. Damn, no one told me to get ready to hear those words.

Races and Eight (Les Mafias #1)Where stories live. Discover now