Chapter 18: Night lights

134 7 22
                                    

➣ E R I E

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

➣ E R I E

"Ma, can we go out?" Napapikit at kumapit ako lalo sa braso ni Ryde nang simulan na niya akong pagpaalam kay mommy.

Mom is busy arranging her newly bought red roses. Hindi ko nga alam kung pinansin niya si Ryde.

"Where are you going?"

"Date po, ma."

Agad kong kinurot si Ryde at hinampas pa. "Ayusin mo naman!" I whispered angrily. Puro siya kalokohan! Kapag kami hindi pinayagan ni mom, sasama talaga ang loob ko.

Ryde cleared his throat. Hindi na niya rin qinuestion ang pag-utos ko sa kaniya na siya na ang magpaalam. Bata pa lang kasi kami ganito na ang ginagawa namin. Kapag kasi ako, baka hindi kami payagan.

But usually si Sky ang nagpapaalam for the three of us dahil siya ang pinakabehave at mukhang good boy. Pero dahil wala siya, si Ryde na lang.

"Fine. Just message me." Kalmadong sabi ni mom at tumalikod na.

What? That's it?

"Thanks, Ma!" Ryde said. He looks excited. "Let's go, Erie. Baka magbago pa ang isip."

Oh, right.

Mabilis kong kinuha ang bag ko sa sofa saka nagpaalam kay mommy. Humalik pa ako sa pisngi niya.

Nagmamadali kaming lumabas ni Ryde habang tumatawa. Yung excitement niya kanina ay napunta na rin sa akin. Para kaming mga bata! Ganitong-ganito rin kami noon.

"Ay, gago." Bigla akong binalikan ni Ryde saka ako hinawakan at inalalayang bumaba ng stairs. "Kaka-opera mo nga lang pala! Bakit hindi mo pinaalala sa akin?!"

"Na-excite ako, nakalimutan ko rin."

"Erie?!"

"I'm kidding! Okay lang ako, wala lang sa akin 'to." I told him. Magaling naman na ang mga stitches ko. Hindi rin naman ako magpupumilit lumabas kung hindi pa ako okay o kung masakit pa kapag gumalaw.

Iyon nga lang, hindi advisable ang excessive movements. Pero isang beses lang naman ako sumuway. I'm not just gonna tell my doctor na lang.

Gosh. Kapag talaga si Ryde ang kasama ko, nagiging pasaway ako.

Ryde bought his Ferrari. Nakapark na iyon sa labas, pagbaba rito sa stairs. He opened the door for me.

"Date lang pala ang kailangang sabihin para payagan agad." Ngumisi si Ryde. Napatigil tuloy ako. Hanggang pagsakay niya sa kotse ay nakangisi pa rin siya.

I crossed my arms and rolled my eyes. Duh! Good mood lang siguro si mommy.

"Hey, my lovely date. Get inside." Ryde teased as he whipped his head a bit, signalling me to hop in the car.

Naiirita ko siyang tiningnan pero hindi rin nagtagal ay natawa ako. Ryde also laughed when he saw me laughing.

Ahh, this guy. He can really take all my worries away.

Races and Eight (Les Mafias #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon