Prologue

2.6K 67 9
                                    

"Addyson, let's break up!"

Kusang naiangat nang dalaga ang ulo nang marinig niya ang sinabi ng kasintahan. Hindi sya makapaniwalang tumingin rito at sarkastikong natawa sa harapan nito.

"I know this month is april, but Dominic that's not funny!"

The hell! After 2 years in a relationship, tsaka niya lang ako naisipan ibreak, and for what fcking reason?

Lihim na naikuyom ni Addyson ang isang kamao sa ilalim ng lamesang pinagkakainan nila ngayon. Seryoso pa rin ang mukha nang kanyang kasintahan na si Dominic at tila ba ang lalim ng iniisip nito dahil hindi agad ito nakapagsalita pagkatapos nang sinabi nya rito.

"Addy i'm tired"

"Wow! You're tired Dom? What about me? Napapagod din ako sa sex nating dalawa, pero nakipaghiwalay ba ako sayo!?" angil ni Addyson rito

Alam niyang hindi ang bagay na 'yon ang tinutukoy nang kanyang nobyo pero hindi niya maiwasang manggalaiti rito dahil sa bulok nitong rason. Isa pa, ang lakas ng loob nitong makipaghiwalay sa kanya---sya pa na lalaki?! No way! Matatapakan yata ang kanyang pride kung ito pa ang unang makikipaghiwalay sa kanya.

"Addy it's not what i mean!"

"It's not your mean Dom! Then what huh!? Ikaw pa ang may ganang makipaghiwalay, ni hindi mo man lang akong hinintay na magsawa at mapagod din na umintindi sayo"

Hindi niya mapagtitiyagaan ng dalawang taon ang lalaki kung hindi niya rin ito minahal, kaya hindi rin niya matatanggap kung makikipaghiwalay na lamang ito sa di niya malamang bulok na rasonan nito.

"I'm so s-sorry. Hindi ko din kaya lokohin yung sarili ko lalo pa-- nawala na yung nararamdaman ko sayo Addy" Hindi mapakaniwalang napansinghap si Addy matapos marinig ang sinabi nito.

So he's fall out of love on me!? Why? That's unfair! Kung siya ay hulog na hulog na sa lalaki.

Nanatiling kumalma si Addy, dahil mawawala ang poise niya kung magwawala siya sa loob ng restaurant. Ang kapal din ng mukha nito na pumili ng lugar na pagbebreak'an nito sa kanya, kung saan no choice siyang hindi makakapagwala once na hiniwalayan na siya nito.

Fuck you for that Dom!

Kilalang kilala na talaga siya ng kasintahan--na supposed to be na mukhang magiging ex na niya ngayong araw.

"Who's the third party!? Humanda siya sakin!" Inis niyang asik rito at pinanlinsikan niya ito ng mata.

Hindi niya alam kung bakit mas matimbang ang galit na nararamdaman niya ngayon kaysa sa 'sakit'

"Walang third party. I just realized that i don't love you anymore Addyson and i'm sorry for that" he felt guilty

Tangina, hindi ko kailangan ng awa niya ngayon! Kailangan kong malaman kung sino iyong babae niya, na nagpawala ng feelings niya na dapat na para  lang sa akin.

"Hindi ka ma-fefell out of love sa akin Dominic kung walang ibang babae na nakapasok sa buhay mo maliban sakin!"

"Addy wala akong babae, kusa ko lang 'tong naramdaman. Five months ago, hindi ko na maramdaman yung totoong saya kapag kasama kita  katulad noon mga unang taon natin. I thought wala lang iyon kasi stress lang ako sa work, kaya sinubukan ko pa rin na magwork itong relasyon natin pero habang lalong tumatagal nawawala na yung excitement na dapat tayong dalawa yung nakakaramdam" Natahimik si Addyson sa sinabing ito ni Dominic.

Hindi niya napapansin ang 'excitement' na 'yon dahil sa kanilang dalawa siya ang palaging mas umeeffort sa kanilang relasyon at dahil mahal niya si Dominic, Kahit na makita at makasama lang ito sa buong araw ay 'excitement' na iyon na matatawag para sa kanya.

Seducing the Third Party [R-18] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon