Epilogue

2.3K 76 17
                                    

"mooommmm!" Narinig ni Addy ang boses ng kanyang anak na si Andy, kaya naiwan niya ang paghahain ng pagkain at mabilis siyang nagtungo sa kwarto nito.

"What's wrong Andy?" Nagtatakha nyang tanong sa anak na nakatingin lamang sa kanyang toy shelf habang nakabusangot ang maganda nitong mukha

"Si dadalia nawawala mom, i put her on my toy shelf last night" tukoy nito sa paboritong manika. Napabuntong hininga si Addy, ang akala niya naman kung anong problema nito. Medyo kinabahan siya kanina nang tawagin siya nito ng malakas, kaya naiwan niya ang ginagawa para akyatin ito at tignan.

"Maybe you misplaced her Andy and how about to Aldy, baka nasa kanya lang" tukoy niya sa kambal itong isa. They're identical twins at pangalawang anak nila ito ni Nigel. Una, ang panganay nila na si Nadson Hanza na pitong taong gulang na, samantala ang kambal ay tatlong taon na.

Sunod sunod namang umiling sa kanya ito habang nakapamewang, nagsalubong rin ang makapal nitong kilay. Kung may nagmana man sa ugali niya iyon ay si Andy, ang kambal naman nitong si Aldy ay namana ang mabait na ugali ni Nigel. Kahit na kambal ang dalawa ay magkaibang magkaiba ang mga ito, lalo na pagdating sa ugali.

"Mom kasama ko sila dad kanina and Aldy, wala sa kanya si Dadalia" ngumuso pa ito, halos sumigaw ito sa inis. Nilapitan niya naman ito yumukod siya para mapantayan ito.

"Andy we will search your doll! Just don't shout again, mabibingi na kami" kahit na napakaliit nito ay napakatinis naman ng boses, kung hindi niya lang anak ito ay natakpan na niya ang bunganga nito ng tape. Madalas kasi itong sumisigaw agad kapag naiinis o di kaya nagagalit in short she's a hot-headed

"I'm sorry mom" bumaba na ang boses nito.

"C'mon let's go to downstairs, let's eat first before will find your doll. Tatanungin din natin sila, baka nakita nila ang favorite mong doll" sa sinabi niya ay ngumiti na ito.

"Thank you mom" napangiti na rin si Addy, aliw na aliw siyang nakikita itong ngumingiti dahil nakikita niya ang magandang ngiti nito katulad sa mahal niyang asawa na nakapagpabihag ng puso niya dito. Umangat naman ang mga kamay ni Andy at umaktong nagpapakarga kaya naman walang sabi na kinarga niya ito kahit na may pagkabigat na ito.

Nang makababa silang mag-ina ay saktong nakita ni Addy ang asawa na pumasok sa salas, kagagaling lang nito sa pool area kasama ang dalawa pa nilang anak na si Aldy at Nadson.

"Mom we're going to eat na?" Masayahing sambit pa ni Aldy, ibinaba na rin naman ni Addy ang anak.

"Yes but before that, isa ba sa inyo ang nakakita sa favorite doll ni Andy?" Tanong niya.

"Hon hindi ko napansin, sila lang ang nakakaalam kung saan nakalagay ang mga laruan nila" nakalagay pa ang dalawang kamay ni Nigel sa bewang, habang nakatayo ang mga bata sa harap niya.

"But daddy, Nadson and Aldy are also know where i can hide my favorite doll" reklamo pa ni Andy

Agad na sumagot si Aldy rito "Mom, dad hindi ako ang kumuha sa doll niya, i have my own doll"

"How about you son, nakita mo ba ang laruan ng kapatid mo?" Tanong ni Addy sa nananahimik niyang anak na si Nadson. Umiling lang ito, kung may pinakatahimik man sa tatlo ay si Nadson iyon. Bilang lagi ang mga sinasabi at madalang kung ngumiti. Wala naman itong problema at napagalaman ni Addy na talagang ganito lang ang ugali ng kanyang si Nadson.

"Andy ka na lang ng daddy mo nang bago" pinal niyang sabi sa anak, para matapos na sila sa diskusyon nila.

"Mom i don't want! I want dadalia" pumadyak pa si Andy kaya napailing siya. Hindi niya pinansin ang anak bagkos ay binalingan niya ito. Alam na niya na ito lang ang makakapagpatigil sa anak nila.

Seducing the Third Party [R-18] CompletedWhere stories live. Discover now